Chapter 22. Tantrums and Sleep Over

11.4K 585 70
                                    

|Glaiza|

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Rhian at Gabby. Halatang nagulat ang dalawa sa biglaang pagsulpot ko pero naunang nakabawi si Gabby.

"Ate Glai, we didn't notice your presence. Kanina ka pa ba dyan?" Gabby asked after composing herself.

"Kadarating ko lang." Hindi ko maiwasang mapakunot-noo dahil nahagip pa ng mga mata ko ang mabilis na pagpapahid ni Gabby ng luha. " So, anong pinag-uusapan nyong dalawa? Care to tell me?"

Magsasalita sana si Rhian pero mabilis itong inunahan ni Gabby.

"I'm just welcoming your wife. Right, ate Rhi?" She gave Rhian a glance, smiling sweetly.

"Yeah." Maiksing tugon ni Rhian kasabay ng pagtango at isang pilit na ngiti.

Hindi pa din ako kumbinsido lalo na at hindi naitago ng pagngiti ang pagkabalisa sa mukha ng asawa ko pero hindi na lang ako nagkomento.

Naisip kong kausapin na lang ito ulit mamaya. In the confinement of our bedroom, kapag kaming dalawa na lang.

"I'm glad you two get along." I remarked.

I walked towards my wife and gave her a sweet peck on the cheek then snake my hand on her waist.

Nakamasid lang si Gabby sa amin kaya muli ko syang hinarap. "Kumusta ang pag-aaral mo?"

Gabby shrugged her shoulders. "School is fine. Medyo naghahabol lang lately pero kaya naman."

"Good." Nakangiting sagot ko bago sumulyap kay Rhian na nakapagtataka ang pagiging tahimik. "You okay?" I asked in a worried tone and again she answered me with a nod.

"Maiwan ko na kayong dalawa. Tutulungan ko muna si Nanay sa paghahanda ng dinner." Sabad ni Gabby ng makitang na kay Rhian na ang buong atensyon ko.

Hindi na nito hinintay na sumagot pa kami dahil agad na itong tumalikod at naglakad palabas ng library.

Nang tuluyang makalabas si Gabby ay muli kong hinarap si Rhian.

I stood infront of her and held her nape while my other hand remain connected to her waist. Nagtama ang mga mata namin pero mabilis syang nagbaba ng tingin.

"Wifey, what's wrong?"

Mabilis syang kumawala sa'kin. "How'd you know I'm here?" Tanong nya sa halip na sagutin ang tanong ko.

Napakunot-noo ako ng bahagya syang lumayo sa kinatatayuan ko.

I can feel there's something wrong or she wouldn't be this aloof.

"You're daughter told me. Now, answer my question. What's wrong? Anong pinag-usapan nyo ni Gabby? Anong sinabi nya sa'yo? Surely, shedding a tear wasn't necessary in welcoming someone."

"She told me everything including your accident." Sagot nya pagkatapos ay napasulyap sa mesa.

Sinundan ko ng tingin ang hinayon ng mga mata nya at hindi ko napigilan ang pagtatagis ng mga bagang.

Anong ginagawa ng pahayagang yun doon?

"Bakit hindi mo sinabi?" Mahinang tanong nya, nangingilid ang luha sa mga mata.

I took a deep sighed. Then cross the distance between us.

"Wifey, hindi naman kase importante." Nang tangkain ko syang muling hawakan ay pumiksi sya.

"Glaiza, anong hindi importante? You almost died because of me!"

"Is that what Gabby told you? Rhian, it's an accident."

Winning Back Mrs. De Castro (MGDC: Book 2)Where stories live. Discover now