Gap #35

657 8 3
                                    

Charles's POV


Sabi ko na nga ba, my eyes would never fail me. Si Angeli nga yung nakita ko kanina. And now, we met. Personally.


"Sorry." Sabi niya sa akin ng hindi nakatingin. 


"O-okay lang." Sagot ko sa kanya ng nakatingin. Siguro nahihiya siya kaya hindi tumitingin sa akin.


"Meryl!" Tawag bigla sa kanya ni Tita Bub. Magkakilala sila?


"Oh. Ate Bub, dito pala kayo nag-reunion." Parang nakita ko sa mukha niya na gumaan ang loob dahil dumating si Tita.


"Oh. Bub, sino siya?' Tanong ni Mama kay Tita.


"Alaga ko sa pinagtra-trabahuan ko." Sagot ni Tita.


"Yung kinuwento ko po sa inyo." Dagdag pa ni Tita Mhaine.


"Ah." Sabay tingin ni Mama kay Angeli.


"Hello, hija. Anong pangalan mo?" Ngiti niyang tanong kay Angeli.


"Angeli Montano po." Angeli answered in a polite and a ladylike manner.


"Saan ka nag-aaral?" Parang napabuntong hininga si Angeli sa sinabi ni Mama. Baka imahinasyon ko lang yun.


"Sa Renaissance Academy po."


"Ah."


But for sure, papasok siya sa United Serene University o kaya sa Memoir Technology University sa grade 11.


"Ate Bub, Ate Jhermaine, Mom po ni Charles, aalis na po ako. Enjoy po sa reunion." Aalis na siya nang magkasalubong yung mata namin.


"Sayo din. Nice meeting you." Sabay ngiti at alis niya. Shit. Nagkita na din kami.


"Tita, magkakilala po pala kayo ni Angeli?" Tanong ko kay Tita Bub.


"Oo, pero wala akong balak ipakilala siya sayo ng personal." Taray na sagot ni Tita Bub.


Huh? At bakit naman? Bakit ba ako nagagalit? May boyfriend na yung tao. Nakita ko sila sa McDo nun. Kasama kaya niya yung lalaki na yun? And base from that man's look, he looks like not just a year older than her.


Who is that guy?


Maybe I'll ask it to her, pero baka magtaka siya. Ugh! Bahala na! Tatanungin ko na lang siya pag-uwi sa hotel kung saan kami nagsta-stay.


***


8 Years GapWo Geschichten leben. Entdecke jetzt