Si Miss Clumsy: Chapter 20 - Drama

4K 41 8
                                    

Rin’s POV

Day 46

Maaga na naman ako sa rooftop. Kahit paano, umaasa akong pumunta si Luke dito kahit man lang sana makapagsorry ako sa kanya.

 Nanghihinayang rin ako sa friendship namin eh. Sana inexplain ko sa kanya ng maayos hindi yung sinungitan ko siya kaagad.

Naiiyak pa ako nung sinabi niya kay Mrs. Cruz na gusto niyang lumipat.

Gusto ko talaga mag-sorry sa kanya nun kaso nung nakuha ko na pansin niya eh sakto naman akong nawalan ng salita. 

Wala naman akong gusto kay Luke pero gusto ko sana siyang maging kaibigan. Friends na nga kami, nawala pa.

Ang kulit niya kasi saka mabait. Nakakamiss din. Ang cold niya na kasi sa akin.

Sana pumunta siya dito nang maiexplain ko sarili ko ng mabuti.

30 minutes ako sa rooftop pero hindi siya dumating. Siguro nga… galit na galit siya sa akin.

Bahala na. Bumalik na ako sa classroom pero hindi pa siya nakaupo. Nakikipagkwentuhan siya kay Alice.

Napatingin sa akin si Alice at kumaway. Hindi tumingin si Luke. >_<

Bakit ba ang tampururot niya?! Feeling niya naman boyfriend ko siya ah. Hmp.

Waaa… Luke, forgive me na!!!

Saka lang siya tumabi ulit sa akin nang pumasok na ang teacher. Feeling ko tuloy eh ang lonely ko dito sa upuan ko.

Nagtaas na ako na kamay. Ngayon, sa akin na sila nakatingin. Pati si Luke nakakunot ang noo.

“Pwede niyo na po ba payagan si Luke lumipat ng upuan? Ayaw niya po kasi talaga dito eh.”

 

 

“Tsk. Gusto ko dito, ikaw ang may ayaw at kung gusto mong hindi ako makatabi edi ikaw ang lumipat.”

Andyan na naman yung feeling na gusto kong umiyak, sinubukan ko silang pigilan pero hindi ko na kaya eh. Masyado niya akong nasaktan.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon