Chapter Ten: Vergessen

48 13 0
                                    





Chapter Ten
"Vergessen"


Lumulutang ako.... Mali. Lumilipad ako. Nagmamadali akong lumipad palapit kay.... Sataniel? Lumilinaw na ang nangyayari. May mga kalaban siya. Dalawang lalaking hindi ko kilala. May mga pakpak din sila. Anong ginagawa ko dito? Pati bakit ba sila naglalaban? Katulad ng inaasahan, may lumapit kay Sataniel na lalaki pero Imbis na tubo ang hawak ay may hawak siyang espada. Itinapat niya ito kay Tan-Tan na ngayon ay walang kamalay-malay na may sasaksak sa kanya

"TAN-TAN!! Sa likod mo!!" Hindi niya ako naririnig kahit anong sigaw ko kaya ako naman na para bang nasa instinct ko na ay nagdire-diretsyo ng takbo at itinakip ko aking katawan sa kanya bago pa man siya masaksak. Naramdaman ko nalang ang isang bagay na tumusok sa aking dibdib. Ngumiti na lamang ako. Atlis alam kong buhay siya at nailigtas ko siya, masaya na ako...


*TIK*TOK*


Tunog nanaman ng orasan aking naririnig



*TIK*TOK*


Sa isang iglap ay naririto nanaman ako nahuhulog. Walang katapusang pagkalaglag. Kahit alam ko na kung ano ang maaari kong makita sa pligid ko ay hindi ko parin mapigilang ilikot aking mata. Imbis na abo man lang o kaya ay papel lamang ang makita ko ay hindi lang iyon kung hindi ay ipinagsamang abo, papel at mayroong bago.... Pulang likido at kulay ginto na papel.

"Scarlet..." May narinig akong tumawag ng pangalan ko


"Scarlet..." Iginala ko ang tingin ko sa aking paligid ngunit hindi ako nagtagumpay na makakita manlang ng pinanggagalingan ng boses na iyon.

'Sino ka?' Sabi ko pero hindi manlang ako sinagot at pinaulit-ulit lang nito ang pagtawag sa pangalan ko

"Scarlet......" May imahe na pakunti-kunting nabubuo sa itaas. Lumilipad ito, mapupula ang mata, may sungay..... At...... Pula ang buhok...

"Lucifer" pagkasabi ko nun ay may nakita akong bagay na inangat ng kanyang kamay

.....


.....


"Tan-Tan..." Si Tan-Tan hawak niya sa leeg. "Huwag" nakita ko ang kanyang mukha na may bakas ng pagkahirap. Sinasakal siya.

"Scarlet....." Palayo ako ng palayo sa kanila. Lumilipad sila habang ako naman ay nahuhulog. Huwag... Kahit anong pilit ko ay hindi ko na talaga magawa pang makagalaw. Panginoon ko.... Wag siya...


"SATANIIIEEEELLL!!!"


"Scarlet!" Napabalikwas ako sa narinig kong iyon.

"Cara? Anong ginagawa mo? Nasaan ako? Si Tan-Tan nasaan?" Inilibot ko mata ko sa paligid ko at nakitang nasa room kami dito sa beach house. "How long was I out?" Humarap naman ako kay Cara at tsaka hinintay ang magiging sagot nito. Pero imbis na makita kong ibubuka niya ang kaniyang bibig para sagutin ang tanong ko ay tinitigan niya ako ng may halong pagtataka

"Teka teka nga, anong how long-how long was I out ka diyan? Excuse me, pero oy bes! Ginigising kita para makapag-swimming na noh! Naghihintay na sila sa labas, dalian mo baka pasukin tayo dito!" Sigaw niya sabay tulak sakin papunta sa cabinet para kunin ang maleta ko. At katulad naman ng ginawa ko kaninang umaga yata yun o kahapon ay kinalkal ko ito kahit alam ko namang wala akong dalang swimsuit.

Awakened Casualty: The Prince Of HellWhere stories live. Discover now