"..hindi nakakatulog yang si Pia pag hindi sya kinakantahan, kelangan din nya uminom ng gatas bago matulog, tapos allergic sya sa itlog at sa mani. Uhmmm.. Nsabi ko na ba n hindi sya nakakatulog sa gabi hanggat hindi nakakinom ng gatas at...." hindi na natuloy ni rosalie ang pagbibilin sa kanilang dalawa ni Jared ng mga tungkol sa bahay at kay Pia. Dahil pinigil na ito ni anghelito.

"hon, nakasampung beses mo ng binanggit yang mga yan sa dalawa, natutulilig na ang mga iyan." saway ni anghelito dito habang naglalakad na sila papalabas ng kubo.

Tama ito, kanina pa nagbibilin sa kanila si rosalie at halos mamemorize nya na ang mga sinasabi nito dahil paulit-ulit na ang mga sinasabi nito, but she doesn't mind,actually natutuwa sya kay rosalie, damang dama nya na mahal na mahal nito si Pia at mangiyakngiyak na nga ito habang nagbibilin, at a very young age ay naging nanay na ito, ngunit hindi ito ngaing iresponsableng ina,hindi katulad ng nanay nyang iniwan lamang sya sa lola nya at hindi pa sya kukunin kung hindi pa ito mamatay, at hanggang ngayon ay ramdam nyang hindi pa din sya isa sa mga prayoridad nito sa buhay. Ang kaninang masaya at magaang na mood nya ay biglang naging malungkot dahil sa isiping iyon...

------------------------------------------

"o paano una na kami huh? Kayo na bahala dito" sabi sa kanila ni anghelito at naglakad na ang mag-asawa papunta sa sakayan.

Bigla ay napuna nya ang pagkakatahimik ni Dani, kanina lamang ay nakikitawa pa ito, ng tinutukso ni anghelito si Rosalie, dahil sa paulit-ulit nitong mga bilin, kanina ay masaya at maaliwalas ang mukha nito ngunit ng lingunin nya ay tila may nabanaag syang lungkot sa mga mata nito, tila may alaalang nag-papasakit sa damdamin nito, hindi nya alam kung ano ang gagawin nya upang mawala ang lungkot sa mga mata nito, hindi sya sanay na ganoon ito o mas tama sigurong sabihing hindi nya kayang makitang nasasaktan ito.

"hoy! Magluto ka na ng almusal natin!" sabi nya dito sa malakas at maangas na boses. Nais nyang batukan ang sarili sa naisip na sabihin, imbis na, kausapin nya ng matino ay inutusan nya pa ito! What the heck!!

"anong!?! HOY ka din!!! At sino ka nanaman para utusan ako?? Bakiit ako ang magluluto? Eh hindi nga ako marunong magluto diba?? The last time I cooked for you nilait mo lang, tapos paglulutuin mo ako??? Manigas ka jan!!" ganting sagot naman nito,sa mas maangas na tono.

Napangiti sya, effective ata ang ginawa nya, tila nalimutan nito ang iniisip.

" eh hindi naman talaga masarap yung niluto mong sinigang na manok eh! Kaya nga magluto ka ulit ngayon para matuto ka!!" sigaw nya dito.

naalala nya bigla ang mga panahon na inaalagaan sya nito nung nagka sprain sya, walang araw na hindi sya nito dinalaw, at ng isang beses nga ay ipinagluto pa sya nito ng sinigang na manok. Masarap naman iyon ,sa totoo lang ay nagustuhan nga nya, ngunit hindi nya lang maamin dito noon na masarap ang niluto nito dahil ayaw nyang matuwa ito .

"hindi sabi iyon sinigang! Sinampalukan yon! Sinampalukan! ! Bahala ka na talaga jan, magluto ka mag-isa mo!!" sabi nito bago padabog na naglakad papasok ng kubo, tulog pa noon si pia kung kaya't malamang ay natulog na lang ulit ito.

Napabuntong hininga sya, parehas lang naman yun diba? Sinigang at sinampalukan?? Gawa din naman sa sampalok ang sinigang diba?? Parehas namang maasim?? Napakamot sya sa ulo..

Ggglllggghhhrrrrhhhh.. Narinig nyang kumalam ang sikmura nya pasado alas singko pa lang ng umaga ngunit gutom na sya.. Paano ay maaga sila naghapunan kahapon, mukhang kelangan nya nga magluto.

Pffffftttt.... Jared! Mali ang diskarte mo!! Tsk tsk.. Bakit ba kase yun ang naisip kong sabihin?? Ayan tuloy kelangan ko magluto... Nanlulumong naglalakad sya papasok ng kubo.

---------------------------------------- 

Hindi mapakali si Dani sa pagkakahiga, madilim pa sa labas ng bahay at nais pa sana nyang matulog, ngunit di maalis sa isip nya si Jared, alam nyang hindi ito marunong magluto, ni prito ay hindi nito kaya.. Paano pa kaya ito magluluto?? Pfffftttt.. Naku ka Jared Saunders! Bakit na hindi kita matiis???! Frustrated nyang angal sa sarili bago lumabas ng kwarto.

Nakita nya si jared sa may tapat ng kalan na tila finifigure-out kung paano gamitn iyon, kalan na de gasul kase an gamit doon, at hindi de kuryente, na alam nyang nakasanayan nito. Makalat din ang paligid. Ang mga bawang at balat ng bawang ay kalat kalat, maging ang mga kubyertos at kutsilyo na ginamit nito ay magulong nakalatag sa mesa.

"akin na nga yan! Baka mamaya nyan bukas ka pa matapos magluto ng almusal!" sabi nya dito habang bahagyang tinulk ito papalayo sa kalan.

"sabi na nga ba eh, di mo din ako matitiis.." ^_______^ ngiting tagumpay, nitong sabi.

"oo na! Pasalamat ka KRAS kita. Kung hindi ka lang talaga kita Krash matagal na kitang sinukuan! Sa sungit at sa suplado mong yan!! Kuuu!" litanya nya dito habang naguumpisa ng magluto.

"hoy hindi naman ako masungit noh! kung masungit ako edi hindi sana ako nanalong president ng student council??" pagdadahilan naman nito, actually may point ito.. mabait naman talaga ito at palakaibigan, magalang din ito at napaka gentleman. and something dawned on her, that somehow broke her heart.

"oo na, mabait ka na.. alam ko namang exclusive lang naman sa akin ang pagsusungit at pagsusuplado mo eh." malungkot nyang wika, nanakalabi pa..  

"don't tell me affected ka sa pagsusuplado ko?" dinig nyang tanong nito.

"hay nako! whatevs.. alis ka nga jan.. wag mo na muna ako pag-kakausapin.. bka mainis lang ako lalo sa'yo, hindi kita lalo ipagluto..." inis nyang sabi dito.. lately ay nagiging mainitin ang ulo nya lalo na dito.

"whahahaha.. oy! pikon ka?? awsus ang ale.. pikon.. tamtampo.. wag ka na mag tampo.." sabi nito na sinusundot pa ang tagiliran nya na parang inuuto sya.. tse!! bahala ka jan sa buhay mo! talk to my hand.. inis ako sa'yo hmppp... sa lahat ng tao mabait at napaka gentleman mo, tapos sa akin ubod mo ng suplado!!! hmmpppfff talaga ikaw!

"aba nagtatampo nga.. wag ka na magtampo.  di mo ba napapansin? hindi na kita sinusungitan ngayon, bait ko na nga eh oh! paano ang kulit kulit mo kase, parang wala kang balak tantanan ako.. ayan nasasanay na tuloy ako sa presensya mo,..." sabi nito na ikinagitla nya.. di yata't lumalambot na ito sa kanya..wooooohhh!! 

Naalala nya ang step no. 3 sa libro. Make him get used to your presence Oh em!! step no. 3 check na check!! woooo double wooooo!! napalingon sya dito at hindi nya alam ay malapit na malapit na ang mukha nito sa kanya... (PICTURE!!!)

itutuloy.......

=============================

waaaaah!! ahahahaha.. wala lang trip ko lang lagyan ng itutuloy sa dulo ahahah.. pangbitin lang..  ;) natutuwa lang talaga ako sa mga comments at likes ng mga nagbabasa ng dalawa kong FF kung kaya't kahit wala  sa tyempo at busy ako dapat ay pinipilit ko po mag-update para sa inyo... =) kung kaya nmna sana ay ganahan din kayo sa pagcocomment at paglilike.. ahaha

XOXO

How to Win Your Dream GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!