Chapter 22

1.5K 37 3
                                    

For that girl who gave me an inspiration to write this chapter. Hi there, LittlemissThinker.

CLARISSA'S POV

Pagkarating namin ng PMA ay halos malaglag ang panga ko.

Lumingon ako kay Jarvin. "Masks, hurry." Binilisan ko namang hanapin yung mask ko sa bag saka ito isinuot. Buti nalang palaging nasa bag tong masks namin, kahit lay low kami sa pagiging TDT ngayon.

Damn, paano nangyari 'to? This place is hidden. Malayo to sa syudad. Yung side part ng PMA ay umuusok at may ilang parte na gumuho,  parang nasunog o nabombahan?

Mabilis kaming bumaba sa mga sasakyan namin at tumakbo papasok ng PMA. Pagpasok palang namin, rinig na rinig na ang malakas na tunog ng alarms. Balisa rin ang mga tao. Napansin kong mahigpit na nakasarado lahat ng bintana at malalaking pintuan. Ramdam ko ang pagiging alerto ng lahat ng mafioso.

"What happened, Dad?" tanong ko kay Dad nang makarating kami sa malaking office niya. Nadatnan namin siyang naglalagay ng bala sa baril niya.

"PMA was bombed 10 minutes bago kayo makarating dito." So bakit pa kami pintawag kung tapos na? Saka sa pagkakaalam ko, mananahimik dapat kami sa ngayon. Tumingin naman si Dad sa akin.

"I know what you're thinking. Maraming mafioso ang namatay, yung mga nasa part ng nasabugan. Nasa loob pa ang salarin, kaya inutusan ko ang lahat to lock everything down, walang palalabasin. Pero hindi natin alam kung anong kaya nilang gawin. We need to find him faster bago may mangyari na naman, o worse, makatakas sya." Posibleng may outsider, o traydor na naman. Mahigpit ang security so paano sila makakapasok?

"Eh ang rami namang mafioso dito, bakit kami pa? Lay low kami diba?"

"Clarissa. We need to find that person immediately. At alam mo paano? Our association needs us." Sabat ni Jarvin saka kumuha ng baril na nakasabit sa wall ni Dad. Okay, I get it. Kinapa ko naman yung vest ko kung andun yung personalized weapon ko, para itong isang maliit na box pero kapag pinindot mo yung button ay magiging katana. Fortunately, andito naman.

Pumunta ako sa table ni Dad saka mabilis na hinanap yung earpiece. Tinapon ko kay Jarvin yung isa, kay Dad naman ang isa rin.

"Let's separate ways." Sabi ko agad nang makalabas kami sa malaking pintuan ng office.

Kinuha ni Dad yung parang ginagamit niya pag may inaanounce "All mafiosos, disseminate sa base. Place the best trainees sa second floor. Medical team, secure the injured sa isang safe place." Tumingin naman si Dad sa amin ni Jarvin. "Black, west wing. Red, east wing. Ako na sa center aisle. We'll clear this third level tapos pag wala, deretso na kayo sa second and first floor."

"Aye aye!" Mabilis akong pumunta sa east wing habang tinatalasan ang senses ko. Dad is a great leader, hindi siya yung tipo na inuutos nalang lahat sa mga myembro. Malakas pa naman siya para makipaglaban, he's not that old. Mga nasa mid 30's na nga yan, pero kung titingnan mo parang mid 20's pa.

I kicked the door of the rooms na nadadaanan ko pero walang bakas. There's one more left.

Pumasok ako sa isang room. Buti nalang may mask ako kundi umuubo na sana ako ngayon dahil sa usok. I roamed my eyes within the whole place. Mausok. May mga test tubes at iba pang babasaging lab equipments na nagkabasag basag sa sahig. May bakas din ng dugo ang ibang parte, hindi na ako nagtaka, sa side na to ang may sumabog. This is our mini lab, main lab yung nasa center aisle. Inumpisahan ko nang ikutin yung room habang nakahawak sa personalized weapon ko, para masiguro na walang maiwan na bakas o clue. Now that I think of it, this is an inside job. Una, yung nahuli naming kumukuha ng latest weapons sa weaponry room. Pangalawa, yung nagleak ng info ng transactions ng PMA na last year pa naman. Pangatlo, ito. Napahigpit naman ang hawak ko sa weapon ko, are they trying to test us?

The Dangerous Twins (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon