Bumitaw ako kasi hindi na tayo masaya.
Bumitaw ako kasi hindi ko na makita yung halaga ko.
Bumitaw ako kasi napagod na ako.
Bumitaw ako kasi pagod ka na rin.
Bumitaw ako kasi nagbago ka na.
Bumitaw ako kasi sobrang sakit na.
Bumitaw ako kasi alam kong hindi na 'to tama.
Bumitaw ako kasi alam kong mahal mo pa rin siya.
Bumitaw ako kasi alam kong pampalipas oras mo lang naman ako.
Bumitaw ako kasi nagsawa na ako sa mga away.
Bumitaw ako kasi nagsawa na akong umiyak tuwing gabi.
Bumitaw ako kasi nagsawa na akong tanungin ang sarili ko kung saan ako nagkulang.
Bumitaw ako kasi gusto kong sumaya ka ulit.
Bumitaw ako kasi gusto kong ngumiti ka ulit.
Bumitaw ako kasi gusto kong magmahal ka ulit.
Bumitaw ako kasi gusto kong maging okay ka ulit.
Bumitaw ako kahit masakit.
Bumitaw ako kahit mahirap.
Bumitaw ako kahit nangako tayo sa isa't isa na hanggang sa huli, kakapit pa rin tayo.
Bumitaw ako kahit alam kong hindi ko kayang makita ka hawak na ng iba.  

spilled ink [compilation]Where stories live. Discover now