Chapter 13 - Strange

4K 109 11
                                    

[ E D I T E D ]

Sorry for the long wait. Eto na ang update. Please do VOMMENT.

And share this story if you like it :)

I'll really appreciate that.

JARVIN'S POV

"Bull's Eye," sambit ko at inihipan ang pistol na hawak ko. Tiningnan ko yung dummy, may tama ito ng bala, isa sa noo, isa sa dibdib. Napangiti ako sa naisip ko, hindi ba't masaya ang brutal na pagpatay? More fun. Naglakad ako patungo sa kaliwang bahagi ng silid saka ibinalik ang pistol sa dating kinalalagyan nito.

Umupo ako sa sahig saka isinandal ang likod ko sa dingding, nilagay ko ang aking mga kamay sa tuhod ko. Iginala ko ang tingin sa paligid, kahawig ito ng mga training rooms sa association. May mga dummies sa kanang bahagi ng silid, controlled and uncontrolled. Pwede mong iactivate ang isang system dito kung saan gagalaw ng kusa ang mga dummies for training purposes. Sa kaliwang bahagi naman nakalatag o nakasabit ang iba't ibang klaseng training weapons. May metal tables rin na nakadikit sa mga dingding sa gilid, sink sa dulo nito, na may first aid kit sa gilid. In case. Malaki na ang lugar na ito para makapag-training, hindi nga lang kasing laki ng training rooms sa PMA. Hindi ko alam kung nasabi ko na bang may training room kami sa pinakadulong bahagi ng second floor ng mansion.

Napalingon ako sa orasan na nakasabit malapit sa pintuan, patay! 8:35 na pala, hindi ko napansin. 9:00 ang schedule ng klase namin ngayon. Gumising ako ng ala-syete kanina ng umaga para pumunta dito. Hindi ko lang alam kung gising na si Clarissa, hindi ko mahulaan ang mga galaw niya paminsan-minsan, hindi ko maintindihan. Gaya nalang dati, nagagalit kapag ginigising ko ng maaga kapag may misyon kami ng araw na iyon, tapos pag sa susunod naman, ako yung matagal gumising eh magagalit ulit kung bakit ang bagal ko. Kung di ko lang yan kapatid, hay, matagal ko na yang niratatat ng paborito kong baril.

Patayo na sana ako ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan, at bumungad sa akin si Clarissa na nakabihis na ng uniporme habang hawak ang susi ng kaniyang kotse sa kanang kamay niya, muntik na akong mapaupo ulit sa lakas ng impact ng pagkabukas niya ng pintuan.

"Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap, come on we're gonna be late--" napahinto naman siya sa sinabi niya at nagsimulang kumunot ng noo, napangiwi naman ako, oops mukhang narealize na niya ang sinabi niya, delikado pa naman tong babaeng to kapag may regla, hindi makalma-kalma. Parang bombang laging sumasabog, kung pwede lang buhusan ng malamig na tubig eh.

Nanlaki ang mata niya, "MA-LALATE NA TAYO JARVVIINNN!" napangiwi ako sa lakas ng sigaw niya at lumabas ng training room, nang daanan ko siya ay nangilabot ako, delikado na nga tayo dito, wala pa naman sila mom at dad.

"Hoy! Bilisan mo dali! Bibigyan lang kita ng 10 minutes para maligo, kumain, magbihis, magsipilyo, at kung ano pa. BILIS!" sabi nito sa malakas na boses, sinipa ako sa paa at sinuntok ako sa likod. Nakatalikod kasi ako sa kaniya nang lumabas ako.

"Oo na! Chill ka lang diyan sis" sabi ko at naglakad patungo sa kwarto ko, posible namang matapos ko ang lahat ng yun sa loob ng oras na binigay niya sa akin, anong akala niya sakin? Gaya niya? Lalaki to dude, lalaki. Eh hindi ko nga alam kung bakit ang tatagal mag-ayos ng mga babae. Pwede namang 5 mins maligo, 2 mins magbihis at magsipilyo, at 3 mins kumain. Diba? Madali lang naman yun, napailing-iling nalang ako. Teka, oo nga pala..

"Clarissa, diba hindi-----"

"Tumahimik ka nga! tsaka Anong pinagsasabi mo diyan? Bilisan mo ngang maglakad, nagco-consume ka ng oras eh, andun pa sa kabilang dulo ang kwarto mo." Nagulat ako ng bigla nalang nagsalita at napunta sa gilid ko si Clarissa, nasabi ko ba ng malakas yung nasa isip ko? Parang di naman ah. Nagsasalita ba ako sa sarili ko? Hindi ko maimagine, di ko nga maalala na nasabi ko talaga ng malakas yun. Pero sandale, bakit niya ba kasi ako hinihintay? Pwede naman siyang unang umalis eh, edi napaghinalaan kami kung sabay kaming pumasok diba?

The Dangerous Twins (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon