Chapter 20 (Julia and Carlo's Project)

168 9 0
                                    

Carlo POV

Natapos yung araw namin kahapon ng maayos naman. Nag enjoy naman kami manuod ng movie kasama yung girls. Humabol din naman si Roby at Kyla. Natapos ata nila ng maaga yung project.

Mas naging komportable na kaming kasama yung girls. At alam kong ganun din sila samin. Pero isa lang ang pinangangamba ko. Ano kayang mararamdaman nila kapag nalaman nila ang plano?

Bat ba ako nakakaramdam ng guilt? Ginusto ko to dba? Pero kasi..

Naputol ang pag iisip ko nang, "Uy Carlo! Tara na, pasok na tayo." - sambit ni Roby. Bat ang ganda ng mood nito? Ang laki ng ngiti eh.

"Huy bilisan ninyo nga!" - sigaw ni Lance na nasa may pintuan na at gamit niya ang famous alien smile niya.

Bat parang ginaganahan silang pumasok ngayon? Ang aga pa nila nagising. Aish.

Pagkarating namin sa sasakyan, nawe-weirduhan ako sa ngiti ni Kristoff madalas naman tong naka poker face tapos ngayon wagas maka ngiti. Labas gilagid.

"Anong meron?" - tanong ko.

"Anong sinasabi mo?" - nakangiting tanong ni Deo.

"Bat nakangiti kayong lahat? At ang aga niyo pa."

"Masama na ba ngumiti ngayon at masama na rin bang maging maaga? Try din naman natin." - sambit naman ni Jeric.

"Ang weird niyo."

Sabay sabay nalang silang napakibit balikat.
--

Pagkarating namin sa Academy at pagpasok sa room ay dumiretso sila sa upuan ng girls. Nandito na rin sila. Ang aga din nila. 6:30 pa lang.

Agad naman nilang binati ang girls.

Ah, alam ko na kung bakit sila nakangiti. Pero bakit? Tss, tinamaan na kaya sila? Ay di pwede no!

Sumunod nalang ako at binati ko na rin ang girls, "Goodmorning girls. Aga niyo ah, Hi Julia!" - nakangiting sambit ko.

"Morning, ewan ko sa mga to. Ang aga nagising at pansinin mo mga nakangiti." - sambit ni Julia.

"Ganyan din yung mga ugok kanina. Hindi maalis yung mga ngiti, ano sa tingin mo meron?" - tanong ko sakanya.

"Hmm.." - tila ba nagiisip siya.

Nanlaki ang mata niya at napangiti nalang ako dahil alam ko ang iniisip niya kaya napakibit balikat nalang ako.

"Ang aga aga pa, walang magawa. Tara labas tayo, ano gusto mong gawin?" - aya ko kay Julia.

"Ay alam ko na, gawin nalang natin yung project. Tutal matagal pa bago ang time. Lagi naman late yung 1st subject natin, si Ma'am Eli." - sambit niya.

Sabagay, pero alam niyo ba nakakatuwa.. pinapansin niya na ako at nagiging madaldal na rin siya sakin. Dati rati halos mag sign language nalang siya. Pero sinusungitan pa rin ako neto madalas.

"Oo, sige. Medyo tahimik pa rin naman dahil wala pa gaanong tao." - pag sang ayon ko.

"Pero san natin gagawin?" - tanong niya,

"Ah alam ko na, kunin mo na yung mga gagamitin."

Pagkatapos niyang kunin ay agad kaming nagpaalam dun sa girls at boys.
--

Dinala ko siya dun sa tambayan namin ng bulletproof boys, naalala niyo? Yung part sa Academy na kami lang pwede tumambay, tahimik kasi dito.

Wala ngang naga-attempt na pumunta dito eh, kasi may nakalagay na "The Bulletproof Boys' Property" at may PS pa na "Kung sino ang pumunta dito, flying kick at free flight to mars ang premyo."

Agad naman akong napatingin kay Julia na nakangisi na ngayon, "Taray ah. Ayoko na dito baka magka flight to mars ako." - akmang aalis na siya nang hilain ko siya.

"Except kayong girls siyempre." - sambit ko at tumawa siya.

Wow.. tumawa siya..

"Mabuti naman, baka kayo ang magka flight to mars samin," tumawa nanaman siya. "Tara na start na tayo. Baka magtime na." - aya niya sakin.

"Sige tara." - pag sangayon ko. "Ikaw muna ah, wala pa akong naiisip eh." - dagdag ko pa. Wala pa kasi talaga eh. Di ako nakapag ready.

"Sige, ikaw talaga. Friendship..." - panimula niya.

"Friendship para sakin, yung totoo sakin. Kahit hindi maganda, kahit hindi mayaman. Kahit simple lang basta totoo sakin. Pero bonus na rin naman sakin kasi magaganda kaibigan ko at super bonus pa dahil totoo sila sakin. Totoo sila kasi totoo sila, hindi dahil alam nilang magagalit ako kapag may ginawa silang hindi ko magugustuhan pero totoo sila dahil mahal nila ako. Iniisip nila yung nararamdaman at kapakanan ko at dahil mahal nila ako. Sapat na para sakin yung ganun. Kahit na nag aaway kami at may hindi pagkakaintindihan minsan, okay lang kasi may tiwala ako na maaayos yun. Yun ang friendship sakin its all about being true to each other and also having trust." - mahabang sagot niya.

Wow.. that answer hit me like.. wow..

Damn this guilt. Gusto ko maging totoo sakanya at pati na rin makuha ang tiwala niya pero paano kung sa simula palang niloloko ko na siya? Putangina.

Bumalik ako sa wisyo ng pitikin niya ang ilong ko, "Aray ko naman, pero ang galing ng sagot mo babe."

Pang aasar ko sakanya, dahil I used to call her with endearments and natutuwa akong makita siyang naaasar. Kagaya ngayon, nakakunot ang noo niya at pinapatay na ako sa sama ng tingin. Cute.

"Tigilan mo nga ako, ikaw nakaisip ka na ng sagot mo?" - tanong niya sakin and she even let her tongue out.

Aish, Julia Lopez youre different..
--

Julia POV

"Tigilan mo nga ako, ikaw nakaisip ka na ng sagot mo?" - tanong ko sakanya and let my tongue out.

Eh pano ba naman kasi pinagtri-tripan nanaman ako. Ang hilig niya sa endearment. Pero okay lang naman sakin, pero kapag iba ang gumawa nun magkaka black eye na. Tss, bat ba okay lang sakin? Eh as far as I know, kasama lang yan sa plano nila. Kasama nga lang ba? Kaya nga hindi ko ipinapakita na okay lang sakin yung endearments dahil baka isipin niya nahulog na ako sa patibong nila and I would not let that happen. Not ever.

"Heto na, sasagot na. Hmm, friendship for me is having those dorks yet true friends. If you know what I mean, yung pagkakaroon ng mga taong hindi ganun katino pero alam mong hindi ka iiwan. Ganun lang, and for me sina Deo yun. Sapat na sapat na sila sakin. Parang nadagdagan nga ng pito eh, syempre kayo yun." - ngiti niya, a genuine smile. Napaka totoo.

Pero iniisip ko, kami? True friends na para sakanya? Ang hirap maniwala kapag nangangamba ka. You boys, are really mysterious..

"Naks naman! Kiligin na ba dapat ako dun?" - biro ko.

Kumindat siya, "ikaw kung gusto mo sweetie pie." - ani niya.

Wth? Sweetie pie?!, "Kadiri ka Carlo!" - singhal ko sakanya.

"Joke lang, kaw naman cupcake." - ani niya pa ulit.

"Isa pa, free flight to mars ka na." - ang corny corny niya!

Tinaas naman niya ang mga kamay niya na parang sumusuko, "Biro lang, sige na isulat mo na. Baka makalimutan mo pa. Tyaka mag ta-time din." - sabay tingin niya sa relo niya.

Agad naman akong nagsulat at di maiwasang mapangiti dahil kahit papano nakakatuwa siya..

Pero naguguluhan ako, ano ba to?
--

[a/n] : Hi readers? How r u? Kindly visit my account and check my works and if u want kindly read my other works. Thank you, that'll be much appreciated.

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon