Guest

3.4K 96 0
                                    

"Tama na naman oh ..aray! " sigaw ni Kael dahil hinampas niya lang uli ito ng unan

"Huwag ka ngang tumabi sa'kin!"

Sabay tulak dito kanina pa kasi siya nito kinakausap kaya alas dose na ng umaga di pa din siya makatulog.Sinabihan niya na itong tumahimik pero wala ayaw talaga nitong tumahimik.

" will you please.. leave me alone"
Sabay tulak uli dito.

"Ariana promise magbbehave na ako. You know naman na hindi ako makatulog pag di kita katabi."

Ngumiti ito sa kanya pero tinaasan niya lang ito ng kilay kung buntis siguro siya ay siguradong panget na ang anak niya sa kakastress nito sa kanya.


"I love you sleep ka na" sabay yakap nito sa kanya.

Nagising siya sa kung anong malikot na bagay na nasa leeg niya.

"Hmmm.. oh shi*"


"L-love I need you ...hmm.."
Bigkas ni Kael na pinapapak ang leeg niya napatingin siya sa orasang nakadikit sa pader.

"Shi* di ka ba natulog??? 1: 30 pa lang baliw ka ba?"

"I can't sleep knowing na di mo ko bati and I need you now."


Nahihibang na sabi nito at kung saan-saan na naman nakahawak sa kanya.

"Manyakis ka talaga matulog ka na."



"P-pero love----"


"Matutulog ka o di na kita papansinin?"

Humigpit ang yakap nito sa kanya at hinalikan siya sa noo.


"Oo na nga I love you ...." tumalikod lang siya ng higa dito
agad naman na yumakap ito sa kanya

"Good morning sleep tight..."
Kasabay ng mahimbing na tulog niya

Napatingin sila ni Kael na nasa kanyang tabi sa mga lobo na pinapalibutan ang isang nakasuot ng kapa. Sasalakay na sana ang isa sa mga lobo ng biglang tumilapon lamang ito.


"Huwag niyo ng abalahin ang sarili niyong labanan ako dahil wala akong balak makipaglaban."

Narinig niya ang boses ng lalaki kung ganoon pala lalaki ang bampirang nakakapa.

"Sino ka?"

Tanong ng isang Omegang sundalo na natilapon nito.

"Isa akong mensahero at narito ako para dalhin ang sulat ng aming Hari para sa inyong Alpha."

"At bakit naman namin tatanggapin ang sulat gayong magka-away ang ating lahi."

"Dahil walang ibang nais ang aming Hari kung hindi ang itigil na din ang patayang nagaganap. Narito ang sulat nais kong ipabasa ninyo ito sa kung sinuman ang inyong Alpha."


Lahad nito sa sobre na may selyo ng kaharian ng mga bampira kusa namang lalapit sana si Kael ngunit hinawakan niya ito sa kamay.

"Isang patibong lamang ito nakikita ko ang laman ng sobre at walang nakalagay doon tiyak na kamatayan lang ang dala niya."

Ani niya kay Kael at mas humigpit ang kapit niya sa palad nito.



"Tulad niyo ay gusto din naming itigil na ang digmaan at bumalik sa dati ang lahat. Mukhang nagkamali ka ng pinuntahang pack dahil hindi kami padadala sa patibong mo. Sino ka nga ba talaga??"

Nakita niyang tinanggal nito ang suot nitong kapa pero hindi isang lalaki ang nakita niya kundi ang kanyang---

"M-mama"

"Anak."

Ngumiti ang kanyang ina at narinig niya ang orihinal nitong boses.

"Isang Sorceress .. ang akala namin ay isang bampira." Gulat na bigkas niya.

"Ang totoo niyan ay ginamit ko ang kapangyarihan kong magpalit ng anyo para hindi ako matunton at para mahanap kita anak."

Sabay yakap nito sa kanya.





"Pasensiya na po kayo mama kung hindi ko kayo nakilala kahit po kasi ang amoy niyo ay isang bampira din." Sabi niya sa kanyang ina na hinahandaan niya ng makakain.

"Yun naman talaga ang nais ko na walang makakilala sa akin."

"NASAAN NA PO PALA ANG KAKAMBAL KO??"

Napansin niyang naging malungkot naman ang anyo nito sa tanong niya.

"Katulad mo ay hinahanap ko din ang kapatid mo.Kasabay ng pag-alis mo ay hindi ko na din siya nakita nais ko kayang protektahan anak lalo na ngayon."


"Bakit po mama?"

"Hindi mo yata napapansin pero alam kong napapansin ng asawa mo ang kakaibang kapangyarihan mo.Higit na mas matalas ang iyong pakiramdam at ibang mga senses kung hindi mo nakitang walang laman ang sobre malamang kung totoo ako kalaban ay namatay na ang iyong asawa."

Kinuha nito ang wand nito at tinutok sa kanya.

"Hindi pa pala handa ang iyong lobo para sa iyong pagbubuntis kaya matagal ka pang magkakasupling. May pinaghahandaang iba ang iyong katawan at tiyak na digmaan ito."

Sabay kumpas nito ng wand at sa isang iglap lang ay naging mahabang bestida na kulay puti ang suot niyang damit at naging maayos ang pagkakatirintas ng buhok niya na hanggang baywang.

"Bakit mukha yatang hindi mo nagustuhan ang ginawa ko?"

"Dahil hindi niyo na kailangan pang ayusin ang ayos ko."

"Pero nasa labas ng silid ang asawa mo at hinihintay ka ng lumabas." Napatingin naman siya sa pintuan.

"Lumabas ka na tiyak na hinihintay ka niya at ayaw niya na mahiwalay ka sa kanya. Ayos lang ako dito."

"Salamat mama" sabay yakap niya naman dito

Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya si Kael na yamot na yamot ang itsura ngunit agad na naging malamlam ang anyo nito at sinuyod ng tingin ang anyo niya.

"Huwag ka ng magsalita." Kasabay ng pag-alis niya sa harap nito.

Aisle_infinity<<<3

Comment/vote/follow

Thank you for waiting 😂😁

The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu