"hindi po kita binobola, It's the truth, you are beautiful... yeah you may be a disaster, but definitely a beautiful disaster."

haruhjosmeee!! hanubey!! bakit ba gento kasweet ngayon tong si Jared?? panay ang dikit sa akin, panay pa ang halik tapos mambobola pa at babanatan pa ako ng mga ganong linya nya??

nak ng tokwa!! di nya ba alam na parang hinahalukay na ang intestines ko sa sobrang kilig? di nya ba napapansin na para na akong aso kakangiti dito? pag hindi nya pa tinigilan yan ewan ko na lang baka mahalay ko na sya nyan..

kaya syempre bago pa ako bumigay eh nagpakipot muna ako.. at kunwari hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nya.

"hay nako!! ewan ko sayo...ganyan naman kayong mga lalaki eh, ang lakas lang mambola pero-"

"I love you..."

eh?? ano daw??

pwede replay? rewind??

I love you...

kusa naman ngang nagreplay sa isip ko yung sinabi nya. nanlaki yung mata ko at dahil sa sobrang kabiglaan ko ay tumakbo ako palabas ng kwarto at saka dirediretsong pumasok sa banyo na syang medyo malayo sa kwarto na pinaggalingan ko. pero dahil sa tense ko eh halos wala pang isang minuto eh nasa loob na ako nun at naisara ko na ang pintuan.

pakiramdam ko ay hapong-hapo ako sa ginawa kong pagtakbo kaya naman sumandal ako sa pintuan..

totoo ba yung narinig ko?? o guni-guni ko lang yun?

ano daw ulet??

I love you...

----------------------

Nice Jared!! Nice... ang galing mo magdeclare nang nararamdaman mo, instead na matuwa or maiyak sya sa sobrang kaligayahan eh tiakbuhan ka nya... first time mong umamin ng feeling mo sa isang babae and anong nangyari tinakbuhan ka?? natakot sayo... pffssshh... good job!!

pipi kong pagalit sa sarili ko habang maang na nakatitig sa bukas na pintuan ng maliit na kwartong tinutulugan ni Dani, nung sinabi kong mahalko sya ay bigla bigla na lamang itong kumaripas ng takbo papalayo sa akin.

Sa totoo ;ang hindi ko alam kung ma-ooffend ako o dapat akong mag-sosorry kay dani dahil binigla ko sya pero diba dapat expected nya na to??

mali ba talaga ako??

uggghhhh!! ang galing ng diskarte mo!! ngayon pa lang basted ka na..

nanlumumong sinundan ko si Dani pero hindi ko agad sya nakita, buti na lang napansin kong bukas ang ilaw sa may CR laya malakas mang pakiramdam kong nasa loob non si Dani.

Sumandal ako sa pintuan pansamantala dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Dani..." mahina kong tawag sa pangalan nya.. alam kong nasa loob sya at alam kong nadinig nya ako.. pero ganun pa man hindi pa din sya nagsasalita..

"Dani... please... pag hindi ka sumagot sa ayaw at sa gusto mo papasok ako jan."

hindi pa din sya kumibo... at nagalala na ako. mejo mataas pa din ang lagnat nya at natatakot akong baka nabinat sya sa ginawa nyang pagtakbo kanina.

Sinubukan kong buksan ang pintuan at nagulat akong hindi pala naka-lock yoon.

Ngunit mas nagulat ako ng nung pagbukas ko ng pintuan ay kasabay sa pagbukas niyon si Dani na tila nkasadal pala sa pintuan kaya ng buksan ko ay nawalan sya ng balanse.

Dali-dali kong inagapan ang pagbagsak nyang yon, mabuti na lang ay naagapan ko agad kaya ngayon ay yakap yakap ko sya.

(see picture... gasgas na ang paggamit ko sa pic na ito pero gustong gusto ko talaga nito eh.. soooo.. wlang peklamanan.. nyahahaha..)

How to Win Your Dream GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!