Si Miss Clumsy: Chapter 19 - Luke's Date

4.1K 50 17
                                    

Dedicated to her for being a part of my Wattpad Family ^_^

Luke's POV

Kahit nasasaktan ako na si Rin at Lester na, nangingibabaw pa rin ang saya sa dibdib ko. Nakausap ko siya ng limang oras sa phone.

Hindi ko naman inexpect na ganun katagal ang magiging pag-uusap namin. Nung una, medyo mahirap maghanap ng topic pero nung lumaon, medyo mas naging kumportable na kami sa isa't isa.

Buti na lang pala... naisipan kong pumunta sa rooftop ng araw na yun. :D

Day 39

Pumasok ako sa school na pumipito. Excited akong makita sa Rin kahit pa man kasama niya ang new boyfriend niyang si Lester. Hindi ko naman magawang magalit sa tao dahil mabait naman si lalake kahit papaano.

Siyempre inagahan ko para makapunta pa ako sa rooftop.

At gaya ng dati, nandun na naman siya at ngayon nakaupo siya at may binabasang novel.

TUmingin lang siya saglit at itinuloy ang pagbabasa. Bipolar ba ang babaeng ito?!

"Hi." Bati ko. Hindi siya pumansin.

Sinubukan kong guluhin siyang pagbabasa. Umupo ako sa harap niya at sinubukang basahin ng pabaliktad yung binabasa niya. Siyempre read aloud ako.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon