zeen

25.9K 498 8
                                    

"Kumusta na?"
Tanong ko ngumisi naman ang dalawa sa'kin, ngising wagi.

"Nagawa na namin uuwi na 'yon rito sa New York." Ngumisi ang asawa ng bestfriend ni Naire tila ba sinasabi na dapat ngayon humanga kana sa mga kaya kong gawin and I don't protest.

"At paano n'yo naman ginawa?" Nagtatakang tanong ko kasi sa pagkakaalam ko determinado si Naire na magtago sa akin kaya nakakapagtaka na hindi man lang naghirap ang mag-asawa sa pagkumbinsi.

"Hmm madali lang naman at ang bruha na 'yon ay napakaduwag pero Mr. Zapanta ginawa ko lang ito para maging masaya ang bestie ko pero ipangako mong 'di mo na siya sasaktan. Kung 'di mo lang inamin na mahal mo na ang bestie ko at nagMMK sa harap ko tiyak na 'di kita tutulungan."
Seryosong sabi ng bestfriend ni Naire which made me smile alam ko namang magkapatid ang turingan nila noon pa kaya nga iyon ang ginamit ko para mapaikot dati si Luna e'.

"Salamat pero may isa pa sana akong pabor." At ngumisi ako na kinakunot ng noo nito saka napaismid.

Samantalang nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ng kabiyak nito.

Pero buo ang desisyon ko

Naire sa susunod na plano ko tiyak na 'di kana makawala.








Gail/Naire pov

Argggh nakakastress tambak ang trabaho at pipirmahan para ma-approve saka kailan ko rin I-review lahat baka may makalusot na mali na makakasira sa kompaniya.

Napahilot ako sa aking noo nang bigla akong makaamoy ng mabaho wala lang namag iba kundi ang pumasok na si Tyler.

"Tyler labas! Ang baho mo!" Sigaw ko kaya napamulagat naman sa'kin si Tyler at bigla na lang ngumisi.

"You sound like my wife magbestfriend nga kayo." At tumawa ito kaya napasimangot naman ako, kahit kailan talaga.

"Ikaw kaya ang magbuntis!"

Tinaas naman nito ang dalawang kamay na parang suko na ito dapat lang a'

"Tyler 'di ba mamaya na ang flight niyo? Pwede bang sabihin mo kay bestie na bilhan ako ng vanilla cake sa labas. Pleaseeeee at umalis kana kasi ang baho mo!" Napakamot naman ito sa batok nito at napailing alam ko naman hindi nito ako matiis e'

"Hay okay fine!" At umalis na ito tsk sabihin niya hindi niya ako matatanggihan dahil patay siya kay bestie.

Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa pero napangiti ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang cute kong bestie ngumiti ako ng pagkalawak-lawak.

"Bestieeeee!!!" Nagulat naman ito sa kilos ko.

Lumapit ito sa'kin at binigay sa'kin ang platong may vanilla cake at 'di ko mapigilan ang maglaway agad ko itong kinain.

"Masyadong PG bestie." Tiningnan ko ito hmmpff sabihan ba naman akong patay gutom pero hindi ko kayang magalit kasi nakita ko mukha nito. Bakit ang cute ng bestie ko? Grabe ang cute niya wahhhh.

"Oh no! Wag kang tumingin sa'kin ng ganiyan bestie!"
Nagigimbal na sabi nito.

"Ang cute mo bestie."

"Mataga-..wait Ohhhh no huwag mong sabihin ako ang pinaglilihian mo bestie?"

"Ewan ko basta ang cute mo bestie." Ngumisi lang ito sa'kin.

"Sa wakas makakaganti ako sa'yo sana nga may makuha sa'kin 'yang inaanak ko." 'Di ko na ito sinagot dahil pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko ng cake.

Kahit ano naman maging ugali o mukha ng anak ko tanggap ko naman.

"Ahh-mm bestie k-kasi..."
Tiningnan ko ito pero nagtataka ako sa kinikilos nito bigla kasi nagpalit ng emosyon ang mukha nito para itong puso na hindi mapaire.

"Natatae kaba bestie?" Bigla naman itong namula.

"Hinde baliw! May papapirmahan lang ako sa'yong mga dapat I-approve nareview ko na 'yan pirmahan mo na 'yan."

"Oh pirma lang pala." Inabot nito sa'kin ang dokumento na may limang pahina.

"Hmm ilagay mo riyan babasahin ko pa 'yan." Sabi ko

"A-hmm huwag mong basahin kasi... kasi ano kasi nabasa na 'yan ni Tyler tama! Nabasa na 'yan ng asawa ko. At saka ngayon na namin 'yan kailangan dadalhin namin sa pinas kasi." Bakit parang iba ngayon ang bestfriend ko may kakaiba?
Hmm pero tiwala naman ako rito.

"Okay." 'Di ko na tiningnan ang dokumento pinirmahan ko lang ang sa may ibaba para matapos na.

"Ahh hehehe thanks bestie alis na 'ko enjoy the cake." At mabilis itong lumakad palabas creepy pero 'di ko na ito pinansin kinain ko lahat ng cake at pinagpatuloy ang trabaho ko.

Hmpff baliw iyon 'di man lang nagpaalam ng maayos mabilis sumibat parang may humahabol na sampung demonyo.

"Ma'am your daughter is here." Napahinto ako sa ginagawa ko ng biglang pumasok ang anak ko at ang lawak ng ngiti nito pinuntahan niya ko sa aking swivel chair at dumukwang ako para mahalikan ako nito sa pisnge.

"Mommy! Look I have 3 stars teacher gave me these." Tumawa naman ako

"Wow I am so proud of you sweetheart."

"Mom can we go home now? Can you cook spaghetti for me? Please mom." Napangiti ako ang cute kasi nito.

"Okay sweetheart."

At kiniliti ko ito na kinatatili nito ng malakas.

Kick Out Slave (completed)Where stories live. Discover now