FIRST COFFEE

39.5K 849 30
                                    


MARGAUX

Sinundo na naman ako ni Mike sa school as usual, pa sweet in public but sungit in private. Hindi niya ako kinakausap pag kaming dalawa na lang. Siyempre holding hands to the max pag maraming tao. Today, we went to Starbucks to drink coffee. Sabi niya kanina, pwede namang magkape na lang sa opsina ang daming trabaho kaysa sa maki pag socialization sa mga pa rich na customer ng Starbucks.

Mike was born to one of Manila's old rich. His Dad is the oldest Billionaire of the country. Si Mike lang ang nasa politika.

As we are seated in a corner of the coffee shop, he was smiling at everyone and talking to everyone who approached. I was sitting there waiting for him to finish his social-political duty of being nice to every prospective voter.

He looked at me and I don't know pero hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya. Angtaas ng ilong, inborn na yata ang smirk niya sa mukha. May maliit na cleft sa chin niya. Nakikita lang yun pag sumisimangit siya. At yung dimple naman niya nakikita pag nagsmile siya.

"Something wrong, Margaux?"

"Huh? Wala. Sorry"

"Sabi ni Jonathan dapat daw may random question and answer tayo eh. Wala naman ako idea kung ano yun eh."

"What is your favorite food?"

"Huh?" Aaahh okay, random pala.

"I like sinigang na hipon and pritong galunggong."

"I like dinuguan hehe"

"Ano nakakatawa sa dinuguan?"

"Expression mo, parang eeww yung reaction mo eh."

"Ah okay. Hindi naman eeww yun eh. Anyways, favorite color?"

"Yellow."

"Green"

"Hmmm what else?"

"Ano ba ang tinatatanong ni Jessica Soho sa mga iniinterview niyang couples?"

"Have no idea. Di ako nanonood eh."

"Pano natin malalaman?"

"YOUTUBE"

"Youtube? Pano?"

"We'll watch na lang some re-runs sa mga interviews niya sa mga couples."

"Pwede naman natin gawin yan sa opisina eh."

"Okay."

"Pero wait , chance nap ala nating ipakita na sweet tayo di ba?"

Inilapit niya ang upuan niya sa upuan ko. Masyadong malapit siya sa akin. I could smell his expensive cologne and he is too close I could feel his warm breath fanning my cheek whenever he turns to laugh at the interview we were watching on his phone. Napansin ko yung mga babae na nasa malapit na table sa amin na palihim na tinititigan siya at sina size up siya everytime na tatawa siya. Maytime din na nilalagay niya ang kamayniya sa balikat ko. Napalingon siya sa mga babae sa tabi naming na table at nginitian siya ng pagka landi landi. Ngumiti din tong si Mike sa kanila pero saglit lang. Lumingon siya sa akin at dinampihan nghalik ang ilong ko. Pagkagawa niya nun, biglang may nag flash sa labas ng coffee shop. MEDIA! Tumingin ako kay Mike at nakita ko sa mukha niya ang pagka irita. Yung ngiti niya kanina ay nawala na. Napalitan ng pagkunot ng noo niya at pagkagat niya sa loob ng labi niya. Lumabas na din ang clef tsa baba niya. Galit na siya.

"Nandito na naman sila. Tapos ka na ba diyan? Dalian mo at alis na tayo dito."

"Okay na. Tara, alis na tayo."

TRAPPED IN MARRIAGEWhere stories live. Discover now