Chapter 9. Caiden Meets Mimi

11.2K 527 136
                                    

|Rhian|

Tinanghali ako ng gising kinabukasan, marahil dahil sa madaling araw na ng dalawin ako ng antok. Pero nakapagtatakang wala man lang gumising sa'kin. Maagang nagigising ang kambal at kadalasan na ay sila ang gumigising sa'kin. And since Caiden is in the hospital, inaasahan kong magigising ako sa pagyugyog ni Caedy sa mga balikat ko.

Naisip kong marahil ay tinanghali din ito ng gising na bihirang bihira namang mangyari.

Sandali akong nag inat pagkatapos ay bumangon na.

Kailangan kong pumunta sa ospital dahil ngayon ang nakatakdang paglabas ni Caiden.

Sandali akong nag ayos ng sarili pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

Sa labas ay agad akong sinalubong ng mabangong amoy ... amoy na nanggagaling sa kusina.

Someone's cooking at the kitchen?

Pero sino? Nakauwi na ba si Mommy?

I hurriedly went to the kitchen and I was greeted by Glaiza and Caedy's presence.

Abala ang mga ito sa kusina. Pareho pang nakasuot ng apron na akala mo ay mga totoong chef.

Si Glaiza ang nagluluto habang katabi naman nito si Caedy na nakaapak sa isang stool, marahil para pumantay ang taas kay Glaiza. Nakapameywang pa ito habang animo head chef na nagmamando sa Mimi nya.

Nakatalikod ang mga ito sa kinatatayuan ko kaya hindi napapansin ang presensya ko.

Kaswal na nag uusap ang dalawa habang nagluluto. And they're both a sight to behold.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan sila.

I crossed my arms on my chest and decided to eavesdropped a little.

"Sweetheart, do you think your Mama will like this?" I heard Glaiza asked to Caedy, referring to the food.

"Yes Mimi. Because Mama loves pancakes." Caedy answered.

Glaiza just nod. Kahit nakatalikod at hindi ko nakikita ay alam kong ngumiti ito.

Hindi naglipat sandali ay muli itong nagsalita.

"Does your Mama cook?"

"Yes and she cook the best carbonara in the whole world. And Mamita too. She's the one who teach Mama."

My smile widen upon hearing Caedy. She's just exaggerating. Unlike Mom, my carbonara wasn't as good but the twins love it nevertheless. They're my number one fan when it comes to cooking, though I'm not that good they still think I'm the best.

"Really? Well, in that case I hope I can have a taste of that carbonara. Seems mouth-watering." Glaiza respond. Pagkatapos ay hinango na ang niluluto at muling nagsalang ng isa pa.

"Okay, I'll tell Mama to cook some for you."

"Yes, please do. Sweetheart, will you hand me the sugar?"

Agad namang iniabot ni Caedy ang hinihingi ng ina.

"Here, Mimi."

"Thank you chef."

Caedy giggled. Marahil sa itinawag dito ni Glaiza.

"Mimi, am I really a chef?"

"Ofcourse you are, sweetheart. You see, you're helping me with all these stuffs. And if not for you I can't do this alone. So, it's really all on you, chef Gorgeous."

Winning Back Mrs. De Castro (MGDC: Book 2)Where stories live. Discover now