Chapter Four: Beginning of an End For Me

224 19 1
                                    





Chapter Four
"Beginning of An end For Me"



"HUWAAAAA Anong ginagawa mo dito?!" Bakit siya nandito? Paano niya nalaman tong address ko?

"Edi natanaw at nagpapahangin =o=" sagot niya habang nakakunot ang kanyang noo

"Pilosopo! Ang ibig sabihin ko ay anong ginagawa mo dito sa veranda KO, room KO, Teritoryo KO?" Syempre inemphasize ko talaga yung ko. Hmm....anghel nga talaga ang loko! Juize ko lord, ano po bang ginawa ko nuong nakaraan kong buhay para bigyan mo po ako ng ganitong kakulit na pilosopong anghel na cute--este anghel na saksakan ng kakulitan

"Ahhh makikitira hanggang sa bumalik kapangyarihan ko bago tuluyan ng makabalik sa Kanya"

"Bakit naman dito pa sa bahay ko aber?!"


*KULOG~KIDLAT*


"Eh kasi hindi sa bahay ni--" natigilan siya sabay takip sa mukha dahil paano ba naman pipilosohin nanaman ako kaya ayun ininanda ko na ang kamay ko para ipangbatok ko sa kanya "Eh kasi ikaw lang ang kilala ko pati magaan ang loob ko sayo! Mahal mo naman ako eh diba?" Sabay ng puppy eyes and pout

"Eeewww di kita mahal pati alisin mo nga yan sa mukha mo! Ang pangiiit mo kadiiirs" hihi pero sa totoo lang ang cute niya huehue. Lalo pa siyang nag-pout ng dahil sa sinabi ko

"Ang sakit mo naman magsalita"


"Bahala ka na nga jan! Basta wag ka dito sa bahay ko"

"Pero--"  sabay isinara ko na ang pinto kaya hindi na niya natapos pa ang balak niyang sabihin

Ilang minuto na din ang nakalipas at medyo busog pa naman ako kaya napagpasyahan ko na lamang na matulog

*KIDLAT~KULOG*


Nagtaklubong nalang ako ng kumot. Nasaan na kaya nagpunta yung anghel na yun.... Medyo nakakaramdam ako ng kunsensya eh... Hala baka naman may nangyari ng masama sa kanya?! Ay hindi yun anghel naman yun eh.... Makikitira muna ako hanggang sa bumalik kapangyarihan ko.... Hala mahina pa siya!! Too late na dahil narinig ko na ang pagbuhos ng malakas ulan kaya ipinikit ko nalang ng mariin aking mata.


*KIDLAT~KULOG*


Nagi-guilty ako sa ginawa ko sa kanya. Sana naman walang nangyari sa kanyang masama. Agad akong tumakbo sa aking veranda ngunit wala na siya duon. Hindi ko na pinansin na nababasa na ng ulan dahil agad na Sinilip ko siya sa daanan ng harapan ng building pero wala. Inatake na ako ng kunsensya ko to the highest level. Papasok na sana ako ngunit nakarinig ako ng kaluskos sa
isang corner ng veranda. At andun siya nakaupo, nakayakap sa kanyang paa habang nanginginig.

"S-sataniel....?" Tanong ko ngunit di naman siya sumagot..... "S-sorry" hindi ko napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya at yumakap. "P-patawad. P-patawarin mo a-ako" naramdaman ko siyang gumalaw ng bigla nalang maya-maya............ Bigla siyang naglaho..... Anong ginawa ko....?

Naramdaman ko nalang ang aking puso na parang dinudurog ng sa di malaman na dahilan. Ang sakit. Sobra. Tapos bigla nalang nagsituluan mga luha ko.

Awakened Casualty: The Prince Of HellWhere stories live. Discover now