Si Miss Clumsy: Chapter 12 - Movie Marathon

4.6K 48 16
  • Dedicated kay Wei Ann Jane Mercado
                                    

Enjoy reading! :D

Rin’s POV

 

Day 19-22.

Ang weird kasama ni Luke sa kotse. Feeling ko claustrophobic ako. Nakisakay siya kay Lester kahapon.

Kahit masaya akong kausap si Lester eh nafifeel ko pa rin yung tension na bumabalot sa pagitan naming tatlo.

Tsk. Ayoko ng alalahanin pa. Kikilabutan lang ako.

Araw-araw kaming kasami si Lester kapag lunch. Siya na rin naghahatid sa akin kapag hapon.

Pumayag naman sina Kuya kahit medyo nagalangan pa sila.

 

“Sure ka ba? Pano kapag may ginawa yun na masama sa’yo. Nakaspeed dial ba kami ng kuya Kyle mo?” Tanong ni Kuya Vincent.

“Kuya. Hindi ganun si Lester. At oo, naka speed-dial kayo. One at two. Don’t worry!” >_<

 

“Eh sino sa amin ang one sa speed dial mo?”

 

 

“Secret,” sagot ko sa kanila.

Nang dumating ang Friday, tinanong niya ako kung gusto ko daw ba magmall kami.

Syempre ang sagot ko eh “oo.”Hindi pwedeng mamiss ko ang chance na makasama pa sa siya.

 Day 23.

Tinuran ako ni Alice kung paano magdamit ng maayos, yung hindi baduy. Baduy pala ako dati? Hmp. Kahit na. Past na yun.

Everyday na kasama ko si Alice at Lester, nararamdaman kong tumataas ang confidence level ko at mas masaya na ako sa sarili ko.

I feel… content?

Maya-maya na lang ay sinabi ni Kuya Vincent na meron na daw si Lester pero i-take ko daw oras ko sa pag-aayos.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon