Chapter 47 (Threats)

113 8 2
                                    

Rustlene POV

After the birthday of Jeric, we bacame closer than the usual. Yes, close na close na kami pero-- mas close pa ngayon. Yung tipong di na talaga mapag-hiwalay.

And after that also, he didn't stop thanking me for the surprise and gifts. Mga 2 days din sigurong ganun. Kung hindi ko sinabing di ko na siya papansin kapag nag-thank you pa siya hindi siguro titigil yun.

Syempre joke lang yung di ko siya papansinin. Natutuwa nga ako kasi na-appreciate niya, lagi naman siyang welcome sa'kin eh.

Akala ko.. Nung birthday ni Jeric, magkaka ayos na si Gwen, Deo, Kyla at Roby pero hindi pa rin pala.

Hindi ko naman masisisi sina Deo at Roby dahil masama lang naman yung loob nila. Well, hindi naman gumagawa ng move yung girls eh. Kahit ngayon lang sana.

And on the other side, Lance is acting strange. I don't know why. No one knows.

May time na bigla nalang siya aalis habang nag-uusap usap kami. May time na bigla nalang siya magsu-sungit. You know the usual Lance, right? Yung makulit, maloko. Di ba? Pero parang iba ngayon. Walang may alam, maski si Christalie hindi niya alam.

Going back to the present time, we are busy watching some movie today. It's holiday kaya walang pasok.

Pero habang nanunuod, nagkwe-kwentuhan pa rin kami kaya all in all, wala kaming naiintindihan sa palabas.

"Akala ko magiging okay na lahat nung birthday ni Jeric, cooperation nun kasi eh. Pero pagtapos pala.. Back to normal." - nakasimangot na sambit ni Kyla.

"Hindi ganun ka-dali yun, gaga. Syempre manliligaw niyo sila. Masakit sa side nila na iba ang kasama niyo. Siguro they needed space pero ang totoo gusto lang nila maramdaman na kung pwede sila naman ang lapitan niyo. O gusto nila maramdaman yung halaga nila sainyo." - Julia said.

"Mahalaga naman sila samin ah. Papayag ba kami manligaw sila kung di namin sila gusto?" - Gwen said on the other hand while eating some chips.

"Pero ang tanong, ipinaparamdam niyo ba?" - I said.

Yun ang point dito. Mahalaga nga sila Deo sakanila pero, ipinaparamdam ba nila? Nararamdaman ba nila?

"We don't know kung nararamdaman nila."

"Hindi siguro sapat yung ipinaparamdam namin."

"Oo, walang siguro. Hindi talaga sapat." - saad ni Danlex.

"Dahil kung sapat yan, hindi sila magkaka-ganun. Hindi sila makaka-ramdam ng selos. Kaya nga selos eh, kasi kulang." - sambit naman ni Mich.

"Kaya nga selos, dahil may kahati." - sambit naman ni Christalie.

"Wala naman silang kahati sa puso namin ah?"

"Oo nga, sila lang naman."

"Pero sa oras, meron hindi ba?" - sabay sabay na sambit namin.

Napayuko sila parehas, "Oo siguro nga may nakahati sila at yun ay sina Blue at Gray." - pag amin pa ni Kyla.

"Pero hindi naman namin sinasadya." - sambit ni Gwen.

"Edi ipakita niyo na hindi niyo talaga sinasadya." - tapik sakanila ni Julia.

"Everything will be okay, you just have to show them that you're sorry." - saad ko at inakbayan ko si Gwen at hinila si Kyla sa tabi ko para akbayan din.

"And when you say sorry, hindi na dapat uulitin." - sermon ni Mich at yumakap kay Gwen na akbay ko pa rin.

"Yes, right!" - sabay sabay na sambit ni Julia, Danlex at Christalie.

"Sali naman kami. Pa-hug din!" - sabat ni Julia at agad na nakiyakap samin.

Kaya naman sumunod na rin sina Danlex at Christalie.

"Kaya niyo yan!" - pagpapalakas pa namin ng loob nila.
--

After ng kwentuhan namin, we just continued to watch the movie.

When suddenly we heard the doorbell rang.

We expect visitors today, we invited the bulletproof boys here. Movie marathon, what do you expect?

Siyempre hindi tatanggi yang mga yan.

Danlex and Michaella insisted to open the gate for them.

While waiting for them ay kumuha na muna kami ni Julia ng pagkain sa kitchen.

"Alam ko maaayos pa nila yan, Deo at Roby pa. Mahal nila yung girls. Tiwala ako dun." - sambit ni Julia habang naglalagay ng chips sa bowl.

"Oo nga, lalo na si Deo. Mahirap napagdaanan nun nung nag-away tayo kaya hindi basta basta susuko yun." - pag sang-ayon ko naman.

"Kaya nga pero--"

Naputol ang sasabihin ni Julia ng, "Ahhhhhh!" - nang makarinig kami ng pagsigaw.

We stop what we are doing and immediately stormed out to kitchen.

Tingin ko sina Danlex at Michaella yun. Kaya agad kami tumakbo palabas ng bahay.

Nagulat kami ng walang bulletproof boys kaming nakita but instead,

"What happened?" - Julia asked them pagkalabas namin.

May hawak silang malaking black box at, "We saw this here, a box of black roses. But on top of it, there's a dead cat." - sambit ni Mich at turo pa sa pusang nasa sahig.

"Lemme see." - and Danlex handed me the box. I opened it and saw torny roses.

Nakita kong may letter sa ilalim, I tried dropping of the flowers para makuha ang letter pero talagang nakasiksik ang bulaklak sa dami kaya hindi makuha ang letter dahil hindi sila maalis. So, ipinasok ko na ang kamay ko para makuha yung letter.

Nang makuha ko na ay, "Rustlene naman. Bat kinuha mo pa? Dumudugo na yang kamay mo." - I told you the flowers are torny.

"We need to see this." - I said and read the letter.

"I'll make your life miserable. I won't let you be happy. Igagaya ko kayo sa pusang yan. You'll be a dead cat soon. Bloody hands? That will be my hands soon.

Hindi ko kayo hahayaang maging masaya. Mawawala kayo, hintayin niyo lang.

--- Angel of Death"

Sa nabasa ko, hindi ko maiwasang mapa-igting ang panga ko. Hindi ko rin maiwasang uminit ang ulo. Who the hell did this?!

"Sino si Angel of Death? I'll make sure, she'll pay 'bout this." - galit na galit na sambit ni Julia.

"Ang alam ko wala pa tayong nakaka-away." - saad naman ni Kyla.

Sa sobrang galit ay hindi ko na maramdaman ang sakit sa mga kamay ko.

We immediately locked the gate.

Wala akong idea kung sino ang may gawa nito. Kung sino man siya, hindi ko alam kung ano ang nagawa namin sakanya.

"Kailangan natin mag-ingat."

Yes, we need to be safe from that Angel of Death. But we need to find out who you are.

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon