Chapter 11 - Time of the Month

3.5K 120 10
                                    

[ E D I T E D ]

Clarissa's POV

Pagkatapos ng insidenteng iyon, pagkatapos ko kumain, tinahak ko na ang daan patungo sa room. Bakit ba nila ako sinusundan ng mga tingin nila? Dahil ba sa nangyari kanina? Papasok na sana ako nang may biglang tumabig sa akin at tatlo silang pumasok at sinundan ng tilian at sigawan sa loob. What the ef?

Bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya? Uh nevermind. Naglakad ako papasok saka sinundan ng tingin yung tumabig sa akin. Damn you, Clyde Villafuerte. Akala niya ah, hindi yata ako papatalo. Sino ba siya para tabig-tabigin ako sa daan? Wala akong pakialam kung gangster sila, mafioso  naman ako. Umupo ako sa upuan ko nang nagsipasukan na rin yung ibang estudyante ngunit nakatingin pa rin ako ng masama sa Villafuerte na ito, nasa harap lang naman sila ng upuan ko nakaupo. Great, ayt?

Nalipat ang atensyon ko nang mahagip ng paningin ko ang katabi niya. Ito yung kasama niya kanina pati na rin yang isa. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa lalaking nasa kaliwa niya, parang nakita ko na siya ah. San nga ba? Ah! Yung tsismosong nakikiusyoso sa usapan namin ni ninong. Look who's here. Lumingon naman siya kaya ibinalik ko agad yung masama kong tingin sa Villafuerte na to. Nakita ko sa peripheral vision ko na siniko niya ito kaya napalingon siya sakin.

"Anong problema mo miss at ganiyan ka makatingin? Dahil ba sa nangyari kanina?" natahimik naman yung room sa salita palang niya.

"Ako lang naman yung tinabig mo kanina" sabi ko sa mahina at cold na boses.

"Ah okay" sabi nito at humarap na ulit, aba walang hiya ito ah. Tumayo ako saka sinipa ang inuupuan niya at kinuwelyuhan siya patayo, rinig na rinig naman yung singhapan ng mga kaklase ko. Does he know how I love danger and violence?

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at sinuntok siya deretso sa panga. Nagulat naman yata siya sa ginawa ko kaya hindi niya na naiwasan yun.

"D*mn" rinig kong bulong nito habang hawak ang panga niya, pinagpag ko naman yung kamay ko sa palda ko saka bumalik sa kinauupuan ko habang may matagumpay na ngiti sa mga labi. Ang sarap sa kamao.

Imbis na tulungan siya ng mga kaibigan niya, pinagtawanan pa siya ng mga ito.

"Wahahaahhaahhaha! Talbog ka sa babae dude!" sigaw nung nakaupo sa kanan niya habang yung si Mr.tsismoso naman ay nakatingin sa akin na parang kinikilatis ako. Natahimik naman si Mr.nasaRight nang marealize niyang siya lang ang nagsalita.

Tumayo naman si Clyde. Nanigas naman ang kamay ko, ang presensiyang iyan. Hindi ko pa naramdaman yan. Not until now. Bumalik na sa normal ang kamay ko kaya I composed myself, alam ko na ang susunod niyang gagawin.

Babawi na sana siya ng suntok sa tiyan ngunit may pumigil na sa kamao niya bago pa ito makaabot sa akin. Pareho kaming napalingon dun.

"Vemarie/Alvarez"  sabay na sabi namin ni Villafuerte.

"First time yatang nawala ka sa sarili mo Clyde"  nakayukong sabi nito habang nakahawak pa rin ito sa kaniyang kamao saka binitawan ito ng ibinaba na ni Clyde ang kamay niya at walang imik na bumalik sa kinauupuan niya ngunit nandun pa rin ang presensya niyang napakadilim.

Lumingon ako kay Jarvin, nakatingin ito sa akin saka ngumiti at nagthumbs up nang palihim. Nakalimutan ko bang sabihin na we both love violence? Ginantihan ko rin siya ng isang maliit na ngiti.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Alvarez, my mission. Masama ang pakiramdam ko sa kaniya. Tumingin siya sa paligid na tahimik at nakatulala sa hangin at sumigaw. "Anong ginagawa nyo? Go back to your own businesses!" bigla namang bumalik sa ginagawa nila yung mga estudyante.

Pinaalis niya yung nakaupo sa isang upuan at umupo siya doon. "Yo Xander insan! Kamusta na?" sabi nito at nakipag fist to fist. Pinsan niya pala ang isa sa Exigence?

The Dangerous Twins (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon