a.Pain and Scent

3.7K 92 0
                                    

Yasmine♡

Naging busy ang lahat ng mga lobo para sa gaganaping pagdiriwang ng iba't ibang mga pack.Isang pagdiriwang na isa sa loob na taon lang nagaganap. Ang mga kasamahan naman nila ay agad na nagpaalam para umalis kahit pa imporyante din para sa kanila ang magaganap na pagdiriwang.

"Nawalan ka na ng lakas magpahinga ka ulit ay nang makabawi ka kaagad."

Komento ng tiyo niya sa kanya dahil bakas pa rin ang pagod sa mukha niya.

"Huwag na. Kailangan nating magmadali at gabi na dapat umaga pa lang ay nasa kasunod na pack na tayo.Mas malaki ang tyansa na may mga bampira tayong makalaban kapag gabi."

"Wala sa kanila ang hinahanap natin kaya dapat lang na umalis na tayo dito Heneral." Sabi naman ng isang sundalong kasama nila.

"Yes.Let us go.What would be the next pack?"

Tanong naman ng isa pang sundalo sa kanyang tito.

" Ang pack kung saan ang mga manggagamot at ang kalahi ng punong-babaylan naninirahan.Sa New Moon's Pack din tayo maaaring makahinge ng tulong para mas mapadali ang ating paghahanap."

"Pero hindi ba natin pwedeng ipagpaliban muna ang pag-alis??Tiyak na may isa sa atin ang makakaramdam ng pagtawag kaya dapat tayong tumigil muna dito."

"Kung ganoon man ay kailangan na lang nating magmadali pa hindi ko na pwedeng ipagpaliban ang pag-alis . Tayo na at magmadali na tayo."


Ariana☆

Napatingin siya sa mga mesa na nakaayos sa buong Pack at sa mga taong-lobo na nakasuot ng simpleng pero puting mga bestida at polo.Ang mga ilan pa nga na mga kabataan ay may suot na mga tunay na bulaklak paikot sa kani-kanilang mga ulo.

"Anong meron ngayon mama?"
Tanong niya sa mama niya Alicia.

"Nakalimutan mo na ba?Tuwing ganitong sasapit na buwan ang mating season para sa mga lobo.Hinahanda ang bawat lobo sa kani-kanilang mga Pack para sa magaganap.Espesyal ang gabi na ito para sa mga lobong may mga mate at nasa 18 pataas na mga edad dahil sa tulong ng Moon Goddess malalaman na nila nag kanilang tunay na mga mate at kung saan nila ito matatagpuan. Masaya ito lalo na para sa mga nais magkasupling at makita ang kanilang mga mate dahil ngayon lang ito magaganap."

Naalala niya na nga pero noon pa man ay hindi pa pala talaga siya nakakaranas nito dahil bago pa yun nangyari ay lumabas na ang kapangyarihan niya dati bilang sorceress na agad niyang napagdesisyunang umalis.

"A-ang saya nilang tingnan."

Napasulyap siya sa ina niya na banaag ang lungkot sa boses.

"Sayang at wala na ang iyong ama.Ganitong panahon din ng makarating ako sa digmaan noon at mating season nila at doon niya kami unang nagkakilala. Sa tulong ng Moon Goddess pa pero hindi din kami nagsama ng matagal."

"Ano po ba ang nangyari noon?"

"Isang malaking pagsubok ang maging sorceress at magpakasal sa ibang lahi. Una bawal sa ating mismong lahi ang magpakasal sa hindi natin kalahi at noon ay ipinatupad din ito para sa ibang mga immortal kingdoms na nangyari sa mga lobo. Itinago namin ng iyong ama ang lahat pero lihim na pala siyang pinasusundan ng kanyang kapatid na Alpha dati. Noon nga ay ipinatakas ako ng iyo ama at pinalayo at nang makabalik ako ay wala na siya. Buntis ako pero walang magiging ama dahil sa pagpaslang sa kanya ng kanyang kapatid."

Napaiyak siya ng malaman ang nangyari sa ama nila ni Alex.

"Ang mabuti pa ay magbihis ka na din. May hinanda na akong damit kaya suotin mo na lang."

Kael☆

Sa kanyang mesa para sa gaganaping pagdiriwang ay nilagyan niya ng isang bote ng alak mula sa ubas. May bitbit din siyang mababangong bulaklak para kay Ariana.Nasulyapan niya ito bago siya umalis sa kanilang silid na nagbibihis hindi siya nito hinayaang sumabay sa kanya dahil sa malawak na damuhang parte sa harap ng mansiyon niya lang gaganapin ang pagdiriwang. Dapat din daw na hindi ko pinapaghintay ang mga nasasakupan ko kaya nagmadali ako agad.

"Anong ginagawa mo?"
Nagulat siya ng makita ang kakambal ni Ariana sa tabi niya.

"Paano ka nakapasok?"

"Remember teleportation??They can smell me but they can't see me kaya ganon."
Sabay tungga nito ng isang basong wine.Teka?! Ininom niya ang wine para sa mga lobong magmemate!

"Anong nangyari sa'yo?"

Tanong nito na ikinaputla niya naman.

"Ininom mo ang isang baso na may laman na wine??"
Tumango naman ito at tumaas ang kilay sa tanong niya.

"That was wine kaya ko ininom so anong problema?"

"I put something there."

"What?! Anong nilagay mo??"

"Potion for couples na bawal sa'yo."

"Huh?Bakit bawal??"

"Wala just go back to your home and lock your door."
Mas kumunot naman ang noo nito sa narinig.

"Tsk. May dapat pa ba akong puntahan ngayon maliban sa umuwi??Siguraduhin mo lang na di yun lason.I'll go now , regards na lang sa kapatid ko."

"Go home now because after 15 minutes the effect of the potion---"

"Oo na nga tsk"
Asar na sabi pa nito bago ito nawala well mukha yatang badtrip lang ito."

Ariana☆

"What happened??Are you okay?"

Tanong niya kay Kael na nakatulalang nakatingin sa kanya.
Suot niya ang damit na hinanda ng mama niya pati ang flower crown habang naglalakad papunta sa pwesto ni Kael.

"You're beautiful Love."

Namula pa si Kael bago ito nagbawi ng tingin sa kanya. Mukhang pati ang pisngi niya rin ay nag-init sa sinabi nito.

"T-thanks."

He is wearing a white long-sleeves and paired with white pants na nag-enhance sa pagkamestiso nito. Si Kael lang kasi ang nakita niya na hindi kulay moreno ang balat na lobo at namumula lang talaga. Matangkad din ito sa height na 6'2" kaya parang wala lang din ang height niya.

"Hmm.."
Ininom niya ang isa baso ng wine na nasa mesa at nakita niyang ngumiti ito.

aisle_infinity 😘
Thank you for patiently waiting 🙇 inaayos ko na uli kasi inunpublish ko.















The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin