Chapter Nine: Death's Kiss

75 13 0
                                    


Sorry ngayon ko lang nasabi. Ang basa po sa Eloise niya ay hindi "eloys" kung hindi ay "Elowah". Hehe yun lang. Enjoy reading ^^

————————————————————————————————————


Chapter Nine
"The First"


SCARLET's POV.

"ELOISE SCARLET ANN DEL VALLE!!" Napabalikwas ako ng tayo dahil sa sigaw na yun. Huh?? Umaga na?? Bakit ganun... Parang wala nanaman akong panaginip at hindi lang yun parang kakapikit ko palang ay bigla na akong nagising at boom, umaga na

"Ano ba naman bes! Hirap mong gisingin. Alam mo bang 15 minutes na kita sinusubukang gisingin." Huh? Eh ngayon ko lang siya narinig eh "Akala ko nga kanina wala ka na eh pano ba naman hindi ka humihinga tapos maya-maya pa'y bigla kang tumayo kaya nakahinga ako"

"Teka teka, tumayo ako?" Tulog nga ako eh paano naman ako tatayo

"Oo. Bakit? Di mo maalala? Nag-prayer sign ka pa nga eh sabay tinaas mo kamay mo at tumuro sa taas habang yung kanang kamay mo naman naka taas yung tatlong daliri. Pinky, ring finger, at middlefinger. Itinakip mo pa nga yung tatlong yun sa kanang mata mo eh" mahabang litanya niya with matching actions.

"Wala talaga..." Wala talaga akong maalala. Pati total blackout ako. Sa past dream ko naman iba yung ginawa kong sign. Three fingers din pero ibang daliri ang mga gamit.

"Bahala na nga. Nga pala, alam mo ba parang ang bilis lang ng gabi. Yung para bang kakapikit mo lang tapos pagkatapos ng ilang minuto pagdilat mo umaga na." Sabi niya habang parang amaze na amaze

"Ah... Oo nalang"

*TOK*TOK*TOK*


"Oy kayo diyan bilisan niyo naman! Excited na kami eh!" Narinig kong sigaw ni Zeke sa labas

"O sya sya. Nga pala tara bihis na! Ginising talaga kasi kita dahil magsiswimming na bago mag-breakfast. Alam mo na, para di gaano ka init!" Hindi pa talaga siya tumitigil hindi ko lang talaga narinig mga sinasabi niya dahil pumunta na agad ako sa cabinet para ilabas maleta ko.

"Tapos ayun nga kaya kailangan na nating magbibis. Bilisan na natin okay--"

"Alam mo na bes, magbihis ka na hindi yung dal-dal ka pa ng dal-dal jan" inirapan niya lang ako sabay sabing 'sabi ko nga'

"San ko ba nilagay yun" bulong ko sa sarili ko. Pano ba naman nawawala rash guard na dala ko

"Okay na ko!!" Sigaw ni Cara. "O bakit di ka pa nakabihis?" Hinarap ko naman siya at... Halos lumuwa na mata ko sa suot niya. Naka Blue siya na two piece! Yung tinatali sa leeg tapos may bilog na butas sa chest part.

"Ano ba yang suot mo Cara! Kinapos lang sa tela?? Pati hindi na ako magsiswimming, nawawala swimsuit ko eh" nagmodel pa siya habang naglakad palapit sakin.

"Oy! Ganito talaga pag nasa beach ka noh. I look fab! Pati... Anong di ka magsiswimming?! Meron akong extra na dinala just incase. Yun nalang suotin mo" may kakaiba sa ngiti ni Cara. If I know, siya ang dahilan kung bakit wala akong susuotin ngayon. Juskooo kapag malaman ko lang talaga

Awakened Casualty: The Prince Of HellWhere stories live. Discover now