ALICIA

7.8K 219 0
                                    

Maayos at tahimik ang buong araw ni Ariana sa loob ng Akademya. She keeps uttering a new spell na natutunan niya sa pagpunta sa Library nila where she found a book spell about transforming her appearance to any kind of animals.

May napili na siya at yun ay ang maging isang lobo pero mukha yatang kahit anong gawin niya hindi niya pa rin magawang basahin at magawang mailagay ang buong konsentrasyon sa ginagawang spell. Nasa loob siya ng silid niya sa inupahan niyang Dormitoryo sa kanilang paaralan at may balak na din siya na kapag matapos niyang maayos ang spell na iyon mas madali siyang makakapunta sa kanilang Pack dati.

Isang malamyos na hangin ang tila humaplos sa kaniya at nagbigay ng kapayapaan muli niyang sinubukang gawin ang spell.

Nagulat na lamang siya at tila uminit ng matindi ang kanyang pakiramdam at bumilis ang tibok ng kanyang puso kasabay ng malakas na hangin na tila gustong tulungan siyang pakawalan ang bagay na gustong kumawala sa kanya. Doon na nga tuluyang nawala ang kanyang normal na sarili at tila napalitan ng kung ano o sino.





Malakas na ungol ang gumulat sa buong eskwelahan ng lumabas ang isang kulay itim na lobo sa isa sa mga Dormitoryo.

Si Pricilla na Principal ng paaralan ay nagulat din ng makita ang lobo imposibleng hindi nila malalaman na may pumasok na lobo sa kanilang dormitoryo lalo pa at may harang ang gate ng kanilang Paaralan.

"Kunin ang lobo at huwag hayaang makatakas."-utos nito 

Sigurado sila na lobo ang pumasok sa kanilang paaralan at imposibleng isa lamang iyong sorcerer na ginawang lobo ang sarili. Iisang sorcerer lang ang kilala nilang may ganoong kalakas na kapangyarihang gawing lobo ang sarili at matagal ng hindi nagpakita sa kanila ang sorcerer na iyon.

Si Alicia na walang limitasyon ang kapangyarihan.



The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Where stories live. Discover now