"hey! wait! where the heck are you going??" dinid nyang sigaw ni Jared habang hinahabol sila nito ni Pia.

At kasehodang may kabigatan itong buhat-buhat nya ay wala syang Pakialam, lalo nya pang binilisan ang paglalakad. Naiinis na talaga sya dito, Napak moody nito at sobrang walang konsiderasyon. Buong akala nya kanina ay malapit na rin itong mahulog sa kanya, ngunit hindi pala, mukhang inuuto lang sya nito at pinapa-asa.

leche.!bahala sya sa buhay nya.,... @____@

Akala nya ay nakatakas na sya mula dito ng bigla nyang maramdaman na may kamay na marahs syang pinigilan sa paglalakad.

"hey! Dani Anu bah??? teka lang sabi eh... san ka ba pupunta?? hindi jan ang daan pauwi..."  pasigaw na sabi nito. Tila nainis ito sa ginawang nyang pag-wawalk out dito.

Aba't ang kapal naman ng mukha ng talipandas na ito na sigawan ako. ako pa ngaun may kasalanan? ako pa masama? grrrrrrrrr....

"hoy sino nagsabi sayo na uuwi ako?? umuwi ka mag-isa mo. bahala ka sa buhay mo, aalis na kame ni Pia." sigaw nya. 

"anong aalis? di kayo pwedeng umalis. di mo din pwede ilayo si Pia sa akin. anak ko din sya.  at ikaw hindi ka din basta-basta makakalayo sa akin." sabi nito na tila nabigla sa sinabi nya.

"anong hindi! mag-fifile na ako ng annulment! mag-hiwalay na tayo. at sisiguraduhin kong sa akin mapupunta si pia!!" sigaw nya, huli na ng marealize nyang hindi pala nila talaga anak si Pia at lalong hindi sila kasal. masyado syang na carried -away sa awayan nila at kung ano-ano na lumabas sa bibig nya.

"hindi ako papayag na magpa-annul tayo! ayoko ng sirang pamilya. ayokong lumaki ang anak natin ng walang kinikilalang ama! ayoko! kaya hinding-hindi ako makakapayag jan sa sinasabi mo!" ganting sagot din nito na tila hindi din narealize ang mga pinag-sasasabi nito.

"wala kang magagawa para pigilan pa ako, kaya sorry ka na lang." sigaw nya ulit sabay talikod ng muli dito.

"at anong annulmet grounds naman ang isasampa mo aber? wala kang pwedeng isampang reklamo laban sa akin kaya for sure, di matutuloy yang annulment na sinasabi mo." sabi nito habang patuloy na humahabol sa kanila.

How to Win Your Dream GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!