Chapter 9 - Clarissa Azuma

3.9K 107 7
                                    

[ E D I T E D ]

Clarissa's POV

"Sandali!" sigaw ko mula sa kwarto habang mabilis na tinali ang buhok ko into a messy bun. May kulang pa ba sa akin?

Hmm, tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Oh, where's my vest? Pumunta ako sa walk in closet saka naghanap ngunit wala dito. Lumabas ako, tiningnan ko sa kama ko at sa ilalim ng kama ko, wala rin.
Sht, where is it?

"Clarissa, bilisan mo mala-late na tayo." paglingon ko sa pintuan ay nandun na si Jarvin habang nakahawak sa susi ng sasakyan nya.

"Mauna ka na lang. Hindi rin naman tayo pwedeng sabay pumasok" sabi ko nang hindi siya tinitingnan at patuloy pa rin sa pagkalkal ng mga gamit ko.

"NO" madiin na sabi niya, I just rolled my eyes bahala siya kung malate siya. Pumunta ako sa drawer na meron din sa loob ng kwarto ko, wala rin. "What are you looking for?" tanong ni Jarvin

"My vest" Nasaan na ba kasi yun? Akala ko ba nilagay na ng maid ang uniform ko dito sa higaan ko, bakit kulang?

"Oh yun ba. Naubusan daw kasi sa school eh kaya hindi pa nakuha ni mom yung sayo. Hindi ba sinabi sayo?" napalingon naman ako sa kaniya, what? Anong klaseng paaralan yan at nauubusan ng uniform?

Nga pala, yung uniform ng NdJU ay white blouse na may black na lace sa gitna, skirt na medyo above the knee pero hindi naman ganun kaiksi na may stripes na black and red, kneesock and black shoes. Pero yung akin eh medyo high cut pero hindi siya boots, wala lang trip ko lang. At ngayon, nawawala yung red vest ko.

"Mag leather jacket ka nalang" suggestion ni Jarvin. Tumango nalang ako at kumuha ng isang dark red na leather jacket sa closet ko. Buti nalang meron ako nito. Wala naman akong ibang choice kundi suotin ito.

Nang matapos ako ay kinuha ko na yung packbag ko na korean style saka nilagay ito sa balikat ko. Nilagay ko lang yung mga libro ko sa bookshelf dito. I don't want to bring those. Isang notebook, isang ballpen at white shirt lang naman yung dala ko. Tsaka wallet and phone, nothing much.

"Halika na" sabi ko kay Jarvin nang makalabas na ako sa kwarto ko, separate cars kaming pupunta sa school kaya nga nagtaka ako kung bakit niya pa ako hinintay na malelate na nga siya eh hindi rin naman kami sabay ng sasakyan.

Naglakad nalang ako papuntang garahe. Yung parents namin? Ayun may inasikaso daw kaya mga tatlong araw silang wala dito.

Nilabas ko yung susi ko sa pocket ko at pinindot ito. Tumunog naman ang isang Matte Black Audi R8. Ito yung pinakainaalagaan kong sasakyan. Si Jarvin naman ay sumakay din sa kaniyang sariling kotse.

Third Person's POV

Mabilis na naglalakad ang mga estudyante sa grounds patungo sa kanilang mga classroom dahil malapit nang magtime nang umagaw ng pansin nila ang dalawang magkasunod na sasakyan na humaharurot papuntang parking lot. Napanganga naman ang iba sa isang itim na sasakyan na pumasok.

"Sht dude, limited lang yan" bulong ng isang lalaki sa kaibigan niya, hindi naman nakinig ang kausap niya dahil nanatili itong nakanganga sa nakita, iba ang dream car niya ngunit parang nabighani siya sa sasakyang iyon.

Nagsitilian ang mga babae nang bumaba si Jarvin nang nakapokerface sa kaniyang sasakyan. Nanatili namang nakapark pa rin ang sasakyan ng kanyang kapatid.

May balak pa ba siyang bumaba? Sabi ni Jarvin sa kaniyang isipan. Tinahak niya na ang daan palabas doon, inaabangan ng mga estudyante ang galaw niya at ng nasa loob ng Audi R8. Nakakalimang hakbang palang siya nang huminto siya at nilingon ang kinaroroonan ng kotse ni Clarissa.

The Dangerous Twins (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon