Chapter Nineteen: Joyous I

45 8 0
                                    



CHAPTER NINETEEN
"Joyous I"



Nilibot namin ng aking.... ama, ang buong ciudad. Hindi sa impyerno, kung iniisip niyo. Kundi sa isang mundo na nakikita lamang sa loob ng kwebang aming pinasukan.

"Mahilig magbasa ng hinaharap ang iyong ina... ngunit hindi niya naman kayang basahing ang sarili naming kapalaran. Ang natunugan niya lamang nuon ay ang magiging hilig mo sa mga kulay na asul, abo, rosas, ginto, pilak at lilak." Patungo kami ngayon sa ikinikwento niyang gustong gusto ng inako na makita ko... ang kwarto na puno lamang ng mga damit kong ginawa niya...

Namangha ako sa laki ng kwarto at sa sobrang dami ng mga bestidang naka-ayos pahanay sa iba't-ibang parte ng silid.

"Huwag kang mahiya, at halina't pumasok ka. Lahat ng ito ay iyong pag-aari" nginitian niya ako. Pinagmasdan ko naman ang kaniyang mukha. Maaliwalas at halata ang saya sa mata niya...

"Saglit lang nga ama... ilang taon ka na nga pala?"

"*cough*cough*" mukhang nabilaukan pa siya sa sarili niyang laway. Wahahaha "t-tinatanong pa ba i-iyon *cough* nakuu wag mo ng alamin. Basta ba'y buhay na ako ng wala pa ang mundo." . Nanlaki naman ang aking mga mata na ikinatawa naman niya

"Bakit? Ganuon na ba kahalata?"

"Nagulat ako dun ah. Seryoso ka ama?!" Natulala ako ako nun. Seryoso ganun na siya katanda?.. ibig sabihin pati si mama? "Ang ganda mo naman masyado para sa edad mo..."

"Wahahahahahahhahahaha maloko kang bata. Alam ko nanaman iyun. Ang Gwapo ko kaya! Kaya nga patay na patay ang nanay mong si Silvienne sa akin eh!" Nag-pogi pose siya bigla sabay pakita ng muscles.

"Loko ka ama! Ewww di bagay!! Wahahaha" nakakatuwa lang dahil nagagawa naming makatawa ng ganito na para bang walang problema. Sana ganito nalang palagi...

"Halika't palitan natin ang iyong mga suot sa iba-iba mong anyo" inakay niya na ako diretsyo sa silid. Saglit lang... ano daw??

"Nakuu matutuwa ang bebe loves ko kapag nalaman niyang gagamitin mo na ang kaniyang mga ginawang kasuotan para sa iyo"

"Bebe loves?! Saan mo naman nakuha iyong mga ganung salita ama?!?! Eeewwww nakikibagets ka ah waahahaha ano kaya magiging reaksyon ni mama sa gamiyan mo"

"Wahaha haayst kaparehas ng naging reaksyon mo wahaha. Ok lang yan wala naman siya eh kaya sulit-sulitin na hahah" kaloka din pala itong si Ama este si Lucifer... ngayon naiintindihan ko na kung bakit minahal siya ni Ina

Bigla namang humangin ng malakas sabay umapoy naman ang balikat ni ama

"Aray ko naman- joke lang darling-- aray-- bebe loves--a-a-araay oo na reyna ko pala" tumawa na ako ng malakas dahil sa pagkausap ni ama sa hangin. Mukhang minumulto kami ni ina ah haha... sana andito ka talaga at buhay.... edi sana mas masaya tayo at kumpleto....

"Ayan kasi ama, pinaparusahan at minumulto ka na ni mama. Kalokohan mo daw kasi hahaha-- ano nga pala ang ibig sabihn mo sa pagpapalit sa aking anyo?"

"Meyroon kang labin-dalawang anyo kada isang buing oras hindi ba? Iba't-iba ang iyong suot kada oras. Gusto sana ng ina mo na gamitin mo ang mga gawa niya kada oras." Okay.. ano daw? Pwede ba iyon? Meganun pala. Ang kumplikado ah

Awakened Casualty: The Prince Of HellWhere stories live. Discover now