Chapter 46 (Who is who?)

123 10 4
                                    

Christalie POV

Wow, it's quite suprising! Marky is officially courting Danlex? Kinikilig ako.

Well, matagal ko naman ng napapansin sa'kanila yun. Nag-aantayan lang siguro sila sa pag-amin.

Well, kung sila okay at nakakakilig. On the other side.. Roby, Kyla, Gwen and Deo.. They're still not. How I miss their interactions.

Nakaka-miss makita ang live love stories ng bawat isa.

Well, kung ikukumpara mo sila sa wattpad..

Ang #MarLex ay nandun sa chapter kung saan okay ang lahat. Masaya lang. Well, they're just starting to write their love story.

And siyempre-- ang #KyBy at #DWen ay nasa chapter kung na'san nandun sila sa pagsubok. Lahat naman pinagdadaanan yun hindi ba?

But what's more interesting is.. Mao-overcome kaya nila yung problem?

Magiging happy na kaya sila sa next chapters?

Well, sana nga.

Kami kayang apat na babae? Kailan?

But I'm not rushing things actually. When the time comes.. So be it.

Perfect timing is the best of all bests.

But, guess what? Nung nag-simula ng manligaw si Marky kay Danlex.. They became closer.

I know it's normal but what isn't normal is.. Madalas silang mag-usap ng sila lang. Or worse, parang nag seseniyasan or something.

Parang may tinatago? I'm not doubting. I am just stating what I think is happening.

Dati naman kasi hindi ganoon eh.

Dati naman lahat ng pag-uusapan sinasabi nila kahit magkakasama kami.

Ngayon, minsan lumalayo sila para mag-usap.

Pero.. Syempre, baka kailangan ng privacy.

Mararami nga talaga ang nagbabago, once na nagbago na ang label or status.

Let's just not talk about it.

And about Gwen and Kyla.. They often join Blue and Gray.

Bakit hindi nila i-try kausapin yung dalawa? Malamang ay nagselos lang ang mga yun dahil sa malamang, mahal sila eh.

Pero sa ginagawa nila, parang mas lalo lang nila pinapalala.

Everyone has a mistake kaya hindi dapat nagsisisihan.

Dapat i-approach na nila ang isa't isa. Alam kong miss na miss na nila ang isa't isa. At sa side naman ni Deo at Roby, alam kong mahirap.

Mahirap kasi wala pa naman silang karapatan para magselos. But at the same time, mahirap kasi hindi sila ang kasama kahit sila ang nanliligaw. And worse, yung kasamang iba.. Lalaki pa.

But I trust them. If they really love each other.. I know they'll find a way.

And about me? I and Lance are still close. Even I and Green, we're getting closer. Why?

Because I am comfortable with him. I see Lance at him.

Yung makulit.

But syempre, I never forget Lance. Siya ang nauna. They are both my friends.

Pansin ko nga lang these past few days nagiging bugnutin si Lance kapag kasama ko si Green.

Pero bakit?
--

It's already break time, nandito kami ngayon sa sinasabing spot nung bulletproof boys. Hindi ko alam kung anong naisip nila at mag-picnic raw kami dito.

Sayang nga lang at wala si Gwen at Kyla dahil kasabay nila ang color boys. Kaya sa malamang ay, sina Deo at Roby.. Naka-busangot nanaman.

Sayang di kami kumpleto.

Mas lalo pang humahaba ang nguso nina Deo at Roby habang naka-titig sa sweet na sweet na sina Marky at Danlex na nagsusubuan ng pagkain.

Nagmimistulang bitter tuloy sila.

I just laughed for the thought.

"Ikaw, Marky ha. Hindi ka nag-paalam sa'min na manliligaw ka na pala." - nagtatampong sambit ni Julia.

"Sorry Juls, biglaan lang kasi." - saad ni Marky with an apologizing tone.

"Biglaan ang alin? Biglang mahal mo nalang ganun?" - taas kilay na sambit ni Rustlene na may halong pagtataka.

"Uy hindi ganun!" - sambit niya.

"Eh ano?" - sabay sabay na sambit naming mga babae.

"Matagal ko na siyang gusto, minamahal ko na nga eh. Kaso biglaan lang na dumating yung time na na-realize ko na malaki ang mawawala sa'kin kapag hinayaan ko lang si Danlex, baka mawala pa siya sa'kin. Di ko kakayanin." - sambit ni Marky at agad na tumingin kay Danlex habang itinataas-baba ang kilay.

And I saw Danlex blushed.

"Aysh! Pare. Hindi bagay! Kadiri!" - nandidiring sambit ni Carlo.

Hindi nga bagay. O hindi lang kami sanay na sweet si Marky?

Aysh.

Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Carlo.

"Ulol." - sambit ni Marky and raised his mid fing.

"Danlex oh!" - pagsusumbong ni Carlo kay Danlex.

Sinamaan naman ng tingin ni Danlex si Marky.

Sus, bad girl ka rin naman Danlex eh.

"Hi, Christalie." - agad na napunta ang atensiyon namin sa nagsalita.

Yung color boys with Gwen and Kyla, dadaan.

And yung nagsalita? Si Green.

Bigla namang nagwalk-out sina Deo at Roby ng makita sina Kyla at Gwen na kadikit sina Gray at Blue. Tsk, tsk, tsk.

"Ugh, Hi Green." - I said then smiled.

Nagulat naman ako sa biglang pagtayo ni Lance, "Mauna na ako." - sambit niya at nagsimula ng maglakad.

What's with him?
--

Someone's POV

Nagsisimula ng masira ang lahat. Hindi ko hahayaang maging masaya ni-isa sainyo.

Deo at Roby, sige masaktan lang kayo habang nakikita ang mga mahal niyo na kasama ang iba.

Kayo Marky at Danlex, hindi ko hahayaang maging masaya kayo.

At kayo na mga natitira pa, hindi ko hahayaang tumawa kayo ng tumawa.

Darating din ang araw na makakabawi ako sa lahat ng pagpapahiya at pananakit na ginawa ninyo.

Babawi ako, babalik ako.

Ako ang sisira ng mga love story ninyo, ang happy ending niyo ay ang magiging worse ending.

Siguro, tumatawa kayo ngayon pero sisiguraduhin ko na darating ang araw at magmamaka-awa kayo sa'kin gaya ng pagmamaka-awa ko noon para mapagbigyan ang kagustuhan ko.

Sisiguraduhin kong..

Nasa akin ang huling halakhak.
--

[a/n]: Hi readers! Any guess who's that someone? Comment below.

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon