leaving the demon

27.3K 535 9
                                    

Magtatatlong linggo na ang nagdaan simula ang nangyari ang bagay na nagpabasag sa puso ko para na akong isang taong wala ng buhay lagi na kong laman ng mga bar kasi gusto ko makalimot, hinintay ko rin na magparamdam ito pero wala kahit tawag o kahit ano.

Sa ngayon andito ako sa bahay inaayos ang mga damit ko dahil bukas na ang alis namin ni dad papuntang new york wala na rin akong dahilan pa para magstay isa pa mas mabuting umalis para hindi ko na maalala ang sakit na dulot ng lalaking minamahal ko.

"Bestie mag-iingat ka roon 'a." Sabi ni Gina habang tinutulungan akong magtupi ng mga damit na aking dadalhin mabuti na lang siguro at nangyari ang mga ito dahil ito rin naman ang hinihingi ko ang masampal na talaga ako isang samapal na magpapakigising sa'kin.

At ngayon na tinataboy na niya ako sa buhay niya ano pa ang halaga na magstay hindi ba?

Sa wakas hindi ko na kailangan makipagtalo sa aking damdamin dahil napagbigyan ko na ang puso kaya ngayon ang isip ko naman ang pagbibigyan ko.

"Gina huwag kang mag-alala tatawagan naman kita." Sabi ko rito pero nagulat ako nang marinig kong humihikbi na ito.

"Sorry bestie alam mo naman kapag buntis pero bestie tawagan mo ko 'a at padalhan mo rin ako ng chocolates." Sabi nito na parang bata at nagpout pa ewan ko ba rito pero sa totoo lang mas maganda na makita na nakangiti ito at masaya sa tinatakbo ng buhay nito.

Nakakainggit nga lang dahil ngayon nahanap na nito ang tamang tao at nagawa na nitong simulan na magbuo ng pamilya.

"Oo naman para sa magiging inaanak ko." Sambit ko habang tumatawa then I tap her shoulder alam ko naman kasi na nagdradrama lang ito at pinipigilan lang umiyak kita naman kasi sa mga mata nito e'

"Alam mo bestie masaya ako at iniwan mo na ang gagong 'yon bwisit talaga kapag nagkita kami makikipag sabunutan ako roon at puputulin ko ang sungay at ang mahaba nitong saging." Binatukan ko ito dahil sa mga pinagsasabi nito ang laswa kasi ng bunganga tsk, mas lalo pa atang lumaswa nung nagbuntis na.

"Aray naman bestie!" At bigla na lang ito umiyak kaya para akong tangang hindi alam ang gagawin mapatahan lang ito.

"Gina uyyy sorry na." Sabi ko dito at pilit na pinapatahan pero 'di ito sumusunod mas lalo pang lumakas ang iyak nito kaya mas nataranta ako

"'Di tayo bati!" Hindi ko alam kung tatawa ako sa itsura nito kasi para itong batang nagawan ng candy pero wala e' umiiyak ito at ayaw ko naman na nasa gano'n itong sitwasyon lalo na't buntis ito.

"I'll do anything bestie just for you to stop crying makakasama kasi 'yan sa baby." Tila nagningning ang mga mata nito at agad na huminto sa paghikbi.

"Talaga? Gusto ko 'yang unan mong hugis saging pati 'yung plato mong may nakaprint na saging at 'yung teddy bear mo rin na may hawak na saging." Sabi nito at pinapahid ang luha sa mga mata nito kaya ako naman ay nakanganga teka ang kaibigan ko ba itong nasa harapan ko? Dati kasi kinukutya niya ko dahil sa pagka obsess ko sa saging Oppps hindi 'yung buhay 'a.

Wala lang cute lang kasi nito napatingin ako muli sa nakanguso kong bestfriend at bigla na lang akong tumawa.

"Hmmm mukhang mana sa'kin ang magiging anak mo bestie hmm mas okay 'yon may kasama na akong mag shopping ng mga bagay na may naka print na saging." Nagpatuloy lang ako sa pagtawa.

"Noooooo!!! Bestie ano ba 'yan bakit kasi napaglihian ko 'yang saging ayokong makita ang isang bahagi ng bahay ko na puno ng mga saging na hindi buhay." at ako? Nakanganga ano raw?

Tiningnan ko ito ng masama at binatukan sa pangalawang pagkakataon. Kahit kailan hindi ito natututo mas lalong tumitigas ang ulo ewan ko ba.

"Mas okay na't sa'kin magmana 'yang anak mo kaysa sa'yo na madumi ang bunganga."

Kick Out Slave (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon