-Flashback-

“Mom, ano po yung ginagawa mo?”

“Nag-bebake ako. Chocolate cake. Idedesign ko na at total nandito ka na rin tulungan mo na ako”

 

“Sige po. Ano po ba yung gagawin?

“Ganito lang. Ilagay mo yung strawberry dito at blah.blah.blah.”

 

          After 20 mins, natapos na naming yung cake. Excited na nga ako kumain kaso...

“Mommy, pwede na po ba kainin?”

 

“Pasensya ka na anak. Ibibigay ko to sa tita mo eh.”

-End of Flashback-

Ako yung nahuli, kaya ako ung mag-lolock ng door. Pagkatapos ko ay sumakay na ako kaagad.

Tumigil kami sa isang bahay at pinababa kami ni Mommy. Biglang may kinlick  si Mommy na button and suddenly someone speak.

 

“Hello Ma’am. May I help you?” sabi nung parang small screen.

“Is Mrs. Quinto there?” umi-english si Mommy.

“Yes. Are you Mrs. Reyes?”

“Yes.”

“Ohh. Ma’am Quinto is waiting for you. Come in” biglang nagbukas yung gate.

          Sa gilid may mga roses at sa ginta ang pathway. Ang ganda ng bahay.

Nakita namin si Tita Carla na nag-wawave sa may door nila. Pinapasok naman nya kami kaagad. Nakatingin ako sa kanya at maya-maya may kinlick sya na button and biglang bumaba ang TV at Home Theatre nila. Pina-upo kami ni tita sa may sofa. Tinawag ni tita yung mga anak nya.

 

“Chriana, Zyra nandito na sila tita nyo”

          Nauna bumaba si Ate Chriana. Oo, kilala ko sya. Syempre narinig ko kay tita.

“Chriana, sit here.” Sabi ni tita

          Tumalikod muna ako sandal para tignan yung bahay nila. Tapos nakarinig ako ng footsteps sa may stairs pero di ko pinansin nakatingin pa rin kasi ako sa bahay nila.

Bigla akong tinawag ni Mommy.

“John Daniel, Juan Carlos meet Chriana and Zyra” napaharap ako sa kanila at nagulat ako sa nakita ko.

Chriana’s POV

Pinababa na kami ni Mommy. Nauna ako bumaba kay Zyra nag-aayos pa ata sya ng gamit nya. Pagkababa ko nakita ko yung dalawang boy na nakatalikod. Halatang na-aamaze sila sa bahay namin.. Hahaha.. Sumunod na ring bumaba si Zyra.

Nagsalita si tita Kris.

“John Daniel, Juan Carlos meet Chriana and Zyra.” Nagulat ako sa sinabi ni tita. JUAN CARLOS?! Don’t tell me na sya ung kababata ko.. Humarap sila sa amin at nakita ko sya na gulat na gulat rin.

Magic Of Love <3 [Revising]Where stories live. Discover now