She Played Her Part ♡ Chapter 6

Magsimula sa umpisa
                                    

Oh, god... Halos maisubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. She was asking me to court her and I can't believe it! She's not just young, she's too immature to enter a relationship and I am not also ready to babysit her all the time. She's annoying. She's hard-headed. She does what she wants. She's a brat!

"Ella, naman..." pinilit ko pa ring maging mahinahon sa pagsasalita."You're my little sister and—"

"I don't want to be you little sister!" she hissed. "I want to be your special girl, Ceddy!"

Anak naman ng aso't pusa ng kapit-bahay naming, o! She's only thirteen pero mga ganitong bagay na ang alam niya. Samantalang 'yong mga kaedaran niyang babae, naglalaro pa ng Barbie o bahay-bahayan at lutu-lutuan.

Kung mapagsamantalang lalaki lang siguro ako, I'll just grab her offer. But I am not like that! Yeah, she's special to me. Kaya nga nagtitiis ako sa mga ginagawa niya. She's also more like a sister to me, pero hindi ba pwedeng hanggang doon na lang muna? She's too young. Masyado pang maaga para pagbigyan ko ang mga gusto niya. Isa pa, makakapaghintay naman ako.

"Ella, listen to me," nagpapaunawang sabi ko sa kanya.

"Ayoko kung sasabihin mo lang naman na little sister lang ang tingin mo sa'kin," sabi niya at tinakpan pa talaga niya ang magkabilang tainga niya.

See? Hindi pa talaga siya puwede makipagrelasyon. She doesn't even know how to listen. She only cares about what she wants.

"Ella, makinig ka..." seryoso ko nang sabi sa kanya. "Last na 'tong mga sasabihin ko sa'yo at kapag hindi ka nakinig sa'kin... you'll never get the chance to be my girl."

Nakakaubos na ng pasensiya pero kung hindi ko siya dadaanin sa maayos na usapan, walang mangyayari. Ipagpapatuloy niya lang ang pagiging brat niya hanggang sa makuha niya ang gusto niya.

Tinanggal naman niya kaagad ang dalawa niyang kamay na nakatakip sa magkabilang tainga niya kahit parang labag sa kalooban niya na gawain iyon.

"Ella, bata ka pa—" Napahinto ako. Tinakpan na naman kasi niya ang mga tainga niya.

Pinagmasdan ko siya ng ilang sandali. Parang ayaw niya na talagang makinig sa sasabihin ko. Kaya tumalikod ako sa kanya at nag-umpisang maglakad palayo.

"H-hoy! Saan ka pupunta?" may pagkataranta niyang tanong.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Kung ayaw niya rin lang makinig sa mga sasabihin ko, hindi ko na siya pipilitin. Pababayaan ko na lang na lagi siyang ganyan. Sayang lang ang effort ko.

Hay... Bakit ba kasi nagpipilit pa akong intindihin niya ang mga sinasabi ko kahit alam ko namang hindi niya iintindihin at ayaw niya talagang intindihin?

"Cedric!" tawag niya pa sa akin.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Narinig ko ang mabilis niya paglakad, o siguro ay tumatakbo na siya. Malamang hinahabol niya na ako. Wala naman akong balak makipaghabulan sa kanya kaya hindi ko binilisan ang paglalakad ko.

"Cedric..." tawag niya ulit sa akin nang maabutan ako.

Hindi ko pa din siya pinansin. Kapag naman nagsalita ako, hindi niya rin naman pakikinggan. No use.

"Cedric, naman, eh..." nagmamaktol niyang sabi na may kasama pang paghikbi. "Makikinig na ako."

"H'wag na lang, Ella. Hindi mo rin naman iintindihin kahit makinig ka," parang wala lang na sabi ko.

Nakatingin lang ako sa daan at ayoko siyang tingnan dahil alam kong madadaan niya lang ako sa pag-iyak-iyak niya at ayokong mangyari iyon hangga't maari. Masyado na siyang nasasanay na pinagbibigyan palagi. Kaya lalong nagiging brat.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon