back to reality

28K 582 13
                                    

Lunaire pov

Tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa sahig ng banyo na kahit masakit ang aking katawan ay pinilit ko pa rin tapusin ang aking pagligo. Nakatulala man at iniisip ang mga posibleng maganap pa sa kanila ng lalaking iniibig ay hindi niya mawari kung bakit namamanhid na lamang ang pakiramdam niya.

Sobrang manhid.

Hindi ko nga alam kung bakit ang takot at pag-uubaya ko sa sarili ko kay Zeen ay nagpatuloy at ni hindi ko na hiyaan ang sarili ko sumaya man lang.

Siguro dahil nasanay na ako sa ganito?

Siguro nga hanggang rito na lamang talaga ako.

Nang matapos akong maligo ay dali-dali akong nagbihis dahil ayokong ma-abutan ako ni Zeen dahil alam kong sasaktan niya na naman ako sa mga masasakit niyang salita, pinagsabihan niya na niya kasi ako na dapat pagkagising niya'y dapat wala na ako sa kwarto dahil ayaw niya akong makita dahil naiinis siya. Isa lamang akong parausan na kinamumuhian niya isang taong tinatawagan niya lamang kapag kailangan niya na ng sex.

Pagkalabas ko sa banyo ay nakabihis na ako at nakita kong nakahiga pa rin si Zeen sa kama nilapitan ko ito at umupo ako sa gilid ng kama na kinahihigaan nito saka pinagmasdan ko ang gwapo nitong mukha.

"Bakit ba kahit masama ang trato mo sa'kin ay mahal pa rin kita? Kailan ba ako magigising Zeen? Pero kung hindi rin lang ako magising ay sana mahalin mo na lang ako." Hahawakan ko sana ito ngunit hindi ko magawa dahil sa takot na mahuli ako nito at saktan. He hated me, at lubos iyon natanggap ng utak ko pero ang puso ko lamang ang umaasa pa. Umaasa na sana kahit papaano makita ako nito bilang ako.

Pero hindi naman masama ang sumubok hindi ba?

Kahit ngayon lang?

Kahit isang beses lang..

Napatingin ako labi nito at nagdadalawang isip kusa rin lumandas ang luha sa aking mga mata ewan ko ba hindi pa talaga nasasanay itong mga mata ko.

Napalunok ako at pinunasan ang mga luha sa aking mga pisnge.

"I'm sorry Zeen I know this is a mistake, alam ko ring hindi ako karapatdapat at kasalanan ang gagawin ko pero sana kahit isa lang at huli na ito pangako." Mapait na napangiti ako at dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa mukha nito.

I kept on staring on his eyes, pinagdadasal na huwag sana iyon magmulat at mahuli ako sa ganitong ayos.

Pero kung magmulat ito sana makita ko ang parehong emosyon na meron ang puso ko sa mga mata nito.

Sana nga

Pero malabo kaya ito na lamang ang magagawa ko ang magnakaw.

Hinalikan ko ito sa mapupula nitong labi, sa makakapal nitong kilay, sa tungki ng matangos nitong ilong, sa mga mata at sa pisnge nito at muli'y hindi ko namalayang napaluha ulit ako na pumatak sa pisnge nito mismo kaya medyo naalimpungatan ito at gumalaw pero pinagpapasalamat ko na hindi ito nagmulat bagkus mahimbing pa rin ang tulog.

"Mahal na mahal kita Zeen." Hinalikan ko uli ito sa labi ng mabilis na tila hindi ko naramdaman ang init no'n.

Napatayo ako at tinitigan ang itsura nito. Siguro matatagalan na naman ang hihintayin ko makasama lamang siya ulit at makita muli ang tagpong ito pero hihintayin ko pa rin at aasa ako lagi sa ideyang ako na lamang ang hahanap-hanapin niya oras-oras.

Kick Out Slave (completed)Where stories live. Discover now