Chapter Thirteen: A Friend Or a Foe?

54 12 0
                                    

Chapter Thirteen
"A Friend Or a Foe "

"Pero bakit sila pa? Wala na bang ibang paraan?"


"Hindi ko rin Alam Ezekiel. Siya na lang ang bahala sa lahat.." nagising ako sa pag-uusap na naririnig ko sa aking paligid. Boses yun ni Micheal at ni.... Ezekiel..... si zeke

"Pero paano na si Sataniel? Kailangan na natin siyang mailigtas. Limang araw lamang ang ibinigay sa atin. Naubos ang dalawang araw sa pagpapagaling sa anak ni Sylvienne. Tatlong araw nalang ang nalalabi. Hindi pa ba tauo kikilos?" Sino ang tinutukoy nila? Pati si Tan-Tan nasa panganib parin!! Kailangan na nga talagang kumilos. At isa pa.... sino aang anak nung sylvienne? Hinahangaan ko siya sa husay niya na makipaglaban, kakaibang lakas, bilis at isa pa.... ang kaniyang kapangyarihan sa oras. After those years I've been through wala naman akong narinig na may anak siya. Ilang segundo rin ang lumipas at di ako nakapagpigil ay tumayo na rin ako

"Sino ang anak ni Anghel Sylvienne? At bakit pati siya ay nadamay sa panibagong gulo na ito?" Hindi ko na napigilan at nagsilabasan iyon mula sa aking bibig

"Michael kailangan na nating sabihin sa kaniya. Akarapatan niyang malaman iyon" narinig kong bulong ni Ezekiel kung matatawag pa ba yung bulong

"Hindi pa ito ang tamang oras--"

"Kung hindi ngayon, kailan pa? Kungc kelan nakuha na siya?!" Galit na hasik ni Ezekiel

"Don't act as if I'm not here when you know I have ears. Ayoko na ng niloloko. Pagod na pagod na ako. Sabihin niyo na kasi" ano pa bang hindi ko alam?

Nakita ko namang napabuntong hininga si Michael at tsaka nagsalita "Ikaw. Ikaw ang anak ni Sylvienne. Siya ang pinaka-malakas na anghel nuon dahil hawak niya ang oras. Nagbunga ikaw sa kalagitnaan ng gyera kaya ipinatakas ka niya sa amin. Nung mga oras na yun ay hindi niya alam ang gagawin sapagkat ayaw ka niyang madamay. Natapos ang unang gyera at nanalo ang liwanag, pauwi na siya nun papunta sa atin ngunit dinakip siya ni Lucifer" pagkasabi niya ng pangalan ni Lucifer ay nanigas kaniyang kamao at akmang manununtok. Nanay ko ang aking iniidolo? Ngunit? Papaano? Hindi ko manlang nalaman ng mas maaga. Ina ko..... bakit ba nagkakaganito buhay ko?

Awakened Casualty: The Prince Of HellHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin