Wanted: Alpha's Mate

5.3K 138 4
                                    

Kinakausap si Kael ng kaibigan niya pero naiinis at nagagalit siya sa wolf niya na hindi mapakali sa loob ng kanyang isipan dahil sa matagal na niyang hindi nakikita si Ariana at naiinis din siya sa sarili niya dahil alam niyang imposible para sa kaniyang makapasok sa lugar ng mga ito.

"Patahimikin mo muna ako" asar na bigkas niya kaya napatingin naman siya sa kaibigan niya na naumid ata ang dila pagkarinig sa sinabi niya

"Hindi ikaw ang sinasabihan ko" ani niya sa kaibigan at pinsan niya rin na si Ken pero  hindi sila magkapareho ng pack ngunit binibigyan niya ito ng pahintulot na pumasok.

"Sino naman ang kausap mo?" Tanong nito dahil bihira lang talaga itong dumalaw sa kanila dahil mas gusto talaga nito na magtrabaho bilang isang architect sa mundo ng mga tao. Matangkad ang pinsan niya at kagaya niya rin na nasa 6'2 ang height may Brown na mga mata at itim na itim na mga buhok ang pinsan niya.

"Ang wolf ko" sagot niya na ikinatawa naman ng pinsan niya

"bakit mo naman pinapatahimik ang wolf mo?"

"Ilang araw na siyang ganito at minsan kahit tulog ako kinakausap niya pa rin ako na dapat nagpapahinga na din siya lalo at tuwing ganitong umaga hinahanap na agad namin ang mate namin pero dahil dumating ka hindi muna kami maghahanap." Napakunot ang noo nito sa sinabi niya at nanlaki ang eyeballs nito ng malaman na seryoso siya

"What the heck men?!! naunahan mo pa talaga ako" sabay tapik sa braso niya

"saan na ba 'yang mate mo?" -tanong nito

"wala siya dito"

"Don't tell me your mate left you Kael" ngising aso ng pinsan niya

"Wala siya dito nasa sa kanila" sagot niya

"Sa kanila? Bakit di mo na lang siya kinagat at markahan para maging mag-mate na talaga kayo? She can't leave you anyways babalik din siya dahil you're meant to be with each other a half of a whole ang isa sa inyo, and you can't be a whole without one."

Napatingin siya dito dahil sa seryoso na uli ang mukha ng pinsan niya

"She's not a she-wolf Ken." Marahang sabi ni Kael sa pinsan

Napatingin ang pinsan niya sa kanya

"WHAT!!!? Paano mo siya naging mate?"

"I don't know but I know she's my mate."

"Eait lang kung hindi siya werewolf, ano siya?"

"She is a sorceress at ngayon nga tinakasan niya ako and I can't accept na ganoon na lang ang pagtanggi niya nang sinabi ko na mate ko siya. Lumaki naman siya dito sa pack namin dati pero nasa labing-pito pa lang ako noong umalis siya dito well baka dahil nga sa mahilig kami noong asarin siya dahil sa wala siyang kakayahang maging werewolf habang kami noon bihasa na sa pagpapalit ng anyo. Noong umalis siya dahil nalaman namin na hindi pala talaga siya wolf hinanap ko siya and I don't know why.Not to mention na yun din ang huling beses ko siyang nakita but when she came back she is now a real Sorceress and I've found out that she's my mate. Natatakot ako dahil it is under our forbidden law that we are not allowed to have a mate which is not like us pero di naman masama para sa kagustuhan ng Moon Goddess ang maging mate ang iba sa atin lalo at ang Moon Goddess naman din ang nagbigay, pero sa kasalukuyang batas ng mga werewolves hindi nararapat. She is not a werewolf like us Ken. How can I say na para kami sa isa't isa ngayon na lumayo siya sa akin at hindi niya ako gusto at higit sa lahat hindi natin siya kauri."

Umupo ang pinsan niya sa harap niya at tinapik ang ulo niya.

"Wala namang may sabing madali ang lahat." sabi nito

"Do you love her or feeling mo lang na mahal mo siya because she is your mate? Magkaiba ang love na nararamdaman natin towards our mate may iba na isang kita pa lang nila gusto na agad nila ang isa't isa but some of werewolves like us kahit hindi natin mate pwede naman nating maging asawa.Like your father did to his mate di ba nireject ng father mo ang mate niya dapat dahil minahal niya ang mom mo.They are best friends kaya hindi naging mahirap para mahalin ng father mo ang mother mo they both rejected their real mates dahil nagmahalan sila even they were not supposed to be mated with each other."

" Yes, you're right Ken pero matagal ko nang kilala si Ariana I love her mula noon kahit umalis siya kahit hindi ko alam na mate ko siya pero ngayon mas mahal ko na talaga siya at kahit humingi pa ako ng tulong sa moon Goddess"

Napatingin siya sa langit kahit walang buwan dahil sa umaga pa lang

"Then susuportahan kita. May kilala akong Sorcerer na katrabaho ko at pwede kong ipahanap sa kanya ang mate mo"

Ngumiti siya sa pinsan niya alam niya na makakatulong sa kanya.



Aisle_infinity

The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Where stories live. Discover now