She Played Her Part ♡ Chapter 13

Start from the beginning
                                    

"Ay, naku!" Hinampas ako ni Myleen sa braso. "Pumayag na nga, eh! H'wag ka ng mahiya! Wala ka naman n'on..." pabulong lang ang huli niyang sinabi pero rinig na rinig namin kahit pa maingay.

I know gusto niya na talaga ako palayasin sa unit niya! Pero... "Kailangan talaga namamalo?!" Gumanti ako ng palo sa kanya.

Natatawa na lang sa amin si Ejhay.

Ang hilig-hilig niyang tumawa at ngumiti! Pinagmamalaki niya ata talaga ang dimples niya! Kung iniinggit niya ako sa dimples niya, well, nagtagumpay na siya. Dahil inggit na inggit na ako!

Bakit kasi wala akong dimple?!

Nagtatakang napalingon ako sa tabi ko at wala roon ang dalawang bruha na si Faye at Tracy. Nang tumingin ako sa dance floor ay doon ko sila nakita na humahataw sa gitna ng mga lalaki.

Tsk... kung nandito lang si Kyle at Oliver baka baka nakipagsuntukan na ako dalawa sa mga lalaking kasayaw nila.

"One more thing, cous," sabi ni Myleen maya-maya kay Ejhay.

"What is it?" tanong naman sa kanya ni Ejhay.

"She also needs a job. May maibibigay ka ba?" Then uminom si Myleen ng drinks niya.

Ganoon din ang ginawa ko.

"Well... kailangan ni Mama ng maid ngayon sa bahay," sagot ni Ejhay.

Muntik na naming maibuga ni Myleen ang iniinom namin at pareho pa kaming naubo dahil sa sinabi niya.

"Just kidding!" tumatawang bawi niya.

Dagukan ko kaya itong lalaking 'to? Akala ko pa naman seryoso! Puwede rin akong maging maid nila all day. Tapos all night, siya ang babantayan ko. Easy! Joke!

"H'wag mong binibiro ng ganyan si Lianne! Baka biglang pumayag." Tumingin sa akin si Myleen ng makahulugan sabay irap.

Natawa naman ako. Alam na alam niya ang nasa isip ko. Magkaibigan nga talaga kami! Well, birds of the same feather...

Natawa lang rin si Ejhay. Mukhang gusto niya rin yata ang idea!

Sige, Lianne, pagnasahan mo pa si Ejhay at humanda ka kay Mark!

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ko si Mark. Yumuko na lang ako sa inumin ko pinaikut-ikot ko ang laman ng baso.

"Actually, naghahanap kami ng vocalist sa banda na ilang taon na namin gustong buuhin," sabi ni Ejhay na nagpaangat ulit sa tingin ko.

Is he asking me to be their vocalist?

"You sing well noong kumanta ka sa theater house. I like your voice," dagdag niya pa.

"Ha?!" Parang nanlaki naman ako ulo ko sa pagpuri niya sa akin at parang kiniliti ang puso ko.

Feeling ko para akong grade schooler na namumula ngayon dahil nag-iinit ang mukha ko. Or maybe, it's just the alcohol. But... oh, gosh! Pinupuri ako ng crush ko! Pinupuri ako ni Ejhya! At hindi lang niya ako basta pinuri. He likes me rin daw... I mean he likes my voice!

"Bruh! H'wag ka ng tumanggi!" tudyo sa akin ni Myleen. "You love singing and who knows, baka sumikat rin ang banda niyo."

"Ah..." hindi ko alam kung papayag ba ako.

Tama naman si Myleen na gusto ko ang pagkanta pero marami akong magiging problema kung sasali ako sa banda. Usually, tumutugtog ang mga banda sa gabi sa mga bar or restaurant. Paano kapag weekdays? May pasok ako sa university at ayokong pumapasok na kulang ang tulog. Isa pa, paano ako pupunta sa mga bar o resturant na tutugtugan namin? Walang maghahatid-sundo sa akin. Hindi ako marunong magcommute at mahal kung magta-taxi ako palagi. 'Tsaka paano kung sumikat nga kami? Ayoko ng showbiz na buhay. Okay na sa akin na maganda lang ako.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now