Napaatras ako at sunod-sunod na umiling.

"Ikaw ang una ko." Sabi niya at tinuro yung kama na may mantsa.

Homaygad.

"Hindi ito dapat nangyari." Sabi ko at sinuntok yung pader ng ilang ulit.

Malakas yung pakiramdam kong hindi ko siya ginalaw pero bakit gan'on?! Bakit parang iba yung naramdaman ko?

Para akong babae dahil feeling ko ako yung nawalan ng virginity pero tokwa, nangako din akong hindi ako gagalaw ng kahit sinong babae na hindi ko kayang panagutan.

"Hindi 'to dapat nangyari, Andy. Kasalanan ko 'to." Sabi ko at umupo sa sahig.

Yumuko na lang ako at pinigilan na wag sumabog sa galit. Gusto kong bugbugin yung sarili ko pero hindi naman ako baliw kagaya ni Timothy. Gago ako pero hindi pa ako baliw.

Tumayo na siya at napansin kong nakasuot na din pala siya ng damit niya. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa balikat.

Agad kong tinabig yung kamay niya papalayo sakin dahil hindi ko alam kung anong pwede kong magawa kapag lumapit pa siya sakin.

Nasa huwisyo siya nung may nangyari samin, naaalala ko pa kung paano niya ako inakit kanina. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa ginawa niya sakin.

Para tuloy lumalabas na KALALAKE KONG TAO PERO AKO YUNG NAGAHASA.

Sapul yung ego ko 69 times.

"Wag kang mag-alala, walang ibang makakaalam dito sa nangyari." Lalo akong napasabunot sa sarili ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako tanga para hindi siya sabihin sa mga magulang niya yung nangyari, ang ikinatatakot ko lang ay ano ba yung irereak ni Nathan at ng ibang tao.

Ano na lang sasabihin nila sa kaniya?

"May zombies na nga sa labas pero nagawa pang gumawa ng milagro sa train?"

"Imbis na magpatakbo ng train yang captain na yan eh umariba sa kalandian kasama yang basketball coach na pasahero niya."

"Akala ko sa basketball lang yan sure ball, pati din pala sa mga babae?"

HOMAYGAD.

"Cody, gumising ka."

Ha?

Hindi ko alam kung nabaliw na ba talaga ako nang tuluyan nang makarinig ako ng isang boses na pamilyar, parang boses ni Patrice yung naririnig ko ngayon.

Paano siya nakapasok dito?

"Jusko po, Cody Min. Gumising ka na dyan, pakiusap."

Ngayon boses naman ni Timothy yung naririnig ko.

A-ano ba talaga yung nangyayari?

"ISANG ORAS NA LANG NASA STATION NA TAYO, CODY."

Yung huling mga salitang 'yon ang siyang nagpagising sakin.

Shet na malagket, PANAGINIP NANAMAN?

Medyo malabo pa yung paningin ko pero sapat na 'yon para makita ko kung sino-sino yung nasa harapan ko.

Sa kanilang lahat ay sa iisang tao lang napako yung paningin ko, kay Andy. She's still wearing this girly smile at parang wala talagang nangyari kanina.

Nakahinga ako nang maluwag, panaginip lang pala talaga lahat. AS IN LAHAT, simula nung malasing ako. Laking pasasalamat ko na lang dahil akala ko nakagawa na ako ng kasalanan. VIRGIN PA AKO, MAIINGGIT KAYO HUAHUA.

Train to Daegu | bts m.ygWhere stories live. Discover now