Epilogue

1.2K 24 0
                                    

Dedicated to all my readers! Everyone, this is the end! 

 Play the music while reading ----->

A/N: Read the AUTHOR'S NOTE. 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 After 5 years...

Zyra's POV

Wohooo. Today is my birthday pero hindi ako masaya. Bakit? Kasi mismong boyfriend mo, hindi ka pa binabati. Akala ko pa naman sya ang unang babati sa akin ng Happy Birthday -/- Nakakainis lng. 21 na ako pero feeling 16 pa rin. Parang kahapon lang kasi ang lahat ng nangyari, naglaro sila, hinabol ko sya sa airport, iniyakan sya. 

Tinignan ko ulit ang phone ko at past 12 na ng tanghali.

From: Sis.Joy

Happy Happy Happy 21st Birthday Sisterrr. Yhhh. Enjoy your day. Loveyouuu :*

From: Sis.Andrea

Hey, Sisssss! Happy Birthday! Godbless. Love lots :*

From: Angelo

Pssst. Doodle-Orange Girl! Birthday mo daw? Hahahahahaha. Happy Bornday! :)

From: Bes :)

Besssssss! Good Morning? Haha. Good Noon. Late ang bati ko, kakagising ko lang eh. Ajuju :3 Happpppy Beerdaaaay! Punta kami sa bahay nyo mamayang 5pm. Okay? Handa mo ah! Hahaha. Kidding! Loveyouu Besss :* Happy 21st Birthday Again!

From: Tuntun

Hi Beautiful! Happy Birthday. God Bless.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay si Xianthebabes. 

From: Xianthebabes<3

e0w ph0wZ. AheChzX. Jejejejejejejeje. H4ppY H4ppy bIrtHd4y. H4vE fHun. L4byHouw pH0wz. AheChzx. *ehem*ehem* (scroll down for translation)

Hello po. Aheckz. Hahahhahahahahah. Happy Happy Birthday. Have fun. Love you po.

See? Nakakadugo ng ilong -.- Peroooo. Waaaaaaaaaaaaaaaah. Hindi pa rin sya nagtetext. Nakakatampo na sya. -.-

"Zyra, andito na sila Charina! Paaakyatin ko na ah." sigaw ni Mommy. Grabe, 5 na ba?

"Opo!" at wala pang isang minuto eh bumukas na ang pintuan.

"Kelan pa kayo naging si Flash?" natatawa kong tanong kasi halatang nagtakbuhan sila. Hingal na hingal kasi at rinig na rinig ko kanina yung mga foot steps nila.

"Hmp. Bilisan mo na. Aayusan ka namin. May pupuntahan ka." sabi ni Joy. Pina-upo nya ako tapos nagsimula na syang mag-ayos ng mga gagamitin nya. Ganun din sila Charina na kinakalkal yung closet ko at si Andrea na sinusuklay yung buhok ko.

"Sandali!.." bigla silang napatigil at napatingin sa akin. "Bakit ako lang? Tsaka saan naman?" nagtataka kong tanong,

"Secret. Basta." hindi na ulit ako nagtanong at inayusan nila ulit ako. 

After 30 minutes ay tapos na din ako. I'm wearing a red floral dress with red wedges. 

"Bilis Zyra, baba ka na. Alam na ng driver kung saan ka dadalhin."  sabi ni Bes.

"Siguraduhin nyo lang na safe ako dun. Kung saan man ako pupunta." banta ko sa kanila.

Magic Of Love &lt;3 [Revising]Where stories live. Discover now