Chapter 42 (Arrival of Rivals)

158 7 5
                                    

Michaella POV

Maraming nagbago simula ng ligawan ni Deo si Gwen at ni Roby si Kyla. Mas naging sweet. Mas maalaga ang boys. It's nice seeing them like that towards my baby sisters. Halos hindi na nga maghiwalay ang apat eh.

I can see that they really like nor love the girls. Ang laki ng tiwala ko sakanila at sana hindi nila sirain yun.

"Kadiri! Ew! Yak!" - reklamo ni Danlex dito sa tabi ko.

Malamang ay nang-aasar nanaman siya.

Nandito kami ngayon sa canteen, hindi kasi kami naka pag breakfast at kaya dito na kami kumakain.

At yung sinasabi ni Danlex?

Sinubuan kasi ni Deo si Gwen ng rice. Ayun, nasa harap nila si Danlex kaya nang aalaska nanaman.

Madalas ganyan yang mga yan kapag may sweet moments yung apat.

Hindi lang siguro sila sanay na may ganun na, maski naman ako pero malapit na ako masanay.

"Tsigilan mo kami Danleksh! Kung gushto mo magpashubo ka din kay Marky!" - singhal sakanya ni Gwen habang may laman ang bunganga.

"Shhh. Lunukin mo muna yan, baka masamid ka." - sambit ni Deo kay Gwen at nginitian pa nito sabay pinunasan ang gilid ng labi dahil may dumi ito.

Haaay. How can Gwen be like that in front of her suitor? She really is different.

"Inggit ka ba Danlex? Eto oh, say ah." - sambit ni Marky at akmang susubuan si Danlex.

"Tigilan mo ako Marky ha! Lamunin mo yan." - singhal sakanya ni Danlex.

Nagtawanan naman ang lahat sa kabilang banda.
--

After we eat, we immediately made our way to our classroom. Male-late kami kung di pa kami magmamadali. It's almost time.

While busy walking, nakuha naman ng atensiyon namin ang sigawan at bulungan ng schoolmates namin.

"Hala ang popogi!"

"Kuya akin ka nalang!"

"Kuya anakan mo ko!"

Sino naman kaya ang mga tinitilian nila? Are they even serious bout what they're screaming?

"Those people." - Julia said beside me and sighed.

Instead of wasting our time there, naglakad nalang kami pabalik sa room. Wala naman kaming pake eh.
--

"Science is a systematic and--" -  napatigil sa pagtuturo si Ms. Eli nang may naghanap sakanya sa labas.

Agad siyang pumunta sa may pintuan at kinausap ang tao dun.

Maya maya pa ay bumalik na siya sa harapan, "Okay class, you will be having your new classmates."

Huh? Classmates?

"Anong grading na ah? Pwede pa ba yun?" - bulong ni Christalie sa tabi ko.

I just shrugged for answer, I don't know.

Nagsimula na rin magbulungan ang mga classmates namin.

"Okay, come in." - pagpapapasok ni Ms. Eli sakanila.

Isa isa silang nag sipasukan.

Naka plain t-shirts nga lang sila eh. May color coding ba tong mga to? Andami nila in all fairness.

Seven din sila. Specifically, seven boys. Mga pogi rin.

Nagsimula na magsi tilian ang mga babae dito, ano pa nga bang bago?

"Shhhh, keep quiet class." - pagpapatahimik ni Ms. Eli sa iba pa.

At nang tumahimik na ang lahat ay, "You may now introduce yourself." - sambit ni Ms.

Naunang mag pakilala yung naka red, he's kinda short pagdating sa height but I found him cute when he smiles, nakakahawa siya ngumiti.

"Hi, I'm Red Villaruz." - sambit niya at ngumiti pa. [a/n: Got7 Youngjae as Red]

"Hello classmates! Sana maging friends tayo! I'm Green Villaruz ang pogi niyong new classmate." - sambit nung isa na may pagka mapayat and halata na siya ang pinaka maloko at makulit sa grupo, parang si Lance lang. [a/n: Got7 Bambam as Green]

"Yo, this is Indigo Villaruz." - kindat naman nung nagsalita, malaki ang kanyang mga braso or.. sabihin na nating maganda ang katawan. [a/n: Got7 Jackson as Indigo]

"Gray Villaruz. I'm the eldest." - sambit nung nagpakilala. Medyo cold ang dating niya. He is a boy version of Julia. And wait what? He is the eldest? Hindi halata. [a/n : Got7 Mark as Gray]

"Hey there guys, it's White Villaruz." - pagpapakilala na din nung isa. May pagka makapal ang kilay at bagsak na buhok. He's also cute. [a/n: Got7 Junior as White]

"What's up? Let's all be friends. I'm Black Villaruz." - sambit nung nagpakilala at ngumiti. At sa pagngiti niyang yun ay ang pagkawala ng mata niya. Chinito! [a/n: Got7 Jaebum as Black]

"I'm the last but I'm not the least, hello. It's Blue Villaruz. I'm the youngest." - sambit ng may matangos na ilong kagaya ni Deo at hindi halatang siya ang bunso dahil napaka tangkad niya. [a/n: Got7 Yugyeom as Blue]

Maya maya pa ay nagtabi tabi sila sa harap. At biglang nag wacky. Pfft, ang cute. [a/n: Please see the picture on the media]

"Are you related to one another? You have all the same surname." - tanong ni Ms. Eli sakanila.

"Yes Ms., we are cousins. And about our names.. triplets po ang mga mommy namin pati na rin ang mga daddy namin. And they based it with the colors kaya ganun ang binigay nila sa'ming pangalan. My brother is White. Magkapatid naman po si Green at Gray. At sina Blue, Red at Indigo naman ang magkakapatid." - pagpapaliwanag ni Black.

Hindi ko maiwasang humanga sa paliwanag ni Black, ang cool lang. Pati na rin ng names nila. Ang galing galing.

Ang galing isipin na triplets ang moms nila pati na rin ang dads nila, wow! I wonder if.. hindi kaya sila nalilito sa mukha ng mga magulang nila?

Grabe, pati na rin ang iba ay hindi maiwasan mapa-nganga. Ang cool grabe.

Siguro nung nagkakila-kilala ang parents nila nagka roon sila ng interes to one another kasi mga triplets sila.

How cuteee it is.

Ngayon ko lang napansin na yung suot nilang tshirt, yung kulay nun ay ang mga pangalan nila.

At least dba, hindi na kami mahihirapan alalahanin ang mga pangalan nila.

Naalala ko na baka sila ang pinagtitilian ng girls kanina sa labas.

Kahit naman ngayon, kinikilig ang mga babae dito sakanila.

Well, they have the looks and appeal. Yung tipong ngingiti lang sila, tumba ka na. Yung tititigan ka lang nila, matutunaw ka na.

K, OA.

Kanina pa rin nagbubulungan ang girls sa tabi ko, na kesyo ang pogi raw ganito ganyan.

Well, para sa'kin mas pogi pa rin sina Kristoff.

"Okay you may now occupy the seats over there at the back." - sambit ni Ms. Eli sakanila.

Kaya pala may nakita rin akong mga upuan sa likod ng pwesto ng boys kanina.

Habang naglalakad sila patungo sa upuan nila ay napatigil sila sa tapat ng row namin at agad kaming nginitian na pito..
--

[a/n]: Tadaaa! Sorry kung super late ㅠㅠ kakauwi ko lang kagabi galing sa camp. Mianhe for making you wait. Huhu. Ayaaaan na! Pumasok na ang Got7! Kyaaah!


If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon