Si Miss Clumsy: Chapter 11 - Luke's New Car

4.6K 54 12
  • Dedicated to Mark Darius Eco
                                    

 Enjoy reading na lang po! :D

Luke’s POV.

Day 18.

Shit! Alam na ni Alicia na may gusto ako kay Rin! Ano na gagawin ko?

Magpapalipat na ako ng section!

Pero ayoko ng ganun…

Dun na nga lang sa room ko siya nalalapitan eh kahit wala kami ni anumang conservation. Kahit papaano, isang pulgada lang layo namin.

Susubukin ko na lang na pati tingin ko eh iiwas sa kanya.

Nakakabawas ng pagkalalake...

Pero kailangan eh.

May gusto siya…

At hindi ako.

Ano nga ba ako kung ikukumpara kay Lester di ba?

Oo. Inaamin ko. Mas gwapo yung epal na yun kaysa sa akin at base sa nakita ko sa court, magkasing galing siguro kami sa paglalaro ng basketball.

Last week, nung try-outs sa basketball.

Nabigla ako. Dun ko naconfirm na may feelings nga ako para kay Rin.

Hawak ni Lester ang bola at sinabing alay niya kay Rin ang larong yun.

Nasaktan ako. Gusto ko siyang bugbugin pero hindi pwede.

Tinignan ko si Rin, yung reaksyon niya. Namula siya sa hiya pero nakita kong masayang masaya siya.

Tapos kahapon, pumasok siya na may hawak na Lily. Kasingganda niya yung bulaklak.

Nasaktan ako dahil hindi ako ang gumagawa sa kanya ng ganun pero kahit naman siguro wala si Lester eh hindi ako makakakuha ng lakas ng loob para manligaw sa kanya.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Where stories live. Discover now