Entry 001 THE ARRIVAL

8.2K 200 62
                                    

Nagising ako sa mga tawanan ng mga kababaihan sa tapat ng aming bahay. Normal na sa akin ang ganito ang marinig sa umaga bukod sa tilaok ng mga manok ay halakhakan at kwentuhan ang libangan sa lugar namin.

Ito ang Fortune Island kung saan nakatira ang ilang pamilya na lumayo sa mapang-akit na tukso ng kabihasnan.

Pag-aari ng isang mayamang senador ang Isla. Tanging ilang tao lang ang maaring manirahan dito bilang care taker ng isla at bantay sa mga turistang bibisita at mananatili dito ng ilang araw.

Tatlong pamilya lang kaming pinahintulutang manatili dito.Dahil malapit na kamag-anak namin ang nagrekomenda sa may-ari na patirahin kami.

Dito ay may sapat na sweldo na natatanggap si tatay bilang tagapag-alaga sa villa ns nakatayo sa nag-iisang burol ng isla.

Sa edad na labing siyam ay lumaki akong hindi naghangad ng anumang kasaganahan. Kung ang iba kabatang gaya ko ay namumrublema na magkaroon ng mamamahaling gadgets para makasabay sa uso, ako na may naghahangad lang ng ilang payak at masayang buhay sa piling ng mga mahal ko sa buhay.

Nagpasyahan kong bumangon upang simulan ang pangingisda sa pangpang para sa aming tanghalian. Naghilamos ako at nagsipilyo. Sa hapag ay may tinapang karne ng kambing na ilang araw pinatuyo at dinaanan ng usok sa aming kalanan na kahit taon ata ang dumaan ay hindi masisira.

Wala ang tatay dahil ganitong oras ay nagtatabas na siguro iyon ng damo sa bakuran ng rest house. Paniguradong si Nanay ay nasa labas na at nakikipagkwentuhan sa kaibigan niya ang nanarinig ko.

Matapos kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan. Tumungo muli sa aking silid upang ligpitin naman ang pinaghigaan.

Dumungaw ako sa bintana upang silipin si Nanay upang magpaalam. Mga kababaihan ang naroon at ang mga batang nakapalibot sa isang lalaki.

Nabigla naman ako dahil parang isang artista ang pinagkakaguluhan nila.
Tuwang tuwa sila sa kausap na estrangherong bagong salta sa isla, kasama si Roger na isang bangkerong tagahatid ng mga turistang namamasyal dito.

Maliit at hindi kilala ang isla kung kayat hindi ito pamilyar sa lahat. Nasa gitna ito na Batangas at Mindoro. Bagamat maputi rin ang buhangin dito ay di niya kayang makipagsabayan sa ibang mga islang pinaunlad ng mga negosyante.

Pero hindi ko ipagpapalit ang kanlungan ng Fortune Island. Dito na ako isinilang at lumaki. Kahit pa nakatapos ako ng dalawang taon ng vocational course sa isang bayan ng Batangas ay dito pa rin ako uuwi. Kakaiba talaga ang karisma ng islang ito.

Parang iyo na ang mundo pagnakatuntong ka dito.

Mamansing ka lang sa papang ng dagat ay pagkain na. Mahiga ka lang sa isang lilim ay tulog ka na. Malaya kang mamumuhay ng masaya kung hanap mo lang ay simple at payak na estado ng buhay.

Hindi ako minulat sa pansamantalang kasiyahan ng tatay. Isang kabiguan na humiling ka ng bagay na hindi mo naman kailangan.

"Isinilang tayong hubad kaya mamuhay tayong may pagpapakumbaba. Wag tayong pasilaw sa pansamantalang kasiyahang binibigay ng karamihan. Magpasalamat tayo dahil kung magpantay man ang paa natin sa lupa nalibing tayong nakabarong at iniiyakan ng tunay na nagmamahal sa atin".

Mga salita ni tatay na nagrema sa akin hanggang ngayon.

Dahil sa kaniyang kasipagan sa pangingisda at pagtatao sa mansyon at napag-aral niya ako. Noo'y hirap ako manirahan sa bayan ng Batangas na makipisan sa aking tiya habang nag-aaral.

Hindi ako sanay sa mga kaklase ko na pa-easy-easy kung mag-aral. Kahit na kulang rin sila sa kabuhayan ay nakuha pa nilang magbisyo at magkaroon ng mga bagay na hindi naman angkop sa kanilang estado masabi na lang na meron din sila.

IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)Where stories live. Discover now