Chapter 19 (Kyla and Roby's Project)

144 8 0
                                    

Kyla POV

It's Tuesday today, half day lang daw kami ngayon. Dahil daw may meeting NANAMAN ang teachers. Takte, ano bang meron? Siguro naman may balak silang sabihin sa'min ano?

Tutal half day naman, ayain ko nalang si Roby na gawin yung project. Wala naman akong sinabing specific day eh, so all in all.. anytime pwede namin gawin.

Speaking of project, last Saturday. Gumawa sina Jeric at Rustlene ng project, right? Late na sila nakauwi nun, late na rin tuloy nakauwi yung boys. Tapos mas naging close pa sila at everytime we tease them, nagbl-blush sila. Bigla tuloy ako napaisip, ano kaya nangyare?

Hala! Hindi kaya....


Friends na sila?! Oy, green minded sila. Kayo naman.

Anyways, malapit na maguwian kaya naman tatanungin ko na si Roby.

Lumingon ako sa likod at binato ng papel si Roby, and boom! Sakto sa ulo.

"Bakit?" - nagtatakang tanong niya.

"May gagawin ka ba mamaya? Walang pasok di ba?" - tanong ko.

"Ah wala naman, bakit? Date tayo?" - nakangising sambit niya at with matching taas baba ng kilay pa.
Aba, gago.

"Ulol, suntukan nalang oh? Para nagtatanong lang, kasi gagawin na natin yung project."

"Heto nanaman po kami sa suntukan, para nagtatanong lang ho. Malay ko ba kung gusto mo ko maka-date."

Binato ko nanaman siya ng crumpled paper, "Aray! Nagbibiro lang, wala naman akong gagawin."

"Ms. Chan and Mr. Lopez, are you listening?" - ani Sir Soriano.

O-oh. May teacher nga pala kami.

"Ay, wala po! Sorry sir!" - sabay naming sambit ni Roby.

Agad naman siyang bumalik sa pagtuturo.

Lumingon ako saglit at, "ikaw kasi." - sisi namin sa isa't isa.

Kaya natawa nalang kami dahil nagkasabay kami at agad namang binalik ang atensiyon kay Sir Soriano at baka mapalabas na kami.
--

Uwian na, nang makalabas kami ay agad na nag-aya sina Marky.

"Girls, may gagawin ba kayo?"

"Wala." - sabay sabay nilang sambit maliban sakin.

"Movie marathon tayo, tara!!!" - excited na sambit ni Lance.

Anlakas nang pagkakasabi niya nun kaya naman agad namin siyang sinamaan ng tingin.

"Ay, sorry na." - ngiti niya samin nang pagkalaki laki na mistulang naging square ang bibig niya at nagpeace sign pa.

Wow, alien?

"Let's watch sa house. I've downloaded the train to busan movie, you wanna watch it? Di ko pa rin napapanuod kasi natatakot ako, I have no one to be with kasi." - aya ni Christalie.

"Sure!" - saad nila ng sabay sabay.

"Oh, bakit di ba kayo sasama Roby at Kyla?" - tanong ni Jeric nang mapansin na hindi kami umiimik ni Roby.

"Gagawa kami ng project eh, tamang tama wala kayo sa bahay ngayon." - saad ni Roby.

"Sayang naman, pero sige para matapos niyo na. Umuwi muna tayo sa bahay para magbihis. Kayo rin girls. Tapos sabay ka samin papunta sa bahay nila, Roby. Sunduin mo si Kyla para sabay na kayo." - suggest ni Kristoff.

Nag thumbs up naman kami parehas ni Roby bilang pagsang-ayon.
--

Nakauwi na kami sa bahay, at nakapagbihis na rin ako. Naka pang bahay lang ako, tutal dun naman kami ni Roby sa bahay nilang pito eh.

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon