LEVERAGE

35.9K 730 14
                                    

MIKE

"Sir!"

"Marko?"

"Sir, binomba po yung ....."

"Mike!"

"Jonathan?" Bakit niya ako tinawag ng Mike? Bakit parang takot na takot ang mukha nito? Ngayon ko lang nakita si Mike na ganito. 


"Mike, Sir, Si Margaux."

"Bakit ano nangyari kay Margaux?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sa hitsura ni Jonathan parang may nangyaring masama kay Margaux."

"Ano nangyari kay Margaux?"

"Ako na Jonathan. Sir, May pagsabog po sa UP. And the First Lady is there. We are still confirming kung nasan siya kasi yung PSG na kama niya hindi makontak."

"Ano ang ginagawa niya sa UP?"

"Mag ground breaking kasi para sa ipapatayo na cultural center eh, siya ang guest of honor"

"Punta tayo sa UP, ngayon na."

"Sir, hindi po advisable na pumunta po kayo dun. Baka si First Lady ang talagang puntirya nila. Pag pumunta po tayo ngayon baka may bomba pang nakatanim dun sir, mapapahamak kayo."

"Putangina, asawa ko ang nandun. Sabihin niyo i clear agad at pupunta na ako dun. Tawagin mo yung escort, sa UP na tayo ngayon. Teka saang UP?"

"Sa QC po."

"Sir, Sir may natanggap kaming balit galing kay Ortiz, confirmed po na patay yung dalwang kasam ni First Lady."

."Sino?"

"Si Rios at si Fuentes sir. Missing pa din sina Matas, Andres at  Julian. No news about the First Lady yet sir."

"Hanapin niyo. Putangina. Hanapin niyo si MArgaux. Tara na. Nasan na mga escort?"

Please Lord don't let anything happened to her.

JONATHAN

Pagkakita ko sa reaksiyon ng pangulo, hindi ko alam kung maawa ako sa kanya o malulungkot. Hindi niya alam ang gagawin. Nakita kong pinunasan niya ang mga luha niya kanina. Mahal na ba niya si Margaux? Hindi yan iiyak kung hindi. 

"Sir, nasa balita na po na kasama ang First Lady sa nasabugan."

"Putanginang media yan, hindi pa kompirmado na nasama si Margaux dun."

"Sir, Nakita na sina Andres, Matas at Julian. Itinakbo na silangtatlo sa hospital sir. Si Julian yung malubha angtama sir."

"Si Margaux?"

"Wala pa sir."

Makikita sa mga mata ng presidente ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi mo malaman kung magagalit or maiiyak. Hindi siya umiimik. Alam kong gulat  na gulat siya. Ngayon ko lang nakita siyang parang natalo sa sugal. Yung walang siyang magawa.

Nakarating kami sa UP at nakita ang lugar. Nandun na iyong ibang PSG para i secure ang lugar. YUng mga media nagtakbuhan kay Presidente nung makita siyang lumabas sa kotse niya. Hindi siya sumasagot sa mga tanong. Nang biglang

"Mr. President, alam niyo bang mangyayari ito?"

Remehistro ang galit sa mukha niya. Hinarap niya angreporter na nagtanong nito.

"What do you mean?"

"Sir kung may alam kayo dito?"

"Yung asawa ko nandiyan somewhere there. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Sa tingin mo kung alam ko ito, papupuntahin ko pa kaya siya dito? Isusugal ko ba ang buhay ng asawa ko? Ng buhay ng pinaka importanteng tao sa buhay ko ngayon?"

TRAPPED IN MARRIAGEWhere stories live. Discover now