whaddup!! fellas.. thanks sa mga nagvote at  comment sa last chap. =) sana ay patuloy nyo pong basahin ang FF ko, ill try my best po talaga to make it better.. =))  anyways, I hope you wont mind if I'd make side stories for the other characters in this FF?? anlungkot naman po kung si Dani lang ang may Love life diba?? diba?? unfair naman yun sa iba pang nag-gagandahan nyang kaibigan.. ;) if you notice, medyo naglagay na po ako ng hints sa mga nagdaang chapters sa love life ni Yanna.. ;) ang tanong is with whom?? welll for sure may hint na kayo kung kanino.. (alam ko naman na malakas ang pakiramdam nyo eh.. ) so ang next update ko po will be about yannas love life.. don't worry, the side stories will be a one shot story sort of thing, para hindi din mwala ang focus sa love story ng JaDe (JAred at DaniElla) anyways I'm saying too  much.. 

here it goes..

XOXOXO

p.s. vote,like comment pa din po kayo.. thank you sa nagcomment sa last chapter, kaya naman i'll dedicate this chapter sa kanya.. ;)

"Ano?!!? bakit  ako? bakit sya pa?? ayaw ko!!" parang batang pagmamaktol ni Jared ng malaman nyang silang dalawa ang magkakasama sa kanilang outreach program. Hindi na sya nagulat sa reaksyon nitong iyon ngunit somehow nasaktan pa din sya sa tahasan nitong pagtangging makasama sya,sa pagkakasabi kase nitong iyon a tila sya may nakakahawang sakit na kailangang iwasang kumalat, samantalang sya ay excited na makasama ito. Haaaaaayyyy Jared!.. hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinahihirapan..

Christmas break na nila at yun ang hudyat ng umpisa ng kanilang outreach program sa palawan. Sa loob ng isang linggo ay titira sila kasama ang kanilang foster family, so a dalawang araw ay tuturuan sila ng mga ito ng mga typical na ginagawa ng mga ito, mula sa kanilang kabuhayan hanggang sa mga gawaing bahay, ang nalalabing 5  araw naman ay igugugol nila upang humalili sa buhay ng taong kanilang papalitan, kumbaga ay gagampanan nila ang buhay ng taong yon, at ang mga ito naman ay dadalo sa isang livelihood seminar na sponsored and hosted din nga kanilang eskwelahan.

Napansin nyang mahinahong pinagpapaliwanagan ito ni Felize, napangiti sya ang galing umarte ng Kaibigan nyaYun kase ang hiningi nyang pabor dito dati, hiniling nyang gumawa ito ng paraan upang silang dalawa ni Jared ang magkasama sa iisang Foster families, kasehodang hindi pinapayagan ng school na magkasama sa iisang bahay ang magkaibang gender sa mga outreach programs. Kasehodang magisip at maghokuspokus ng dahilan ang kaibigan nya ay naipilit nga nilang gawan ng paraan uoang sila ni Jared ang magkasama sa iisang bahay. Hindi nya marinig o maintindihan man lang  ang sinabing dahilan ni Felize kay jared  dahil medyo malayo pa sya sa kinatatayuan ng mga ito, ngunit tila effective ang sinabi nitong dahilan dahil nakita nyang marahas na naisuklay ni jared ang mga kamay sa buhok nito, at napahawak sa batok nito at madahang tumango kay felize na tila sumasangayon na ito.

"ayan na pala sya eh," narinig nyang sabi ni felize ng makalapit sya  sa mga ito. 

Lumingon ito sa kanya at kahit papaano ay naibsan ang tampo nya rito ng makitang gulat na gulat ito sa anyo nya na tila hindi ito makapaniwala sa itsura nya ngayon. paano ay sinunod nya ang sinabi ni Ice na ayaw ni Jared sa mga skimpy at sexy outfits nya, pati na din ang makapal nyang pah mamake-up at ang ubod taas nyang stileto shoes. Mas gusto daw pala nito ang mga simpleng babae, Oh well hindi nya kayang maging simple ng bigla biglaan kung kaya naman she just opted with a simple and laid back yet still sexy  outfit. Nagsuot sya puting long sleeves na may vintage prints at medyo mababang neckline na tinuck in nya sa kanyang high-waist maong shorts , itinirintas din nya ang kanyang buhok sa gilid at tinernuhan nya iyon ng light make-up at puting wedge sandals. pakiramdam nya ay na achieve nya ang itsurang nais nya at nakuha nya ang inaasahan nyang reaksyon mula dito. she timidly smiled at him after ng ginawa nitong pagsusuplado sa kanya sa harap ng mga kaibigan nito last friday ay ngayun na lang ulit sila nagkita kaya medyo saiwa sya dito,  lumapit  sya kay Felize upang bumeso.

How to Win Your Dream GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!