Chapter 7 (Revenge)

229 12 1
                                    

Third person's POV

Pagkatapos mapahiya ni Karen dahil sa ginawang pagtatanggol ng the bulletproof boys dun sa mga babae ay nagplano agad siya ng pagganti.

Hindi pwedeng wala akong gawin. First time na nagtanggol yung boys sa lahat ng inaway ko. Anong meron? Napahiya ako, at ang akin ay akin lang. At sisiguraduhin kong mapapa saakin ang gusto ko. Babawi ako. Saad ni Karen sa sarili.

Kinabukasan pagkatapos ng insidenteng yun ay agad niyang sinimulan ang plano.

Kinausap niya ang iba pang QueenB's para dito.

Sumang-ayon ang iba dahil kagaya ni Karen ay napahiya rin sila.
-

Danlex POV

Pagpasok namin sa Academy ay agad kaming dumiretso sa room.

Pagdating naman dun ay nag review kami dahil sabi sa isang subject namin ay may quiz ngayon at first subject namin siya.

"Ayoko nga mag review, katamad bes." - saad ni Gwen.

"Edi huwag. Basta wag kang mangongopya sa'kin." - saad ni Michaella.

Tumingin sakin si Gwen na para bang nagsasabing ako na ang bahala sakanya mamaya.

"Review on your own, hindi kita pakokopyahin." - ani ko naman.

"Bleh! Buti nga sayo." - nang-asar pa to si Mich. Napaggitnaan namin kasi si Gwen.

"Oo na nga, mag rereview na! Porke matalino ka lang Mich! Basta pag naperfect ko to, ililibre ninyo ako." - asar na naglabas ng libro si Gwen.

"Eh kami papakopyahin ninyo?" - ay aba, dumating na rin pala tong mga epal na to. Epal talaga. Tss.

"Hindi!" - sabay sabay na ani namin.

"Uso din kasi mag review." - ani naman ni Rustlene.

"Nasa likod naman kita, papakopyahin mo ko dba?" - saad ni Jeric.

"Asa ka. Shut up na nga. Magrereview kami. Kapag wala kaming nakuha malalagot kayo sakin. Di kami gaya ninyo." - sagot pabalik ni Rustlene.

"Pataasan nalang tayo." - pang aasar pa samin ng mga mokong.

"Tahimik na. Di tayo friends wag niyo kami kausapin." - pambabasag pa ni Kyla.

"Hindi pa ba?" - tanong ni Roby.

"Shut up." - seryosong saad ni Julia kaya naman natahimik na kami.

Maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin.

"Nagreview ba kayo? Sinabi ko namang may quiz dba? Sige, bring out one fourth sheet of paper." - bungad nito sa'min.

At dahil si Mich lang ang may one fourth sa'min ay..

"Mich, penge wamport."

"Mek, wamport."

"Oy wamport nga."

"Teka! Hindi ako ang taga supply ninyo ng one fourth kaya pwede ba, pero sige dahil mabait ako eto na." - binigyan niya kaming anim bago pa man mag simula ang quiz.

Rinig kong pati yung mga mokong sa likuran ay humihingi ng one fourth sa nagiisang merong one fourth na si Marky.

Grabe, supplier sila ni Mich ng wamport! Mwehe.

Nasa kalagitnaan kami ng pag qu-quiz ng biglang may nagbato sa'ming pito ng mga na crumple na paper. Hindi ko alam pero ang galing dahil sakto sa mga harapan namin bumagsak.

Para bang napag practice-an.

Pinulot namin ang mga yun at binuksan para malaman ang laman. Agad naman atang napansin nung teacher namin yung mga pagbato kita. Pumunta siya sa'min.

Hala, mga answer to sa quiz ngayon tinignan ko ang kila Gwen at ganun din ang nakalagay sakanila. Bakit to?

Nagkatinginan kami. Bago pa man namin maitago ay..

"Girls, ano to?! Bat kayo nangongodigo?" - galit na tanong ng teacher namin.

"Ma'am hindi po saamin-" - pagpapaliwanag sana ni Mich.

"How can you explain this matter? Eh malinaw naman na nandadaya kayo dahil lahat kayo mayroon nito." - pagtukoy niya sa mga papel.

"Go to my office, now!" - bulyaw niya pa sa'min.

Agad naman kaming tumayo at lumabas para sundin siya.

"Pano na yan? Papagalitan tayo nun." - reklamo ni Gwen.

"We don't have to worry kasi wala naman tayong ginawang masama." - ani ni Julia.

On our way to the office nang makasalubong namin sila.

"Oh girls, where are you going?" - saad ni Karen na nakangiti pa sa'min.

Nilagpasan lang namin sila dahil badtrip na kami at hindi na namin kailangan ng pambwibwisit nila.

Nang makarating kami sa office niya ay agad kaming naupo dun sa sofa na meron siya sa office niya.

"Ano bang magandang ipaliwanag para maintindihan niya na hindi tayo ang may gawa nun?" - worried na saad ko.

Nag iisip na rin ang anim pa nang dumating na si Ma'am.

"Ano? Nag-iisip ba kayo kung anong idadahilan at ipapalusot niyo sa'kin?" - taas kilay na tanong niya.

"Ma'am, we really didn't own that papers. I swear to God." - ani ni Mich.

"Wag ninyo idamay ang Diyos sa kasalanang ginawa ninyo. Hindi tama ang pangongodigo."

"We are saying the truth ma'am. Hindi po namin yan magagawa. We rather get zero in our quizzes than make our own kodigo just to get high scores. And paano naman po namin malalaman ang ipapa quiz ninyo?"

"Ginawa ko na to, kahapon pa at may answer keys na din ako. Anong malay ko kung kinuha ninyo to sa table ko at kinopya?"

"It's not good to blame someone ma'am."

"I am not blaming you. I am just stating what I think is right."

"Pero ma'am-"

"Sabagay wala namang aamin ng kasalanan hindi ba? Okay, pagbibigyan ko kayo ngayon at hindi ko ipapatawag ang parents ninyo. Pero kapalit nun ay hindi kayo papasok sa lahat ng subjects niyo ngayong araw dahil lilinisin niyo ang buong school."

"But ma'am-"

"No buts. You may go now and start the service."

Lumabas na kami ng mga naka simangot. Ang malas naman ata namin ngayon?

Alam kong may taong nagpakana nito. Yung mga nagbato. Sino sila? Hindi namin alam dahil hindi naman namin nakita. Kailangan namin malaman yun! We don't deserve this, kasi di naman namin ginawa.

Pero pano ba namin malalaman yun? Eh hindi nga namin alam. No choice, maglilinis kami whole day.

BAD TRIP, BIG TIME! 

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon