PAGBABAGO

6.6K 157 0
                                    


Tiningnan ni Ariana ang kanyang kamay na may suot na singsing hindi niya kayang maniwala sa sinabi ng babae na nanay niya ito dahil halos magka-edad nga lang sila at binigyan pa siya nito ng isang magical ring kaya hindi niya na kakailanganin pa ang wand niya. Nakatulong din sa kanya ang wand niya dahil alam sa Akademya na witch siya kung kaya walang gaanong gumagalaw at pumapansin sa kanya. Higit na mas malakas ang mga sorceress kaya kalimitan na mas madaming batang sorceress na pumapasok sa Akademya na may sari-sariling wand at kung hindi naman bata pa lang ay sumasama na sa pagsubok sa paghanap sa kani-kanilang magical instrument na makakasanayan. Ang wand din ang nakakapag-control sa lakas ng kapangyarihan na gagamitin niya

"Come" tawag niya sa broomstick niya

WOOSH!!

Nagulat siya ng mahawakan ang broomstick niya dahil sa biglang pagliwanag nito.

"What the?!" Lumabas ang usok dito kaya napalayo siya at binitawan ito. She was stunned to see that her broomstick just turned to have a pair of wings and it has a black color with shades of shiny silver dust. Ito siguro ang kayang gawin ng isang magic ring sa kanilang mga Sorcerer they can gain hundred percent of power for just a ring compared to wands. 



INSIDE THE PACK'S TERRITORY

"Alpha" Sabay yuko ng mga kasamang werewolves ni Kael sa kanya kakatapos niya lang maligo ng dumating ang mga ito kaya hindi pa siya nakapagbihis ng damit pang itaas

"Bakit?" tanong niya sa mga ito pinag-utos niyang bantayan si Ariana sa mga ito 

"Kakaalis lang po ni Luna at nagmamadali sakay po ng broomstick niya"-sabi ng isa sa mga ito

"Bakit hindi niyo pinigilan?!"- singhal niya dahil hindi man lang sinundan ng mga ito si Ariana

"K-kasi po Alpha mas lalo pong bumilis ang walis na sinasakyan niya at hindi nga po namin siya nakilala agad dahil naging iba na rin ang amoy niya" 

"Saang direksyon siya pumunta?" 

"Papunta po sa mga manggagaway Alpha"- tugon ng isa sa mga ito

"Sa tingin ko po babalik na po siya sa mga Sorcerers at kahit sundan namin siya Alpha hanggang labas lang kami ng Gate nila at hindi na kami makakapasok." 

Kinuha niya ang damit na hinanda niyang suotin sabay suot dito wala siyang kakayahang pumasok sa lugar ng mga Magic Users mas mabuti siguro kung hintayin niya na lang muna si Ariana na bumalik.

"Saan ka pupunta Kael?" tanong ng ina ni Ariana sa kanya 

"Hihintayin ko muna si Ariana sa bahay niyo" 

Ngumiti sa kanya ang babae kaya agad na umalis na din siya .



MAGIC ACADEMY

" Principal" tawag ni Ariana  kay Pricilla na siyang Principal ng kanilang paaralan nakasakay siya sa walis niya at nakadungaw sa bintana ng silid nito sa kanilang paaralan. Napatingin ang babae sa kanya at kinumpas ang kamay sa ere katulad niya din pala ang babae isa din itong sorcerer at wala din itong wand.

"Natatandaan kita ikaw ang babaeng naging isang lobo, tama?" tanong nito at tiningnan siya ng masama

"Oo ako nga"sagot niya

"Mabuti naman at bumalik ka na hindi nakatulong ang pag-alis mo."- sabi nito sa kanya 

 Hindi siya komportablaeng kausapin ito na nakalipad pa siya kaya nilundag niya ang silid nito at  kinumpas niya ang kamay niya para mawala ang broomstick niya. Tiningnan nito ang kamay na ginamit niya sa pagkumpas at nagulat siya ng bigla itong tumayo at hinahawakan ang kamay niya sabay lipat ng tingin sa kanya. 

"Ano ang pangalan ng nanay mo? " tanong nito na sinusuri pa ang itsura niya 

"Hindi ko kilala ang mga magulang ko, pero kanina lang may nagpakilalang anak niya daw ako at pinasuot ang singsing na ito sa daliri ko na ayaw na ring matanggal"

Lumayo ang babae sa kanya at kumuha ng isang libro mula sa bookshelves na nasa gilid ng mesa nito. Ipinakita nito ang isang larawan, larawan na kamukhang-kamukha ng babaeng nagpakilala sa kanyang nanay niya daw at suot ang maraming mga singsing sa kamay kasama ang singsing na isinuot nito kanina sa kanya. May katabi din itong mas batang babae na may salamin sa mata at kulay blonde ang kulot na mga buhok.

"Siya ang babaeng nagbigay ng singsing sa akin" tiningnan niya ang background ng larawan nasa isang halaman ang dalawang babae at may suot na mga puting damit at hawak ang tig-iisang broomstick.

"Siya si Alicia at kasama siya sa pinakamalakas na sorcerer at nawala na lang siya bigla halos dalawampu't limang taon na ang nakakaraan at kung siya nga ang ina mo para sa 'yo talaga ang singsing na iyan dahil binibigay ýan sa panganay na anak ng pamilya." turo nito sa singsing niya sa kamay 

"Pero paano siya nawala?" -sinara nito ang libro at kumuha ng mas makapal na libro 

"Ito ang dahilan" -turo nito sa isang larawan ng isang lalaki

"Ano naman ang kinalaman ng lalaki na iyan sa pagkawala ng nanay ko?"-asar na tanong niya sa matanda

"Siya lang naman ang tatay mo, Beta Raphael of Half Moon's Pack." -Napatda siya ng makita ang larawan kamukha nga niya ang lalaki

"Pero bakit naman siya naging rason?" 

"Ang alam ko isang lobo ang tatay mo at hindi naman lobo ang nanay mo mahigpit na pinagbawal para sa lahi natin lalo na noon ang pumasok sa loob ng teritoryo ng mga lobo. Ang problema nga lang hindi naman maiiwasan na madaming bagay na bawal ang palaging sinusuway ng ina mo. Batas sa lahi natin ang bagay na 'yon pero walang problema para sa mga lobo dahil kung sino ang makita nilang mate yun ang nilikha para sa kanila ng Moon Goddess."

"Wait lang ha, papaano mo nasasabi sa akin ang mga bagay na ito? Kilala mo ba ng personal ang nanay ko?"-tumango ang matanda sa kanya

"Si Alicia ang pinakamahigpit kong kalaban sa loob ng akademya pero kapatid ko lang naman ang nanay mo." 

Ngumiti ang matanda sa kanya at nagulat siya ng biglang bumata ang itsura nito at halos nasa 40's pa lang ito at naging kamukha nito ang babaeng katabi ng nanay niya.

"Paano ka naging bata?" 

"I am using my power to disguise as an old woman at malamang ginamit ng ate ko ang kapangyarihan niya para maging mukhang bata ulit." 

"Kaya pala parang kaedad ko lang siya, pero bakit niya ako iniwan sa mga lobo na iyon at hindi niya ako sinama sa kanya?" tanong niya

"Well sa pagkakakilala ko sa ate ko hindi talaga nature sa kanya ang pagkahilig sa mga bata." Bagay na alam ni Ariana sa isip niya kaya nga di niya din hinanap ang tunay niyang ina.

"Ang babaw lang ng rason at talagang binigay niya pa sa akin ang singsing ng pamilya niyo."-tiningnan niya ang singsing

"Binibigay 'yan sa anak na panganay kaya pinasa sa iyo ng ate ko, pinapalakas niyan ang kapangyarihan natin and to warn you wag ka munang lumabas ng school na'to" 

Naisip niya si Kael sa sinabi nito. Kumunot naman ang noo ito sa kanya.

"Teka lang, saan ka nga pala pumunta ng mawala ka?"

"s-sa malayo" -hinawakan nito ang kamay niya at agad ding binitawan

"So, may isa na naman sa pamilya ko ang nakakita ng isang lobo at sinasabing mate siya nito at hindi lang Beta isang Alpha lang naman. Lahat yata ng ugaling mayroon ka sa ate ko lahat nakuha. Kailangan kitang ilayo sa lobong 'yun kung ayaw mong matulad sa ate kong pinaghahanap ng mga kalahi natin dahil sa ginawa nitong paglabag."

The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon