I DON'T WANNA LOOSE YOU NOW

29.9K 611 20
                                    

MARGAUX

"Hmmm bakit ba ngayon lang umuwi? Kanina pa kita hinihintay eh."

"Maraming trabaho eh."

"Kumain ka na?"

"Oo, kumain na ako bago ako umuwi. Halika nga rito pa hug."

Teka bakit may yumayakap sa akin? Itinulak ko yung nakayakap sa akin. Akala ko nananaginip ako ng maramdaman ko yung kamay ng isang lalaki sa beywang ko.Pati yung mainit na hiniga niya sa batok ko.

"Sino ka?"

"Honey, ako lang to. Let's go back to sleep."

"Mike?"

"Oo."

Hinila niya ako sa tabi niya ulit. Hindi man lang siya dumilat. Nakita ko na nakahubad yung shirt niya at naka boxer shorts siya. Oo nga pala may damit din pala siya dito na naiwan namin nung matulogkami dito nung bagong kasal pa lang kami. Bakit siya nandito? At dito pa siya sa tabi ko natulog? Kasama ba niya si Kuya Nate? Bakit hindi na lang niya ako ipinatawag sa  palasyo? Bakit nandito si Mike? Hindi na ba siya galit sa akin?

"Mike?"

"Hmmm?"

"Bakit ka nandito?"

"Hmmmm?"

"Sabi ko bakit ka nandito?"

"MArgaux, bukas ka na lang magtanong ha kasi antok na antok ako eh."

"Ngayon mona sagutin..."

"Anong oras na ba?"

"Four fifteen"

"Mamaya na lang tulog muna ako."

"Mike."


AUTHOR'S NOTE

Much that I want to continue this...sa next chapter na lang. If you wantto read the next Chapter, please follow me kasi the next chapter will only be available to my followers. Kung nag follow na kayo at di niyo pa nakikita refresh or log out tapos log in ulit para mabasa niyo.Salamat hehehe

 

TRAPPED IN MARRIAGEWhere stories live. Discover now