Chapter Eighteen: Behind the Hurricane

48 8 1
                                    



CHAPTER EIGHTEEN
"Behind the Hurricane"






Dahan-dahan namang nagmulat ng mata ang dalaga. Sa una ay malabo pa ang kaniyang paningin pero pakinti-kunti itong lumilinaw kaya naman ng tuluyan na siyang nakakita muli ay inilibot niya ang paningin.

Nasa loob siya ng isang kwarto na kasing laki ng unang palapag ng isang bahay. Ang mga pader ay kulay abo na kupas, at sa bawat pader ay may kabigha-bighaning mga ukit. Para bang traditional ito sa bawat ukit at disenyo. May carpet ruon na kulay pula na may mga kulay dilaw na nakaburda. Ang mga kurtina ay kulay puti at kupas na kulay pula. May mga lampara rin sa bawat sulok pati na rin sa tabi ng kamang mukhang pang-hari sa laki.

Namangha ang dalaga sa ganda ng kaniyang paligid. Napakataimtim ng lugar at masasabi mo ngang ito ang isa sa lugar na gugustuhin ng marami para makapagpahinga. Ngunit kanino ito, tanong ng dalaga sa sarili

Habang nililibot muli ang paningin ay nakita niya ang kaniyang repleksyon sa salamin na nasa tukador. May kakaibang lakas ang nagtulak sa kanya patungo sa tukador na iyon at wala sa sarili niyang hinila ang upuan at umupo duon.

Tinignan niya ang kaniyang repleksyon at nakitang wala na ang mga galos niya. Binaling niya pa ang mukha kung saan saan para makita kung meron siyang sugat ngunit wala. Matutuwa na sana siya ng bugla naman mapukaw ang kaniyang attention ng isang maliit na kahon. Kakaiba ang kulay nito, para bang bronze na nagiging gold na may halong silver na ewan. Basta halu-halo. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas para kunin iyon. Saktong pagkahawak niya dito ay para bang may kakaibang sensasyon o kuneksyon ang dumaloy mula dito patungo sa kaniyang puso.

"A-ano itong pakiramdam na it-t-to" naginig ang kaniyang boses dahil bigla nalamang niya hindi makuntrol ang sarili. Bigla nalang siyang tumayo.

Kusang pumunta ang kaniyang kaliwang kamay na nakapormang kamao sa ibabaw ng dibdib niya at ang isang kamag naman ay kusang umangat at tumuro sa itaas gamit ang tatlong daliri. Umikot naman ang buong kanang kamay niya na parang orasan. Bumuka ang bibig ng dalaga at bigla niya na lamang nasabi ang mga katagang

"LAVEEN LUCIEN LUVIEN. KAHON NG NAKARAAN, MULING BUBUKSAN, SUSI NG PUSO AKING TINATAWAGAN." Umalingawngaw ang boses ng dalaga sa buong kwarto. Ramdam ang intensidad ng boses. Ilang segundo pa ay bigla lumiwanag ang dilaw na mata ng dalaga.

Ang tatlong daliri ng kanang kamay naman ay tumapat sa kanang mata nito habang ang kaliwang kamay na naka-kamao ay humilig paharap at bumukas palad na parang nag-aantay ng bagay na lalapag, at ilang segundo pa ay dahan-dahang lumayo sa mata ang tatlong daliri kasabay ang pagkatanggal ng dilaw na iris na may orasan. Hindi na talaga makontrol ng dalaga ang sarili kaya ang nagawa niya nalang ay ang magpaubaya sa lakas. Tumingin naman siya sa salamin ng tukador para makita ang nangyari sa kanang mata. Nakita niya na parang contact lens lamang ito na tinanggal. Pagkatingin niya sa mata na pinagtanggalan nung dilaw na orasan ay nakita niyang kulay violet ito. 'Ibang kulay nanaman?' Takang tanong niya nalang.

Pumagitna naman ang maliit na orasan sa kanan at kaliwang kamay. Iginaya naman ng dalaga ito paikot. Nang umikot ito ay bigla na lamang itong lumaki. Ang kanang kamay naman ay umaktong hinihila ang hangin na naging dahilan ng pagka kalas ng orasan. Inabot naman ng kaliwang kamay ang maliit na hintuturo ng orasan na mukhang susi. Tumulak naman sa hangin ang kanang kamay kaya agad bumalik sa ayos ang orasan ang pinagkaiba nga lang ay wala na ang maliit na kamay nito. Inikot ng dalaga ang kanang kamay counter-clockwise at agad din namang lumiit ang orasan. Gamit ulit ang tatlong daliri ay Dahan-dahan itong ibinalik sa kanang mata. Inihagis naman niya sunod ang malaking itim na hintuturo ng orasan sa hangin at tumigil naman ito sa harapan pagkatapos ay tumapat naman ang kaliwang kamay sa may puso pagkatapos ay idiniretsyo paharap habang nakataas ang hinliliit at hintuturo. Itinungo ito pababa at inikot ulit counter-clockwise sabay iniharap sa taas. Itinapat ulit sa dibdib at ilang segundo pa ay may pumutok na liwanag. Kasabay ng pagputok ay ang pagkawala kaagad ng lahat na umaaligid na ilaw at naging normal ulit ang lahat. Inabot naman nito ang maliit na susi nakalutang at bumalik sa pagkaka-upo.

Awakened Casualty: The Prince Of HellTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang