Chapter Fourteen: Levidshi Gelan

48 13 0
                                    




Chapter Fourteen
"Levidshi Gelan"





Ano ba talagang nangyayari--naramdaman ko naman ang malamig na dulo na matulis sa aking leeg......

Bago paman niya maituloy ang binabalak na pagpaslang sa akin ay itinukod ko aking mga kamay sa magkabilaan ko at ginamit ko naman aking dalawang paa at buong pwersa siyang sinipa sa kaniyang tiyan. After kicking him, my feet continuously moved around me which caused me to execute a backflip. I landed on both feet with the other, folded against the floor maintaining my balance and the other stretched straightly. Mukhang malakas talaga ang impact.

Napalayo naman siya ng ilang kilometro. Nang makita kong patayo na siya ay agad akong nag-isip ng mga maaari kong gawin. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may naramdaman akong mainit sa aking mga kamay at kasabay nun ay ang pag-init ng aking pakiramdam at ang pag bilis ng pintig ng aking puso. Bago pa ko makagawa ng panibagong galaw ay natanaw ko nalang si michael na nasa aking harapan at nakahanda na iwasiwas ang kaniyang ispada sa akin.

Kahit di ko alam kung gagana ay ginawa ko pa rin. Itinaas ko aking kaliwang kamay habang ang dalawang dulong daliri ay naka-taas din. Ang aking kanang kamay naman ay nakabuka at ipinatong ko iyon sa aking noo.

TIK. TOK.

Ipinikit ko aking mga mata kasabay ng pagbigkas ko ng... "Por que Eteyis. Saro Eteyis" as I opened my eyes a large amount of force was released by my body. Yung enerhiyang inilabas ng aking katawan ay parang isang pasabog dahil naging dahilan ito ng pagtalsik ng mga bagay na nalalapit sa akin. Kasama na duon si Michael.

Lumutang ako ng mga anim na talampakan ang taas. Binabalot ako ng liwanag na may halong kulay abo. Parang ako iyong gitna ng orasan. Kusang gumalaw aking kamay at nagmistulang kamay ng orasan at tumuro sa mga bilang.

*TIK*TOK*

Isa..... napalitan ang aking kasuotan. Mula sa pang ehersisyo ay naging isang puting bestida. It's a kind of tube that's got the heartcut in front while backless at the back part. It flows perfectly unto my knees while a gold strap holding my dress on my right shoulder appeared that's made up of tiny gold stopwatchs with red glimps of glitter-like shimmers which made it look more elegant

*TIK*TOK*

Dalawa.... uminit naman ang aking mga paa. Unti-unti naman iyong nabalutan ng kulay abong wedges Na may parang mga nagkikislapang pulang palamuti.

*TIK*TOK*

Tumutok naman aking kamay sa pangatlong bilang at labindalawang bilang.

Tatlo... kusang gumalaw aking mga buhok at kumulot sa mga dulong bahagi habang dahan-dahan itong natali at pumatong sa kanang bahagi ng aking balikat. Nagkaroon din ako ng kulay gintong korona na may mga kulay dugo at abong mga maliliit na sequins.

*TIK*TOK*

Apat... bigla akong nagkaroon ng itim na parang sing-sing sa aking walong daliri maliban nalang sa mga hinlalaki. Manipis ito, na para bang ginuhit lamang.

*TIK*TOK*

Lima... may kakaibang lamig, init at kuryente ang dumaloy sa ugat ng kanang kamay ko.

Awakened Casualty: The Prince Of Hellحيث تعيش القصص. اكتشف الآن