Truth

4.6K 107 3
                                    

ARIANA'S POV 
                  Natatanglawan sila ni Kael ng maliwanag na buwan habang yakap siya nito mula sa kanyang likuran at habang nakaupo siya sa damuhan sa harapan ng mansiyon nito. 

"Tahan na"-dahil sa hindi niya na maipalabas ang kanyang kapangyarihan

"M-my m-m-magic-----" 

Asar na tinanggal niya ang mga braso nito sa katawan niya agad na tinanggal naman nito pero pinaharap siya nito at pinunasan ang pisngi niya na may mga luha niya.

"Please stop crying you can try that tomorrow baka dahil sa bagong mark ko palang sa'yo at nasa panahon ka pa ng heat kaya hindi pa lumalabas ang kapangyarihan mo" 

Mula ng sinubukan niyang gamitin ang kapangyarihan niya dito at hindi dito tumalab ay sinubukan niya uling gamitin pero sa ilang beses na sinubukan niyang ipalabas ay walang nangyayari sa mga spell niya. Oo at nasa heat  siya panahon kung mas malakas ang kanyang amoy na nakakapagpapahalina sa kanyang mate at sa iba pang lobo at kung saan panahon din na tumitibay ang koneksiyon ng magmate na lobo dahil sa markang ginawa ng lalaking lobo sa mate nito. 

Pero kahit na hindi siya isang lobo alam niya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi siya magiging katulad ng kanyang ama na isang lobo dahil kahit isang beses ay wala siyang naramdamang kakaiba pwera na lang ngayong araw na nawalang parang bula ang kapangyarihan niya.

"Bitawan mo 'ko!"  

Tinulak niya si Kael palayo sa kanya dahil sa hindi niya din makontrol ang sarili kapag nakikita niya ito dahil agad na bumibilis ang tibok ng puso niya.

"Alpha!"

 Nagulat siya ng makitang napalipad niya si Kael mula sa kinatatayuan nito kanina at napunta sa malapit na puno. Agad na nilapitan ito ng mama Emily niya na siyang kumupkop sa kanya dati. Agad na tumakbo siya at pumasok sa silid kanina kung saan sila natulog ni Kael at napatingin sa kanyang sarili gamit ang isang salamin.

"D-dilaw a-ang kulay ng mga mata ko"  

Hindi makapaniwalang ani niya sa sarili habang tinitingnan niya ang repleksiyon sa salamin.

"Ariana!" dinig niyang sigaw ni Kael

Napatingin siya sa pintuan ng biglang pumasok si Alex na kapatid niya habang nakaturo ang kamay nito na may suot ng singsing na dating suot niya kay Kael na nasa ere. Paanong napunta sa kapatid niya ang singsing na pagmamay-ari niya?

"Pakiusap wag kang sumama sa kanya huwag mo akong iwan"

Hirap na sabi ni Kael na nakatingin sa kanya

"Sumama ka na lang muna sa akin Ariana gusto kang makausap ni mama. Hawakan mo lang ang kamay ko." 

Tiningnan niya si Kael bago hinawakan ang kamay ng kapatid.


ALICIA'S POV
(her first POV)

"Mommy nandito na si Ariana pwede  niyo na ring maipaliwanag sa amin ang lahat." ani ni Alex  sa kanya 

"Gusto ko ding malaman na ang totoo" seryosong ani naman ng anak niyang si Ariana

Pareho niyang  itinago ang lihim sa dalawa niyang mga anak dahil sa takot niya sa kanyang ama na lolo naman ng mga ito. Tiningnan niya ang dalawang mga anak niya. Si Ariana na iniwan niya sa kaibigan ng kanyang asawa mula sa ibang pack at si Alex na isinama niya sa kanyang pag-alis .

" Itinago ko kayo mula sa lolo niyo at sa kapatid ng ama niyo mula ng malaman ko buhat sa isang makapangyarihang  sorceress na katulad ko, na ang isa sa mga anak ko ay magmamana ng buong kapangyarihan ng buo kong Familia. Isang sorceress na kayang gamitin ang lahat ng mga kapangyarihan ng buong Familia para pamunuan ang buo Magical Kingdom."-Sabay tingin ko kay Ariana pero agad na ibinaling ko naman kay Alex


                           "Ang isa ko namang anak ay magiging isang lobo na may kapangyarihan ng pagiging isang Alpha at may kakayahang pamunuan ang Canine Kingdom. Kahit ang ama ninyo ng malaman niya ang sinabi sa akin ng Sorceress  ay itinago kayo sa kalahi niya. Isang Beta ang ama niyo at nakilala ko siya buhat sa isang digmaan na pinamumunuan niya 23 ako noon at 28 na siya. Hindi ko alam pero talagang magaan ang loob ko sa kanya at kahit na iba kami ng lahi ay may palagay akong nakita ko na siya at sinabi niya sa akin na matagal niya na akong hinihintay mula ng naging disiotso siya. Sumama siya sa digmaan ng mabatid niya na kahit saang pack siya magpunta ay hindi niya man lang mahanap ang mate niya at sa digmaan na ýon nakilala niya ako isang sorceress at hindi niya kalahi pero ang mate na tinadhana sa kanya. Nagulat ako ng sinabi niya yun pero alam kong totoo ang sinabi niya at naramdaman ko pa lalo ýun ng minarkahan niya ako."

   Agad na ipinakita niya ang marka na naiwan ng mga pangil ng ama ng mga ito sa leeg niya.

"Pero ng malaman ng kapatid niya ang lahat ay pinatay niya ang ama niyo naramdaman ko 'yun dahil sa konektado na kami mula ng markahan niya ako kaya tumakas ako kay ama na napilit na ako noong inumin ang potion na ginawa niya para malaglag kayo. Nagawan ko ng paraan ang potion na hindi makalason sa akin pero huli na akong nakarating at nakita ko na lang na wala na ama niyo. Traidor ang tingin nila sa amin ng ama niyo dahil sa ipinagbawal ng lahat ng mga hari at reyna ng lahat na kingdom ang mag-asawa ng hindi magkakalahi kaya nagdesisyon akong itago kayo."

"Pero nagsisisi na si lolo ng makita niya ako humingi siya ng kapatawaran sa ginawa niya sa inyo ni papa"-sabi ni Ariana 

"Oo, alam ko na humingi sa'yo ng sorry ang lolo mo dahil nalaman niya sa sorceress na nilapitan ko na pwedeng maipasa sa isang makapangyarihang lobo at sorcerer ang kapangyarihan ng magiging mga anak ko kapag dumating ang ika-dalawampu't-limang kaarawan ninyo ni Alex."

"Pero papaano nila malilipat sa kanila ang kapangyarihan namin?" ani ni Alex

                             "Kung sino ang papaslang sa inyong dalawa ay agad na lilipat sa nagpaslang ang kapangyarihan na mayroon kayo. Pero kung isang lobo ang pumaslang kay Alex ay mamamatay ang lobo at sa iyo Ariana ,kung sorcerer ang pumatay sa iyo ay mamamatay lang din dahil hindi ninyo sila kalahi. Dati hindi ako sigurado kung sino ang lobo sa inyo at kung sino ang sorceress dahil walang palatandaang sinabi ang sorceress na tumingin noon sa akin patungkol sa inyong kinabibilangang lahi. Inisip ko na lang na si Alex ang magiging lobo lalo pa at noong isilang ko kayo ay may singsing na iniwan ang inyong ama sa akin na may kaparehong disenyo ng balat ni Alex na nasa kanyang likuran. Nagulat na lang ako ng malaman ko nang magdalaga kayo ay naging pareho ko kayong mga kalahi at walang isa man lang sa inyo ang nagmana sa lahi ng ama niyo. Mula ng malaman ko ang ginawa ng lobong iyon sa iyo Ariana nabatid ko na ikaw ang nakakuha ng kapangyarihang lobo at hindi si Alex na inaakala ko noon pa mula sa pagkasilang ko sa inyong dalawa kaya nga kita iniwan sa mga lobo dahil doon mas ligtas ka dahil walang papaslang sa'yo doon pero nagkamali ako." 

Mahabang paliwanag niya at nakita niya ang poot ng mga anak niya. 

"Kaya pala wala na akong kapangyarihan mula ng mamarkahan ako ni Kael." 

Sabi ni Ariana na umiiyak sa palad nito at sinulyapan niya si Alex na nakatingin lang sa kamay nito na may singsing ng Familia Crowell.

"Mali lahat ng alam ko sa sarili ko mula ng pagkabata ko. Hindi ako itinakdang maging lobo. Aalis na ako sa bahay na ito. Sumama ka na sa akin Ariana kailangan na nating umalis at magtago." 

Agad na hinahawakan ni Alex si Ariana na agad na pinigilan niya naman.

"Alam na nila ang nangyari lalo na ang lolo niyo at kapag umalis kayo dito mga anak buong angkan ko at buong angkan ng ama ninyo ang maghahanap sa inyo para paslangin kayo."

"Nasabi mo na nga mama kaya naming pamunuan sila alam kong kaya namin lalo na ngayon na magkasama na kami ni Ariana. Kailan niyang lumayo sa lahat ng mga lobo."

"K-kahit b-ba kay Kael?"

"Oo Ariana kahit pa kay Kael. Si Kael ay pamangkin ng asawa ng kapatid ng inyong ama."



Aisle_infinity <3

salamat sa pagbabasa kaya ngayon may 1.6K reads na tayo !!!





The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Where stories live. Discover now