"Ma, si Nathan po?"tanong ko.

"Asa kwarto n'ya"sagot ni Mama.

Napatingin ako kay Sir "Gusto mo po ba munang makipagkwentuhan kina Mama? Pupuntahan ko lang si Nathan"

"I'd rather stay with you muna"sagot n'ya.

Langhiya! Nakakabigla yung sagot n'yang yun 😂😍

"Ma, Pa! Puntahan lang namin si Nathan"pagpapa alam ko

"Sige, maya maya bumaba na rin kayo at kakain na"saad ni Papa at tumango naman ako.

Pumunta kami ni Sir sa kuwarto ni Nathan. Umakyat kami ng hagdan at pumasok sa kuwarto n'ya. Pagkapasok namin ay nakita ko s'yang natutulog.

"Mukhang napatulog ni Aling Analie"saad ko at dahan dahan kaming pumasok.

Pinapasok ko si Sir rito sa kuwarto at lumapit ako kay Nathan. Inayos ko ang kumot na bumabalot sa katawan n'ya.

"Lagyan mo na unan yung gilid n'ya"

Napalingon ako ng mag utos si Sir. Nakita kong papalapit s'ya rito sa kama at s'ya na yung naglagay ng unan sa gilid ni Nathan. Napangisi naman ako ng konti kasi ewan ko! Dahil 'yung crushie kong boss ang nag aasikaso sa anak ko? Haha, nakakakiligang makita si Sir na nag aasikaso ng bata.

"Baka kasi magka stiff neck s'ya"saad ni Sir.

"Okay Sir"sagot ko.

After n'yang ayusin si Nathan ay hinawakan ko ang ulo ng anak ko at hinalikan sa noo n'ya. Ang gwapo talaga ng anak ko 😊

"Ilang taon na ba s'ya?"tanong ni Sir habang nakatingin kami kay Nathan.

"Three"sagot ko "This September na po s'ya mag fo-four"

Napatingin naman s'ya sakin "September?"

"16 po"

Napatango tango lang s'ya.

"Can I ask something?"

"Ano po yun?"

Umupo ako sa kama ni Nathan at medyo inayos s'ya.

"Ano 'yung full name ni Nathan?"tanong n'ya.

Napatingin ako sa kan'ya.

"Nathaniel Alvin Galang po"sagot ko.

Nagtaka naman ako ng nabigla s'ya sa sagot ko. Yung parang nabigla s'ya na hindi makapaniwala.

"Nathaniel?"he whispered.

Napatango tango ako "Opo, bakit po?"

Napangisi s'ya na parang may tuwa "Wala"sagot n'ya "Ang ganda ng pangalan n'ya"

Napangiti na lang ako ng konti. Syempre naman, ako nagpangalan d'yan eh.

Tiningnan ni Sir ang buong kwarto at medyo nagtaka naman ako. Kala mo naman ini-inspeksyon ang kwarto.

Hindi ko na lang s'ya pinansin at hinaplos haplos ko na lamang ang buhok ng anak ko. Mag fo-four na nga pala 'tong batang 'to. Tsk, saan kaya s'ya pwedeng dalhin sa birthday n'ya?

"Bakit parang wala kang litrato n'ya?"

Tumingin ako sa kan'ya ng magtanong s'ya.

"Nino po?"tanong ko.

"Teng"sagot n'ya

Napangisi lang ako na medyo natatawa.

"Bakit naman po ako maglalagay ng picture nun dito?"tanong ko naman.

"Para makita naman ni Nathaniel kung sino ang totoong Ama n'ya"

Tumawa na lang ako ng konti bilang simpleng sagot na nagsasabing ayoko ng pag usapan 'yun.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon