...Hinihintay nya ang sagot mula sa kabilang linya ng, may umagaw sa phone nya.

"Ice, pwede ba wag ka na ulit tatawag kay Dani?"seryosong sabi nito, sabay patay sa phone nya ng hindi na hinihintay ang sagot mula sa kabilang linya, nakaamang pa din sya sa lalaking umagaw ng phone nya at lalo na ng ibinulsa nito ang Phone nya.

"oy! oy! oy! bakit mo ginawa yun?? akin na nga ang cellphone ko!!!!"

"ayoko! A-yo-ko!" malakas na sabi nito na ine-emphasize pa ang bawat sylables.

"at bakit naman aber?? baket?? teacher ka ba??bakit nag-coconfiscate ka ng cellphone??  huh?huh??" pangaaway nya dito. nainis sya sa pangenge-alam nito sa kanya at sa mga gamit nya. 

"mahiya ka nmn kila anghelito, nakikipag usap sila sa atin, gusto nila tayong makilala at magpalapit sa atin, tapos,aalisan mo,para lng makipaglambutsingan dun sa Ice na yun???" paangil na sagot nito.

Gusto nya sanang mag pakahinahon at panatilihin ang pagpoportray  nya sa cool, emotionless and carefree na Dani, pero mejo nakakapikon ang paninitang ginawa ng talipandas na ito, aba'y nagpaalam nmn ako ng maayos sa kanila ah! Hindi naman ako basta basta  umalis na lang, besides hindi sya nkakikipag-flirt kay Ice!

"pano mo naman nalamang naglalambutsingan kme ni Ice? Mapanghusga ka din eh noh!?! Pag may tumawag na ibang lalaki, ibig ba agad sabihin nun naglalandian na? Hindi ba pwedeng may itatanong lang??"  pangbabara nya dito, lumabas na ng tuluyan ang totoong Dani.

"Ah basta! Hangga't andito tayo, hindi ka pwedeng mgtxt, tumawag, magonline,  etc.!"

"aba!! Aba! Aba! Eh sino ka naman para utusan ako?? Tatay ba kita!??! ano ka ba talag teacher o tatay?" ganti nyang pang-aaway dito ngani ngani nyang tuktukan ito. at kutusan ngunit pinigilan pa rin nya ang sarili.

"ahem ahem!" narinig nilang tumikhim ang mag-asawa at papalapit n sa kanila.

"magpapahinga na kame, Dani, Jared, wag na kayo mag LQ, huh?? "sabi ni Anghelito na binuntutan pa ng tawa ang sinabi

"hindi kame nag ee-LQ!!" magkasabay pa nilang sagot sa mga ito na laloo pang ikinatwa nung dalawa.

"ooooookay! Sabi nyo eh" sagot nmn ni rosalie bago umalis na ang mga ito ng tuluyan, naiwan silang dalawa at bigla ay natahimik sila.

"aaa-a-aakin na ang phone ko." nauutal nyang sabi, para nmn kseng bigla nalulon nya ang dila samantalang kanina lang ay in full-battle mode na sya. Bigla syang nailang.

" a-a-ayoko!" sagot naman nito sa mahinang boses..tila katulad nya ay nailang din ito.

"Bakit ba kase??" tila hopeless nya ng sagot. Di nya kase maintindihan kung bakit bigla ay nagkaganito ito.

"Eh sa ayoko eh, tska mo na itxt o twagan yung lalakeng nililigawan mo," sabi  nito na nagiwas ng tingin. at tila napahiya ito sa sinabi..

Ano dw? Mamaya ko n ittxt ang nililigawan ko?? Akala b nya si Ice ang tinutukoy kong lalaki na gusto ko??Ay!! Ang boploks  nga naman nito!

Hindi na nya na pigilan ang sarili.Binatukan nya ito ng walang pasabi.

"Aray! What was that for??" nakangiwing angal nito na hinihimashimas pa ang nanakit na ulo.

"Akala ko ba consistent Dean's lister ka? Eh bakit ang boploks mo?? Paano ko ittxt ang nililigawan ko e, hindi ko nmn alam ang number MO?? Ni hindi din kita friend sa Facebook.. Hindi mo din naman ako finafollow sa twitter para makapag DM ako sau, pag tinitweet naman kita di mo nmn din ako pinapansin?? ni RT wala." ngunit hindi ito nag-react sa sinabing yon. inirapan lang sya nito.

"ang sungit talaga! haaay.. pero kung hindi mo pa nahahalata at talagang mahinang pick-up mo, well, ipaiintindi ko sayo, Mr. Saunders, ikaw po ung lalaki na sinasabi ko kanina kila rosalie, na gusto ko at nililigawan ko," pagpaliwanag nya, na ang huling pangungusap ay halos pabulong nya lang sinabi, kahit pla makapal na ang mukha nya ay nkadama pa din sya ng hiya ng diretsuhang sabihin iyon dito.

Tila natahimik naman ito at napaisip. 

"pffft!! stop kidding me! paanong ako ang gusto mo eh nung isang araw lang eh si Ice ang kadate mo.. tsssss..." sabi ni Jared na nakayuko at hindi tumitingin sa kanya, napangiti sya sa sinabi nito, mukhang may onting pagtingin na ito sa kanya.

"masyado mo pianapalaki ang isyu, isang beses lang kame lumabas ni Ice noh, tska, isipin mo nga, kanino ba ako lagi nakabuntot? sino ba yung taong araw-araw kong dinadalaw lalo na nung may sakit? sino ba yung pinag-luluto ko pa kahit na hindi naman ako marunong mag-luto? atsaka alam mo ba kung bakit ko niyaya si Ice makipagdate? kase po inenterview ko lang namn si Ice para malaman kung ano ang mga bagay na gusto at ayaw mo, kung ano ang mga interests at hobbies mo, gusto kase kita makilala ng husto, pero dahil susupladuhan mo lang ako pag ikaw yung tinanong ko, eh di kay Ice ako lumapit... oh ano? malinaw na?? hay ewan ko sayo jan ka na nga.. kainis ka talaga kahit kelan!!hmpf!!!" sabi nya sabay talikod, ngunit pinigil nito ang braso nya bago pa sya tuluyang makalayo dito.

"why Dani? Why do you like me sooo much??" seryosong tanong nito, na matamang nakatitig ang mga mata sa kanyang mga mata.

"bakit? kelangan ba magkaroon ng concrete na dahilan para magustuhan natin ang isang tao?? hindi naman diba? so sana kahit hayaan mo lang ako namakasama ka at maparamdam ko sayo ang nararamdaman ko, okay na ako dun." sabi nya sabay lumapit dito at hinaplos nya ang mukha nito, Gawd! he is indeed breathe taking upclose! tumingkayad pa sya at hinalikan ito sa pisngi. bago tuluyang pumasok kwarto.

====================

yey! nakaupdate din sa wakas..alam ko bitin, sorry naman po.. pasensya na din kung hindi nyo po magustuhan ang chap na ito at kung medyo malamya ang update na ito.. =(( gusto ko sana gandahan ng bongga kaso di na po talag ngfufunction ng matino ang utak ko.. patawad.. =(

babawi na lang sa susunod!! 

ano kaya susunod?? na magyayari?? sa susunod na chapter ay nasa seminar na si anghelito at rosalie, meaning ang maiiwan sa house ay si Jared, Dani at Pia, One happy family lang ang Peg!! ahehe.. =)) abangan!!

<3 <3 <3

XOXO

How to Win Your Dream GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!