Chapter 29 : Clingy GF (SPG)

Bắt đầu từ đầu
                                    

"kanina pa yang sandali na yan eh.. " muling reklamo nito na hindi ko na natugunan dahil sa ginagawa.

"dapat kasi sumabay ka na sa akin kanina, kung bakit inuna-una mo pa yung panonood sa Alex Vause na yun, di hamak naman na mas maganda ako dun para mas unahin mo iyon kesa sa akin" she complained.

Wala sa sariling napatawa ako kasunod ng di mapigil na pag-iling habang patuloy sa pagsisipilyo. All along i thought ako lang ang possessive sa aming dalawa pero heto at unti-unti kong natutuklasan na mukhang mas malala pa ito sa akin.

Saan ka ba kasi nakakita na isang netflix series lang ay nakukuha nya pang pagselosan. Naiinis ito kapag ang atensyon ko ay hindi na mapuknat dahil sa kapapanood duon. kaya ang ending madalas nililitanyahan nya ako ng ganyan.

"baby ano ba, nakakainis ka ang tagal-tagal mo,kapag hindi ka pa lumabas jan tutulugan na kita" narinig kong pagbabanta nito in a full tone and imagining her na nagsasalubong na ang magagandang kilay dahil sa pagkainis.

At dahil nga natutunugan kong magsisimula na itong mairita, kahit hindi pa tapos sa ginagawa ay natatawa 'kong inabot ang seradura at pinihit iyon upang makita ang makulit na nilalang. As soon as i unlocked it, kagyat na bumungad sa akin naka-busangot na mukha ng aking girlfriend.

There she is, wearing a pair of sexy sleepwear habang nakahalukipkip at nakasandal sa hamba ng pintuan. Nakasimangot itong nakatingin sa akin at binabato ko ng nang-uusig na mga mata. I just wink at her kasunod ng muli kong pagbaling sa harapan ng salamin upang tapusin ang ginagawa ng lumapit ito at niyakap ako buhat sa likuran. Marahan nitong isinubsob ang sariling mukha sa likuran ko, sinimulang simsimin ang gawing iyon at padaing na nagsalita. "kahit kelan talaga napaka-bagal mong maligo?" she said while caressing may abdomen na nakapag padaloy ng ilang libong kuryente sa katawan ko.

Agad kong tinapos ang ginagawa at kagyat na humarap sa kausap without removing her arms around me. "ikaw din babe, kahit kelan apurado" biro ko dito, sabay pisil sa tungki ng ilong nito. She just stare at me at kapagdaka'y isinubsob ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko.

Ilang minuto din ang namagitan sa amin dalawa habang kuntento lang na magkayakap sa isat isa ng muli itong nagsalita.

"Wag kang mambabae duon, bubugbugin kita" komento nya na ang tinutukoy ay ang pansamantala kong pagalis. I smiled at her comment and after a while i capped her face gently and pulled away from her tsaka tinitigan ito ng matiim. "you don't need to remind me that babe, alam mong hindi ako ganyan"

"alam ko, pero sinasabi ko lang sayo. Umayos ka dun Ms. Sandoval kung hindi babangasan talaga kita" she replied in a full tone kasunod ng tingin na naghahamon. I chuckled and pull her towards me at tsaka nanggigigil na niyakap ito. "ikaw talaga" natatawa pa ring komento ko.

"Sabihin mo, OO" pamaya-mayang utos nito.

"Anong OO?" ganting tanong ko matapos pakawalan ito mula pagkakayakap ko.

"Sabihin mong - OO magbebehave ka at hindi ka titingin sa mga chicks duon?" demand nito

"seriously baby?" naaaliw na komento ko. hindi ko na ma-control ang sarili sa pagbato ng nakakalokong tingin at ngiti sa kanya dahil sa pagiging posesib nito. Animo hindi naman nito ikinatuwa ang reaction ko dahil seryoso lang itong nakatitig sa akin at muli akong binato ng naghahamon na tingin.

"okay! okay!" i said raising my both arms na animo sumusuko nang makita sya sa ganuong ayos. I stop for a while and then cleared my throat "OO.. hindi ako titingin sa mga chicks duon at OO.. " then i paused at kapagdaka'y itinuloy ang sinasabi ng may halong pagbibiro "... hindi ako magbebehav--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ng bigla na lang ako nitong binira sa isang braso " nakakainis ka talaga!!" daing nito sabay talikod sa akin. Ako na nangingiti sa kalokohan na nagawa ay agad na humabol and grab her arm "just joking babe" i blurted out habang pinipigil ang pagtawa. But then hindi man lang ito lumingon at tila sineryoso ang pagbibiro ko.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ